TANGA GIRLS

21 1 0
                                    

Limang taon na akong kasal sa taong pinili ko matapos ko lokohin ng 3 taon. Tatlong taon ko tiniis bawat pambabalewala mo, pam bababae at pag huthot mo saken ng pera. Hinyaan ko lahat nf yun dahil mahal kita. Mahal na mahal sa point na pumayag ako makipag open relationship, para lang wag ka mawala sa akin. Kahit na may kahati ako nun, sa isip ko at least kahit pano, sa akin ka.

Naiwan ka sa pinas ng bumalik ako sa London para magtrabaho uli at makuha ka. Nangako ka na hihintayin mo ako at pag balik ko dito, kasama na kita. Wala pang dalawang bwan nakipag break ka sa aken dahil may gusto ka ng iba. Sobrang sakit marinig,lahat ng plano natin nawala na lang bigla. Di ako makapg concentrate ng maayos sa trabaho ko, nanghingi ako ng leave kahit limang bwan pa lang ako sa trabaho nun. Umuwi ako sa pinas ng hindi mo alam, dumeretso ako sa inyo bitbit pa maleta ko. Nang makita mo ako tinitigan mo lang ako at sinabe, 'oh, bat andito ka?'. Naiyak ako sa harap ng pamilya mo kahit hiyang hiya ako, napahiya ako sa sinabe mo. ( At sa na sayang kong pera pambili ng ticket, tangina mo ang mahal mahal ng ticket!) Ng mag usap tayo, sinabe mo na sya and pinipili mo. Umiiyak akong umalis nun, sinabe ko sa sarili ko na tama na pag papaka tanga.

Sino mas tanga, ikaw o ako?Where stories live. Discover now