♕
#CHAPTERFIVE
Im on the way school, dalawang oras na din akong late dahil dun sa business meeting kanina. Wala namang problema kung malate ako, since wala akong balak pasukan ang klase nung makulit na buntis na Professor ko. Nakakainis kasi halos magkandapasa na yung mukha ko sa kakakurot niya sa pisngi ko, halatang halata naman na pinaglilihian niya ako hindi ko naman siya masigawan dahil alam kong sensitive ang pagbubuntis niya baka makunan pa siya at ako ang sisihin ng asawa niya.
"Urg. Move! Bwissit na traffic!"
Halos masira na nga yung manubela sa kakahampas ko, nakakagigil kasi halos ilang minuto na ako dito pero hindi parin umuusad yung mga sasakyan, bwisit na bridge reconstruction yan. Wala akong nagawa kundi iikot ang kotse at sa ibang daan nalang dumaan, baka ilang dekada pa ang maabot ko kapag nagstay pa ako sa traffic na yun.
Finally, I already reached the parking lot. Kalahating oras din bago ako makarating dito sa University, kagagawan kasi yun nung bwisit na daan na yun e. Hindi pa pala available, ilang beses pa ako nagpabalik-balik kulang nalang eh makipag-away ako dun sa mga construction workers at pati na rin dun sa engineering na gumagawa ng daan.
Malawak ang space ng parking lot ko kumpara dun sa iba, siguro kasya ang apat na kotse dito, syempre dapat lang yun kasi ako ang anak ng may ari ng University na to.
Naglalakad palang ako sa quadrangle pero pansin ko na ang mga titig nila, I used to ignore them hindi naman sila si Kleo para pansinin ko.
"She really look pretty"
"Yeah. She's so damn gorgeous "
“She's lucky. Nakukuha niya lahat ang gusto niya”
Marami pang bulungan ang naririnig ko, hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang akong naglalakad sa hallway. Pumasok na ako ng classroom ko, pagkabukas ko ng pinto as usual lahat sila nakatingin sa akin, they all staring at me even my professor. Napairap nalang ako at umupo sa seat ko.
"You're late again Ms. Hens"
Nakatingin lang ako ng diretso sa Prof. ko, pagod ako, ayokong makipag bangayan ngayon, napabuntong hininga siya. "Okey class, let's go back to our discussion"
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko and I texted him.
To: Kleo<3
Mas maganda pa ako sa morning! See you later, I miss you hubby.
Napangiti ako at itinago ko ang phone ko sa bulsa ko, gusto ko sana siyang tawagan kaso alam ko namang hindi niya yun sasagutin. Ilang oras pa ang hinintay ko bago matapos ang morning class ko, pagkatapos ng discussion sa business math tumayo na ako at umalis na sa classroom, hindi ko na hinintay na maggood bye pa ang prof ko alam ko namang aabutan pa yun ng ilang minuto.
Lunch.
I walked towards the engineering department, aware ako na maraming lalaki dito aware din ako na halos matunaw na ako sa mga titig nila. Ito yung ayaw ko pag pumupunta ako dito sa building na to, kung makatingin kasi sila parang hinihubaran na nila ako.
"Blackfour private music room"
Nakaukit yun sa pinto ng music room. Hindi nga kayo nagkakamali, blackfour have their own music room. Dad decided na ibigay nalang ang music room na to sa kanila para kapag may biglaang practice para sa battle of the bands o di kaya may biglaan silang performance hindi na hassle, nasa second floor pa kasi yung music room at saka yung multi media room. Desserve naman nila ang music room na to, because of them marami ng naiencourage na magpaenroll dito. At dahil nga private music room to, ang members lang ng blackfour at ako ang pweding pumasok sa loob.