Day Five.

81 0 0
                                    

Author's Point of View

Hinanap ni Vincent ang mga files na kanyang mga magulang sa cabinet. "Nasaan naman kaya nila nilagay 'yon?" Napahinto siya nang makita ang isang envelope nakatali ito. Hindi nagdalawang-isip si Vincent na kunin ito, bubuksan na sana niya ito nang biglang mag-ring ang phone niya.

Harrieth is calling...

He clicked the accept button at umupo siya sa kama habang hawak-hawak ang brown envelope.
         
"Hey, how is my babe?" Tanong ni Vincent. Nilapag ni Vincent ang brown envelope sa kama at tumayo siya, dumungaw siya sa kanyang balcony upang damhin ang malamig na simoy ng hangin.

"Could you stop calling me babe, JV? Ang corny kaya."

"What? It's not. We're in a relationship okay you don't have to be shy everytime i called you that."

"But still.. Hindi ko pa nasasabi kay Dad and Mom about our relationship"

"So you're planning to make it legal? What if they don't like me for you? Tulad nung mga napapanood ko sa television."

"Don't be so paranoid, JV. Nagmumukha kang tanga" Narinig ang mala-anghel na tawa ni Harrieth sa kabilang linya.

"Maiba ako, kamusta yung investigation?"

"Eto hinahanap ko ngayon yung mga files nila Mama at Papa."

"Ahhh...magpapasama sana ako sa'yo sa foundation." Lumingon si Vincent sa brown envelope at ngumiti.

"I still have a lot of time to find the files kaya sasamahan kita." He stated. Habang nag-uusap sila ay tinago ni Vincent yung brown envelope sa kaninang kinalalagyan nito. Nagpalit siya ng damit, he picked the jeans. Vans shoes tapos nag plain t-shirt siya na white, v-neck.

"Magiging masaya 'yon kaya sasama ako." pinal na tugon ni Vincent. Binaba ni Harrieth ang tawag kaya lumabas na si Vincent at ni-lock ang apartment.

-

"May mga gusto pa bang kumain?" Tanong ni Harrieth sa mga bata. May mga nagtaas ng kamay kaya ngumiti si Harrieth at sinenyasan niya ang mga ito na pumunta sa kanyang kinatatayuan.

"Maraming pagkain dito, kain lang kayo." Pag-anyaya ng dalaga. Samantalang si Vincent ay abala sa pamamahagi ng KFC sinundot ni Harrieth ang tagiliran nito.

"Oh, bakit?" Tanong ni Vincent.
"Thank you, JV. " Tumingkayad si Harrieth at hinalikan niya ang pisngi ni Vincent. Narinig ang pag-ayiiiieee ng mga bata walang nagawa ang magkasintahan kundi ang makitawa sa kanila.

"Pero siguro, mas magiging masaya kung sa labi mo ako hinalikan." Bulong ni Vincent. Pabirong hinampas ni Harrieth si Vincent kaya napa-aww ang binata. "Totoo naman 'e." Pagtatanggol ni Vincent sa kanyang sarili.

"Tama na ang isang beses, Mr. John Vincent Cruz. Highschooler pa lang tayo anong tingin mo sa atin? College? Para maglampungan?" Sambit ni Harrieth. Napa-kamot ulo lang si Vincent. Usually, sa mga kabataan ngayon marami ng nagmamadali pero napapangiti na lang si Vincent tuwing pinagmamasdan niya si Harrieth dahil imbis na magpadala sa tukso mas pinipili nilang sundin ang limitasyon nila bilang kabataan.

"You're so adorable, babe." Tinignan siya ng masama ni Harrieth. "Alam mo, tumulong ka na lang kaya sa mga staffs para maipasok na lahat nung mga regalo." Pag-iiba ni Harrieth sa usapan. Nasanay na si Vincent sa ugali ni Harrieth kase kung time ng landian 'don lang dapat pero kapag seryoso dapat walang bahid ng landian. 'Pero bakit ako nakikipaglandian, seryoso naman ako sa kanya' Bulong ni Vincent sa kanyang sarili. He shooed his thoughts away at sinunod na lamang niya ang inuutos sa kanya ni Harrieth.

7 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon