CHAPTER 4- Kelvin as BOYFRIEND!

187 7 1
                                    

CHAPTER 4: Kelvin as BOYFRIEND!

Date Started: April 17, 2017

A/N: Pasensya talaga kung matagal nagawan ng kasunod na chapter ang story na ito kasi inedit ko po talaga ng husay yung ANG BUHAY NG WEIRDO at saka ito. So eto na, bumabawi na ako!


=======================================================================================================================================================================================================

ALYSSA's POV

O hindi o hindi o hindi o hindi o hindi o hindi o hindi o hindi o hindi o hindi!

Bakit ako pumayag sa kondisyon niya?! Paano kapag natuluyan yun at nagkagusto talaga sa akin? Waaah iba pa naman ngayon! Kahit na mga cold guys lumalambot talaga waaah!

"Aly, ikaw na lang hindi nagtotoothbrush kadiri ka! Huwag ka ngang matulog dyan!" Sinisipa ako ni Rachelle. Yep gabi na at nasa dorm na ulit ako.

"Oo nga Alyssa mandiri ka nga hahaha!" April.

So ayun bumangon ako at parang zombie na naglalakad papunta sa Comfort Room ng dorm na ito dala-dala yung baso ko na may toothbrush at toothpaste. Hindi naman ito katulad ng iba na merong CR. Remember? Westside ang pinakapoorita sa apat na dormitories.

Oo nga pala naalala ko, isa pa lang ang nasasalihan kong club, one week naman ang promotion nila kaya makakahanap pa ako ng isa pa para makumpleto ko.

Si Kelvin kaya? Ano kayang sinalihan noon? Teka bakit ba ako nacucurious?

"Ah ikaw si Alyssa hindi ba? Yung nakapagpatawa kay Kelvin Lassiter?" Napatigil na lang ako sa paglalakad ng may biglang sumulpot! Jusko! Akala ko kung ano na!

"Ah ako nga yun... Hehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ah ok. Psssh." Ayun nilampasan niya ako.

Hala? Sino yun? Hater ko ba yun? Arrrgh! Ang gusto ko lang naman ay makatapos sa University na ito ng tahimik tapos umabot sa ganito? Waah paano kapag ay nagbalak na idispatsya ako? Iyak Alyssa!

Walangya ka Kelvin! Kung bakit ka kasi tumawa!

Hindi ko pa alam ang pakulo mo bukas!

Siguro siya yung tipo na cold lang basta magampanan niya yung one day condition niya.

Oo nga mabuti yun. Sana ganoon na lang para hindi siya ma-attract sa akin hohoho.

Kinakabahan ako huh Kelvin!

======================================================================================================================================================================================================

KELVIN's POV

Arggh! Hindi ako makatulog!

Paano naman kasi kung bakit ko pa sinabi sa kanya ang bagay na yun. Kung bakit gumalaw ang katawan ko at hinila ko siya? Gago eh kasi may pagsabi-sabi siya ng pangalan ko nang malakas ayan may mga tangerine na nakarinig! Arrrgh para tuloy akong bangag na tangerine. Hindi ito maganda.

Isa pang dahilan kung bakit ako hindi makatulog...

Nakalimutan ko na kasi...

Nakalimutan ko na kung paano maging isang boyfriend.

Oo tama. Simula nang iwanan niya ako noong Second Year High School hindi na ulit ako naghanap ng iba. Nagpakatanga ako mag-isa kakaisip kung bakit niya ako hiniwalayan. Hanggang sa umabot sa ganito na nakalimutan ko na yata kung paano umasta at maging sweet na boyfriend. Masama talaga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY ALIEN BOYFRIEND! 2016 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon