Started in the Bus

50 0 0
                                    

Yuna POV

"Sa wakas makakapagbakasyon ako sa amin, after 10 years" sabi ko sa sarili ko nang nabili ko na ang ticket sa bus na sasakyan ko pauwi ng probinsya naming sa Albay.

Matagal na akong hindi nakakauwi dahil mahirap makatyempo ng leave sa pinapasukan kong shoe factory. Lalo at ako pa ang store manager.

I'm Yuna Lei Gonzales, 24 years old...grumadweyt ako ng business management sa probinsya naming at lumuwas dito sa Maynila para makahanap ng trabaho. Ulila na akong lubos at wala naman akong kapatid. Naging scholar lang ako ni mayor noon kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral. Sa school ako noon nakatira bilang working student. Naging mahirap ang buhay estudyante pero nakaya ko naman at eto nakabili na ng maliit na bahay dito sa Bulacan.

Sa makalawa ang alis ko kaya inayos ko na ang mga dadalhin kong gamit...dalawang linggo din ang naaprove na leave ko. Ayos na yun, tamang tama fiesta sa barrio namin. Meron na akong nakitang transient house sa internet para dun ako magstay habang nasa probinsya ako.

Hinintay ko ang bus number 2316 na aalis mamayang 5:30 sa terminal sa Araneta. Tamang tama, maaga pa naman, kumain muna ako ng early dinner kasi mahirap kumain sa loob ng bus.

Nang makita ko ito, umakyat na ako dala ang dalawa kong bag. Naupo na ako sa seat number na nakaassign sa akin. Buti na lang at sa may malapit sa bintana ang nakuha kong pwesto.

Paalis na ang bus nang may humabol na isang lalaki. Nakatshirt ito at nakamaong na punit punit. Hindi ko napansin ang mukha nito dahil nakacap ito.

Umakyat ito sa bus at naupo sa tabi ko. Nakakaasar, kala ko pa naman wala akong katabi.

Rein POV

Buti na lang umabot ako...sa sobrang badtrip kasi ni daddy nasermunan pa ako sa telepono kaya tuloy naipit ako sa traffic papunta dito sa terminal.

Napasandal ako sa upuan ko nang mapansin ko ang katabi ko. Hmmm...aba kung susuwertihin ka nga naman...

Pinagmasdan ko ang mukha nito at anak ng tokwa...ang ganda naman. Mapupula ang mga pisngi pero walang make up...ang haba ng pilik mata na parang manika na pumipikit at dumidilat...nakanguso pa ito sa may bintana kaya kitang kita ko ang nipis ng mga labi niyang nilagyan ata ng konting lip gloss.

Damn, ang mga weakness ko sa babae ay nasa tabi ko lang. Muli kong pinagmasdan ang babae at tiningnan ang mga daliri nito. Wala itong singsing so ibig sabihin single...Ayos...mukhang magiging masaya ang byahe ko nito pauwi sa bahay.

"Rein Joseph Barrameda nga pala" pakilala ko sa katabi ko.

Tumingin ito sa akin ng matalim. Pakshet ang ganda ng mukha nito ng harapan. Kumunot ang noo niya at tumalikod. Aba suplada. That's more like it.

"Uuwi ka ng Albay?" tanong ko ulit dito

"Obvious ba, alangang uuwi ng Makati" pabulong nito.

Hehe oo nga naman, stupid question.

Tumahimik muna ako sandali at nag-isip ng sasabihin. Mukhang mauubusan ako ng diskarte sa babaeng ito ah. Hahanap muna ako ng bwelo baka lalong magalit sayang naman.

Teka si Rein Joseph, mauubusan ng diskarte? Eh lahat ng babaeng ngingitian ko lang eh sila na halos ang maghubad ng damit nila, makasama lang ako sa kama.

Pero mukhang iba itong katabi ko ah. Matapang at mukhang palaban.

Started in the BusWhere stories live. Discover now