CHAPTER 1: Kelvin Lassiter Time!

224 9 2
                                    

CHAPTER 1: Kelvin Lassiter Time!

A/N: Eto na naman ang umpisa ng isa sa aking mga kwento! Support this story guys haha!

==============================================================================================================================================================================================================

KELVIN's POV

"Ayokong umalis dito." Plakado kong sagot kay Ben. Tch. Bakit ba ang kukulit nila? Sinabi nang ayoko ngang umalis dito sa rooftop.

"Pero Kelvin! Graduate na tayo sa school na 'to! Mga Alumni na tayo! Magiging kolehiyo na tayo!" Ben.

"Sige na, kayo na lang ang umalis, iwanan niyo na ako dito." Tumalikod lang ako ng pagkakahiga. Ayokong tumingin kay Ben. Naasar lang ako.

"Kelvin! Kakatapos lang ng Graduation Ceremony natin dito ka agad nagpunta sa rooftop para magsenti! Hindi maganda yun---isa pa hinihintay na tayo nina Robi..."

"Sabihin mo sa kanila gusto kong mapag-isa." Kinalikot ko yung bangs ko.

"Kelvin, alam naman namin kung bakit ka ganyan. Pero second year highschool pa tayo nun---"

"Ben, kung hindi kita Bestfriend nasuntok na kita."

"Haha sabi ko nga aalis na ako! Basta sumunod ka dun sa party ha?" Hay salamat naman at aalis na 'to. Dami pang sinabi!

Huh? Hindi niyo pa rin alam kung anong nangyayari? Naguguluhan ba kayo? Tch. Ipapaliwanag ko na nga sa inyo since mga slow kayo...

Tama, nandito ako ngayon sa rooftop ng highschool namin, kakagraduate ko lang kani-kanina at dumiretso na ako dito.

Ayokong iwan ang lugar na'to. Eto ang pinakapaborito kong lugar sa buong buhay ko. Tahimik dito kapag lunchtime, masarap ang hangin, tama lang ang taas para makita yung buong campus, walang masyadong napunta dito, parang halos ako lang yata.

Ngayon kakagraduate ko lang, parang gusto kong masolo ang lugar na 'to bago ako pumunta sa Manila. Tama na naman kayo, eh ano ngayon kung laking probinsya ako? Mas masarap nga dito. Sobrang payapa. Tahimik. Kalmado.

Pero bigla na lang nagparamdam si Kuya Collosus at iniarrange na lahat ng kailangan ko para sa College.

Tch! Hindi man lang ako pinapili kung saan ako papasok! Kaasar yun!

Mabuti na lang nahikayat niya yung mga kabarkada ko na dun din pumasok! Mabuti na lang talaga kasi kung hindi...

Kasi kung hindi ang hirap na naman maghanap ng kabarkada.

"Mukhang kailangan na nating maghiwalay rooftop." Sabi ko habang hinihimas-himas yung sahig nitong rooftop.

Ah dito, dito rin pala sa lugar na 'to madalas kami lang dalawa.

Hanggang sa nawala siya.

Hanggang sa iniwan niya ako.

Huh. Ako na pinakagwapo dito sa highschool? Nagawa niya sakin yun?

"Tangna. Anak ka naman ng buteteng-laot oh." Napasipa tuloy ako sa pader.

.

.

.

.

.

"Huy Kelvin! Gumising ka! Kelvin!"

"Naku naku! Binabangungot si Utol!"

"Ang mukha ko! Uwaaah!"

U-uhm, ba-bakit ang ingay sa paligid ko?

MY ALIEN BOYFRIEND! 2016 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon