Ako nga pala si Ashley. Ash nalang for short. Mahaba buhok ko kulay itim, makapal yung kilay pero on fleek nmn, asset ko kaya to hihi. 5'4 height ko, kaya napasok ko ang pagiging modelo. Di masyado matangos ilong ko, yong sakto lang. Balat kayumanggi, kaya obviously Pinoy ako.
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko. Pero joke lang, kasi kanta yan hahahaha.
Nong high school palang ako, umuso ng yong facebook. At dahil ako yong klase ng babae na hindi nagpapahuli, gumawa ako ng account.
At dahil bagohan lang, add/accept lahat ng tao kahit di ko naman personally kakilala.
December 10, 2010, may naka notify na inaccept ako sa friend request. Totoo yong nabasa nyo, ako yong nag-add haha landi. At inaccept nya ako, Si Aaron.
PS. (Dahil marami silang mga lalaki na naging parte ng buhay ko, e alphabetical ko na lang para di kayo malito)
Anak ng putik! Ang gwapo shet naman, diko namalayang inadd ko pala ang poging 'to. Tiningnan ko pictures nya, ang pogi tas Model at Dancer din sha. Yung abs, red lips sarap supsupin huhu sorry naman po pero totoo naman eh, ang tangos pa ng ilong nya, ang puti ng balat nya, halos magka-opposite lng kami, maliban nalang sa beauty, hindi opposite oy grabe nmn, kasi okay lang nmn mukha ko eh hahaha tas sha mas okay pa sa okay! Perfect na perfect tlga grabe yong sex appeal.
PS again. (2nd year high school lang ako nito hahaha ang landi lang?)
Chinat nya ko bigla! Naku nman, walang pasabi! Kinikilig tuloy ako.
Aaron: Thanks for the add :)
Naku! Buti nalang hindi sha jejemon, hahahaha pero ano kasi eh, sa sobrang perfect nya napagkamalan ko shang poser. Uso kasi yun sa facebook.
Me: Welcome, pogi :)
RULE #1: Maghintay ka ng mga ilang minuto bago magreply teh, para hindi maobvious na inaabangan mo chat niya. Wag kang atat!
Aaron: Pogi tlga? Di naman eh.
Me: Asus pahumble, sige rephrase ko na nga lang, "Welcome, ganda :)"
Aaron: Palabiro ka tlga haha, taga san ka?
At dito na kami nagsimulang maging magkaibigan.
----- END -----
Ipopost ko yong ibang parts after 100 reads. Thank you! And its good to be back pala hihi

BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag move-on?
Roman pour AdolescentsAng mga kwentong ito ay tungkol sa mga lalaking minsan ng naging parte ng buhay ko, sa mga lalaking hindi man naging kami sa huli, ang importante marami akung natutunan sa ibat ibang klase ng mga lalaki.