Three

53.3K 1.3K 27
                                    


Ginising si Jade ng kalabog sa pintuan ng penthouse nito, kaya naiinis na tumayo mapapatay niya kung sino ang nasa labas ng pintuan. Ngunit nagulat siya ng hinampas siya ng kaniyang Kuya, sa mukha niya. Dumiretso sa sofa si Dave, habang masama ang tingin at sobrang inis sa kaniya. Kahit ganito naman siya ay hindi magawang sagutin ng pabalang ang nakatatandang kapatid. Hindi sa takot siya dito, malaki lang ang respeto niya sa kaniyang Kuya. Alam niyang sermon ang gagawin nito sa kaniya kaya ito na dito. Hinayaan muna niyang makaupo ito at naghintay siya sa mga sasabihin nito. Hindi pupunta ng ganon lang ang panganay na kapatid kung hindi importante iyon. Naupo siya sa kaharap nitong single chair at humanda sa pakikinig.

"Walong buwan na ang edad ng mga bata Jade! Bakit mo hinayaang iwan ka ng asawa mo sa panahong buntis pala siya? At wala ka man lang ginawa? Kailan ka pa naging iresponsable? Muntik nang atakihin si Daddy, sa galit sayo! Nagagawa mong mag palit palit ng babae pero ang sarili mong Asawa at mga Anak, hindi mo binigyan ng pansin?"

"Anong gusto mong gawin ko, Kuya? Hindi nga ako nakakasiguro na akin ang mga batang iyan! Hindi mo ba nakikita na buntis na naman siya, Kuya? Meaning may ibang lalaki na siya at wala na akong pakialam sa kaniya! Magmula ng umalis siya hanggang sa muling pagkikita namin sa Cebu, hindi niya ako pinakinggan." Natigilan siya dahil ilang beses niya itong naangkin sa Cebu at wala siyang ginamit na protection, possible ba na anak niya ang nasa tiyan nito?

"No! Impossible!" Tatlong taon silang nagsama at hindi man lang ito nag buntis kaya nakasisiguro siyang hindi kaniya ang mga bata. Now he knows, kung bakit siya iniwan ng asawa, sa kadahilanang matagal na nitong alam na may babae siya at para makaganti ay nagpabuntis sa iba. Sumandal siya sa upuan at pumikit dahil masakit lang ang kaniyang ulo sa kung ano-anong iniisip.

"Anong sabi mo?"

Napukaw ang malalim na pag iisip ni Jade, ng magsalita ang Kuya Dave niya.

"Anong plano mo ngayon?"

"Nothing Kuya, ginusto niya 'yon at siya ang umalis kaya wala na akong pakialam sa kaniya."

"Are you sure, na iyan ang gusto mo?"

Hindi na lang siya umimik dahil ayaw na niyang makipag conversation pa sa kapatid. Ang gusto niya ay umalis na ito para makatulog pang muli dahil antok pa at ilang oras pa lang ang kaniyang tulog.

"Sana huwag dumating ang araw na pagsisihan mo ang desisyon mong iyan, Brother."

"I am Mark Jade Montemayor, para habulin ko siya at magmakaawa na balikan niya, no way!"

"Sige, kung iyan ang na talaga ang desisyon mo ay wala na akong magagawa pa. Isa lang ang sasabihin ko sayo Jade, panindigan mo ang salita mo. Huwag kang lalapit sa akin na umiiyak o hihingi ng tulong para sa mga Anak at Asawa mo."

Wala na ang kaniyang kapatid ay hindi pa rin siya kumikilos, hindi niya ito kailan man naringgan ng gano'n na salita ang panganay nila. Subalit ngayon ay tila nag iba na ito sa kaniya at dahil iyon sa babaeng iyon. Totoong nagkasala siya sa kaniyang asawa ngunit sinubukan naman niyang magka ayos sila. Pinuntahan pa nga niya sa Cebu at humingi din siya ng tawad ngunit hindi man lang siya pinakinggan. Aminado naman siya na until now, he still love her at nasasaktan siya sa kaalaman na may mga anak na ito at buntis na naman. Sigurado siyang may kinalaman ang lalaking sumundo sa kaniyang asawa sa Davao Airport.

Kinagabihan ay umalis siya ng bahay dahil hindi siya mapalagay, simula ng iwan siya ng kaniyang asawa ay lagi na siyang balisa. Ang kaniyang pakiramdam ay laging kakaiba at parang may mga gusto siyang gawin. Sa isang bar siya humantong ngunit hindi muna siya bumaba.

Ilang minuto na siya sa parking lot ay nanatili pa rin siya doon at balik na naman siya sa mga nakasanayan. Ito lang ang alam niyang paraan para makalimutan ang mga nalaman niya tungkol sa status ng asawang nang iwan sa kaniya. Mas mabuting pumasok na siya sa loob dahil lalo lang niyang hindi maalis sa isipan si Sofia.

BOOK #2: TEARS OF A BILLIONAIRE'S WIFE JADE MONTEMAYOR (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon