Day One.

110 3 1
                                    

Harrieth's Point of View

"Dad, look at my recognitions" Ginawa ko ang lahat para mapansin ako ng mga magulang ko, I am now the top 1 and I was the one sitting on that title of how many years? I lost count. But, all of the things that I did for them were just a trash.

"I don't need those, Get out of my sight." Giit niya. I smiled a bit pinatong ko ang mga certificates sa desk niya tsaka ako umalis. My parents owns a bank and they are both businessman/woman, dahil sa pagiging busy nila parehas wala na silang oras para sa isa't-isa at sa akin. I might be rich, as they always say pero katulad din ako ng iba. I am just a simple girl wanting my parents to love me back.

Minsan ko nang inisip siguro adopted ako.

"Mom, I cooked a pesto do you want to have a taste?"

"Later." At naglakad siya papunta sa kwarto niya. Araw-araw ganito ang eksena sa loob ng bahay na ito, it's huge pero parang walang tao. Nagtangka na akong mag suicide a lot of times, ngunit hindi ako nagtagumpay. Maybe, because of my fear, fear of leaving this world behind. naniniwala kase ako na baka someday, someone will come out of the blue. Mamahalin ako dahil ako si Harrieth Faye Valdez. Not because I am wealthy and rich.

"Manang, can you give it to Mom and Dad? Mag rereview pa kase ako for the upcoming quarterly exam." I murmured. Ngumiti si Manang Alicia at dahan-dahang tumango, Matagal na naming maid si Manang Alicia sa pagkakaalam ko naging maid siya dito nung isinilang ako.

"Ayos ka lang ba?"

"Okay lang ako, Manang." But the truth is, hindi ko na kaya. Pero kailangan kong mabuhay. Masyado pang maaga para sumuko and besides, hindi lang naman ako ang taong nakakaranas ng mabibigat na mga problema. So, anong karapatan ko diba? I have to live longer hindi para lalong pahirapan ang sarili ko kung di para respetuhin ang buhay na ibinigay sa akin.

"Kung gusto mo ng makakain tawagin mo lang ako, ipagluluto kita." Sambit ni Manang. On my 16 years of existence in this world, hindi ko naranasan na ipagluto ako ng sarili kong ina. Hindi ko naranasan na pagsabihan ako ni Dad kung meron mang nanliligaw sa akin. They never asked me kung bakit ako gabi umuuwi minsan, they never asked me kung ilan na ba ang mga natitipuhan kong lalaki.

Not a single thing.

Kaya ang swerte niyo, kung nararanasan niyo ang hindi ko nararanasan ngayon. Fear of being alone, is one of the most mournful things rather than not being with your friends. Kase yang mga kaibigan na 'yan, they will come and go siguro may hindi aalis, siguro may taong mananatili sa tabi mo. But not on my story.

I have a lot of friends, pero hindi sila totoo. Some of them are backstabbing me. Alam mo ba yung ginawa ko? Nagbingi-bingihan na lang ako at nagbulag-bulagan. Oo, masakit. Pero wala eh, Ano bang mapapala ko kung ilalabas ko yung galit ko?Mababawasan nga yung sakit sa puso ko pero may magbabago pa? If i would burst into anger,mamahalin na ba ako ng mga magulang ko? Mapapansin na ba nila ako?

Sa kaiisip ko hindi ko napasin ang oras. "It's already 9PM." Pinatay ko ang ilaw tsaka ako dumiretso sa closet, kinuha ko yung black sweater, vans shoes at tinali ko ang aking buhok into a half bun. Hanggang balikat lang ang buhok ko ayaw ko kase ng masyadong mahaba ayaw ko rin ng masyadong maiksi.

*Market; Friday, (10/11/13) 9:14PM*

Hilig kong pumunta sa Market tuwing gabi, pampalipas lang ng oras. Magkakape kung minsan kumakain ng ice cream.

"Nasaan na yung pistachio?" Tanong ko habang hinahanap yung paborito kong ice cream flavor.

"Isa na lang?" Kukunin ko na sana nang biglang may kumuha nito. "Pst! Akin yan! Ako yung unang naka kuha niyan!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang siyang pumunta sa counter para bayaran yung ice cream.

7 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon