Athena Claire Villa Rama—the innocent
Ako ay naliligo sa aming batis, nagmamadali. Sa kadahilanang kami ay luluwas ng aking ina ng Maynila ngayong araw na ito. Ako ay kaniyang ihahatid sa pamamahay ng aking papasukang trabaho. Aniya, ako ay mamamasukan bilang katulong doon.
Dahil sa kahirapan ay umayon ako sa kagustuhan ng aking mga magulang na magbanat ng buto at marami kaming magkakapatid kung kaya't nahihirapan na si ama na magkayod sa bukid upang mapag-aral lang sila.
Nakikita ko sa mata nila kung gaano sila ka determinadong mag-aral. Sila ay mga matatalino kung kaya naman ako ay hindi na nagdalawang isip pang tangihan ang trabaho. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay nakikita nila ang kahirapan. Kahit iyon ang katotohan ay ayaw kong malugmok na lamang kami dito habambuhay.
"Claring, sumulat ka ha?" Paulit-ulit na paalala ni Jonas.
Ako ay humalakhak sa inaasta ng aking matalik na kaibigan, "oo naman Jonas. Alam mo namang hinding-hindi kita makakalimutan," ako ngayon ay nagsasabon ng aking katawan habang nakatingin lamang ito saakin.
Hindi pa rin nakuntento ang kaniyang mukha sa aking sinabi, "wag kang magtitiwala sa mga tao doon Claring. Agad mong ibalita saakin ang mga nangyayari sa iyo doon
Malakas na akong humalakhak at sinasabuyan siya ng tubig upang manahimik siya sa mga pinagsasabi niya. Nabigla ito sa aking ginawa. Nabasa ko ang kaniyang pantalon na mamahalin.
"Mas nag-aalala ka pa kaysa kay ina ano? Ikaw talaga Jonas, kulang nalang mag-iisip ang iba na kasintahan kita," sabi ko sa kaniya.
Nanliit ang kaniyang mata sa akin. Para kasing mangangain ito. Palagi na lamang siyang ganiyan kung tumitig sa akin. Kaya minsan niloloko ko lamang siyang bakla, baka gusto niyang gumanda tulad ko. Ngunit sa loob ko ay lumalakas ang pintig ng aking puso.
"Wala akong pakialam sa iisipin nila, alam naman ng lahat na matalik na magkaibigan tayo Claring. Dapat lamang ako ay mag alala," malamig na tugon nito.
Hindi ko na lamang siya pinakinggan at tinapos ko ang aking pagliligo sa sarili. Inayos ko ang mga nilabhan ko at kinarga.
"Ako na niyan Claring," Aakmang kukunin ang malaking batya ni Jonas.
Mabilis akon umilag sa kaniyang kagustuhan, "huwag na ano, nais kong ako na ang magdala. Huling araw ko nang gagawin ito dito, nais ko namang sulitin," ngumiti ako ng napakalaki sa kaniya saka naman niya itong naunawaan.
"Aalalayan na lamang kita," aniya.
Narinig namin ang pagsipol ng mga tao sa batis. Humiyaw sila sa kanilang nakikita at ako naman ay nahiya doon.
Sa tingin ng mga tao na kami ni Jonas ay magkasintahan. Na iniirog ko si Jonas na kahit kailan ay di ko maisip na mangyayari. Malayo ang agwat ng aming pamumuhay. Ngunit kami ay magkababata at dahil sabay kaming lumaki ay sobrang matibay ang maming pagkakaibigan. Ako ay kaniyang tinutulungan sa mga bagay-bagay na mabigat o kaya'y magaan para saakin.
Talagang mamimiss ko ang lugar na ito dahil sa maraming mga alaalang maiiwan ko rito. Ako ay dito na ipinanganak at lumaki kung kaya't mahirap para saakin ang paglayo, dito sa Alanib, Bukidnon.
"Maraming salamat Jonas," sabi ko nang narating na rin namin ang kubo matapos namin akyatin galing sa batis.
Malamig ang simoy ng hangin dito sa aming bukid. Kahit maaraw man o umulan. Malawak ang mga kalupaan at malalawak na plantasyon ng kung anu-anong produkto na inaangkat. Dito sagana ang mga prutas tulad ng saging, pinya at marami pang iba. Sari-saring din ang mga gulay.
Kung ikaw ay may malawak na lupa ay wala ka ng aabalahin sa iyong mga kakainin at maaari mo rin itong ipaninda sa palengke.
"Claring! Mamimiss talaga kita," utas nito.