Chapter #1 : A Cup of Coffee

1.1K 80 23
                                    


  CHAPTER #1: Sabrina's P.O.V. 

 " Im breaking up with you ." paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga salitang huling nasabi nya sa akin bago kami nagkahiwalay. "Bakit ganon? Hindi ko maiwasang isipin na pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. " kusang lumalabas ang mga salita sa bibig ko habang lumuluha ang aking mga mata.

  Alam mo yung feeling na ayaw mong i-let go yung past kase sobra kang pinasaya, nasanay ka tapos nung dadating na yung time na iiwan ka na niya .. , ayaw mo nang bumitaw sa takot na masaktan ? ..Ang drama ko! Pinapanood ko kase yung mga videos na in-upload ko sa personal blog ko. Memories namin yon nung kami pa ni Zack. Si Zack ang bwisit kong ex na manloloko!

Ipinagpalit nya ako sa bestfriend ko. Alam kong di ako nag-iisa pero ang sakit lang kase talaga. Pumili man lang sana sya ng ipapalit sa akin. Yung mas deserving.
Natigil ako sa pag-eemo nang pumasok bigla si kuya Steven sa kwarto ko. Wala na talagang ginawang tama 'tong lalaking 'to sa akin eh ! Dali-dali kong pinunasan ang luha sa mga mata ko bago ko sya hinarap.  

 Ano nanaman kaya ang kailangan nito sa akin? Mukha pang naka-inom."Ipagtimpla mo nga ako ng kape! Ang sakit ng ulo ko, sh*t!" Iinom-inom tapos di pala kaya? Tss. Magmula ng tumira ako rito,sunud-sunuran ako sa kanya.

Let me tell you my family background para maintindihan mo. :) 

 Anak ako sa labas ng tatay ko.Pero ako lang ang nabuo sa totoong pagmamahal. May Chinese blood ang daddy ko, arranged ang kasal nila ni tita Allixe. Ang mommy ng mga kuya ko. Kahit ayaw ni dad,wala rin syang magawa. Kaya kahit mahirap,iniwan nya ang firstlove nya which is si mommy para maikasal sa babaeng nahanap ng mga magulang nya para sa kanya. Pinilit nilang makisama sa isa't-isa. Nagka-anak sila ng dalawa.Si kuya Xander at kuya Stepphan. 

 Hanggang sa . . .

 muling magtagpo ang landas ni Mommy at Daddy. Hindi nawala ang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa ,kaya kahit bawal ay nagkikita parin sila ng patago. Hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa. At walang iba kundi ako.Ang anghel sa pamilya..

 Three weeks bago ako ipinanganak ay na-confine si mommy dahil nagbleed sya.Nang mga oras daw na yun ay hindi umalis si Daddy sa tabi nya.At nakalimutan ang asawang buntis din.Si kuya Steven ang ipinagbubuntis ni tita Allixe noon.

  Sabi ng doktor kay dad ay imposible na mag-survive kaming dalawa ni mom.Kung isisilang ako ni momay may possibility na sya ang mawala at 50-50 ako.Pero kung ipapatanggal nila ako ay may pag-asa pang mabuhay si mom pero hindi na pwedeng magbuntis. 

Hindi pumayag si mom sa gusto ni dad na ipatanggal ako.Kaya nang ipanganak nya ako ay kasabay ang pagkawala nya..Kabisadong-Kabisado ko na ang love story nila Dad,Mom at tita Allixe,madalas ko kasing ipakwento kay daddy yan.Dahil kahit papaano, nababawasan ang pagkasabik ko sa tunay kong ina.

  [ continuation ] 

 Lumaki ako sa bahay ng tito at tita ko. Kapatid ni tita Rica si mommy.Wala silang anak kaya nila ako kinuha kay dad.Hindi rin pumayag ang mga magulang ni dad na iuwi ako sa bahay nila daddy dahil isa raw akong kahihiyan sa pamilya nila.  

  Hindi nila ako sinanay sa marangyang buhay. Pinag-aral nila ako sa pampublikong paaralan. Hindi rin ako spoiled ng mga tito at tita ko. Kahit sa gawaing bahay ay tinuturuan nila ako. Simple lang pero masaya dahil may nagmamahal sa akin na parang tunay na anak. 

 Noong mga panahong iyon, dinadalaw parin ako ni daddy linggo-linggo. Binibigyan nya ako ng kung anu-anong gamit na hindi ko naman alam kung paano gamitin.At once a month ay may bonding moments kami. Hindi man ako nakatira sa kanila, hindi nya parin nakalimutan ang mga responsibilidad nya sa akin.  

  Nang makapagtapos ako ng high school, nagdesisyon si tita Rica na tumira kami sa ibang bansa. Dahilan para hindi pumayag si daddy. Ipinaglaban nya ang custody nya sa akin sa korte at sya ang nanalo.    

   Sa pagtira ko sa kanila, unti-unting nagbabago ang kinasanayan kong buhay. Madali naman akong natanggap ni tita Allixe dahil wala syang anak na babae pero iba parin ang turing nya sa akin kumpara sa mga kapatid ko. 

  Madali ko namang nakasundo si kuya Stepphan dahil pareho kami ng hilig at isa pa pala . . .Medyo malamya sya sa kilos at pananalita.Si kuya Xander naman ay laging wala sa bahay. Busy sya sa mga gig nya. Vocalist kase sya ng banda. Binigyan sya ni daddy ng isang unit sa condo na pagmamay-ari nila. Para daw kahit hindi sya umuwi ay may matutuluyan sya.

  At si kuya Steven . . .
ang bukod tanging hindi ko kasundo. Magmula nang tumira ako rito ay ginawa nya na akong personal maid nya. Ewan ko ba, sa dami ng mga utusan dito . . .
sa akin nya pa napiling ipagawa ang mga inuutos nya.

  Sinusunod ko nalang sya para wala nang gulo. Iniisip ko nalang na may karapatan syang utusan ako dahil mas matanda sya sa akin at saka madali lang naman yung mga pinapagawa nya. Ipagtimpla sya ng kape, ayusin ang kwarto nya, ipaglaba sya ng mga damit nya at linisin ang kotse nya.

  Kinakaya ko naman, aba! Sanay yata 'to! Pero minsan ay nakakatulog na lang ako sa dami ng inuutos nya sa akin. Pero ok lang yun! Fight lang!  Tumayo ako at lumabas na ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina para ipagtimpla si kuya Steven ng kape. 



Married To An Idol (EDITING)Where stories live. Discover now