C L A I R E
"A-ano po ba ang gagawin ko dito, ang utas mo saakin ay magiging katulong po daw ako dito" ramdam ko ang napakalalim na kaba at parang hindi ako makahinga ng maayos, tila ako'y gigisahin sa mga seryoso nilang mga mata.
"Yes, you heard it right. Pero may pakikiusap din kaming mag asawa saiyo. This will be a part of your job, but I know this will be hard on your part. Gusto ka naming makausap tungkol dito para mapagusapan natin ng maayos" tahimik lang si Sir Nathaniel, hinahayaang si Ma'am Dana ang kumausap saakin.
"Kahit anong pakiusap po ninyo'y aking tutugunan...kung itoy parte naman ng aking paglilingkod" medyo natawa ulit ang mag asawa saakin, hindi ko talaga mawari kung bakit. "Bakit ho?" pagtatanong ko.
"Pasensya na hija, I apologize. Pero ganyan ka ba talaga magsalita? Makata kasi masyado" halos umurong ako sa narinig, hindi naman kasi ako sanay sa english at modernong tagalog nahasa talaga ako sa madiing tagalog.
"Pasensya na po, ganito na po talaga ako magsalita. Hayaan nyo po matututo din po ako pagmatagal na" agad ko namang dinungtungan dahil baka ayaw nilang ng katulad ko may malalim na tagalog, gusto ko rin namang matuto sa makabagong panahon.
"Wala iyon, natutuwa lang kami dahil may dalagang Pinay pa pala dito saating bansa" sabi nito saakin, tila natutuwa. Yumuko lng ako't namula.
"Let's go back to the discussion, so we are saying. May pakiusap kami sayo, may anak kasi kaming papauwi dito sa Pinas. Sa kanya itong unit na ito. Kayo lang ang magkakasama dito at maninirahan" kalmadong utas ni ma'am Dana.
"Hindi po kayo dito nakatira?" gulat kong tanong, ang pagkakaakala ko ay dito silang mag asawa nakatira.
"Nope. My only child will live here. Gusto naming personal mo syang aalagaan, lahat ng pupuntahan at gagawin nya ay kasama ka. Isa syang sutil na anak, that @sshole bastard!" ano ba itong pinagsasabi nila? Hindi ko masyadong mawari ang mga utas nya, hindi ko rin mawari kong anong ginagamit na kasarian sa bawat tawag nitong pangalang mura.
"Ilang taon na po ba ang bata? Grabe naman po, bad@ss baka kasi po iniwan nyong mag isa sa America kaya nagkaganyan po!" hindi naman maganda sa isang magulang ang pagsabihan ang anak ng ganoon, masyadong masakit iyon para sa isang anak.
"Actually 20 na sya" halos lumuwa ang mata ko sa narinig. 20 na ito at aalagaan ko? Parang sinasabi narin nyang magpapaalipin na ako sa kanya.
"Nako po, wag po kayong magpatawa!" pilit akong humalakhak.
"Hindi kami nagbibiro" natigilan ako sa narinig, hindi sila nagbibiro. Seryoso na ang mga mukha nila at halos manigas na ako sa kinauupuan ko.
"Ahm..ano po kasi.." nauutal kong utas, natanong ko bigla sa sarili kaya ko ba? ang alagaan ang taong mas matanda na saakin ng dalawang taon? Masyadong kakaiba naman ata nito.
"Please pumayag ka na, wala kami palaging mag asawa para tignan sya! This is a punishment for being an @sshole" malutong nitong utas, halos di ko malunok ang mga laway sa bibig ko.
"Wala naman pong problema saakin iyon..." naisip ko na kailangan ko ang trabahong ito at malaki din ang pasweldo, bonus nalang ata nila ito saaking trabaho. "ang aking iniisip po ay baka manakit sya saakin o kaya'y palayasin ako ni ma'am" dugtong ko na ikinagulat ng dalawang matanda sa aking harapan, siguro naman ay babae ang ipapabantay saakin. Mahirap na kong lalaki, tatangihan ko talaga.
"Hindi ko iyan masisigurado, pero pagsasabihan namin Claring. Pangako namin iyan saiyo, ang 10 thousand na sweldo mo per month ay hindi mababawasan pagnagkamali ka, basta ay pumayag ka lang...dadagdagan din namin para makatulong narin kami" bigla akong natigilan, handa silang dagdagan? Masyadong malaki ang 10K sa isang buwan pero mas makakatulong ako kong papayag ako sa kanila. Malaking tulong sa pag aaral ng mga kapatid ko.