C L A I R E
Halos mapunit ko ang nabasang papel saaking mga palad, hindi ko mawari sa aking isipan na ganito ang mangyayari. Binigyan ako ng pagkakataong basahin ang kontrata pero binaliwala ko. Hindi ko pinagtuunan ng aking pansin ang nakapaloob doon, hindi naman sila nagkulang sa pagpapaulit na pagbasa nito saakin. Kaya saakin dapat ang lahat ng sisi. Napatalon nalang akong muli ng may nagwawala.
Hindi ko alam na lalaki pala ang pagsisilbihan ko, hindi ko alam na lalaki pala na sa pagkakaakala kong babae, iniwan ako sa lalaking amo. Hindi ko mawari ngayon ang dapat kong gawin.
"WHERE'S DINNER?" narinig kong bulyaw ng kasama ko.
Agad naman akong tumayo at tinago na ang papel saaking bulsa, pinagtupi ko ito. Tumakbo ako sa kusina at nakita ko syang padabog kong buksan ang mga kawaling pinaggamitan ko kanina. Halos masira nya ang mga kagamitan dito sa kusina, hinahanap nya kung saan ang pagkain.
Nang may nakitang kawali at lalagyan ng ulam ay lalo itong namula, na halos gusto ng pumatay. Napaatras ako sa nakita, nakakatakot ito hindi ko kakayanin ang kanyang pinapakita saakin.
"HAVE YOU EVER READ THE CONTRACT YOU HAVE SIGNED YOU BITCH? I DONT EAT FOOD LIKE THIS!" singhal nito saakin ng makitang pinakbet ang aking niluto at sinamahan ko pa ng ginisang gulay.
"Pa...sensya na po, sir" nanginginig kong sabi sa kanya, habang.
"Fvck! This is unbelievable" ako'y nainis sa ginawa nya, itapon nya sa lababo ang mga niluto ko.
Ang grasya, nawala. Ako'y naluluha dahil kung sana nandirito ang mga kapatid ko ay aking ibibigay ito sa kanila. Paborito nila ang Pinakbet tapos mag sasalo-salo kami. Tinignan ako sya ng masama dahil sa ginawa nya, hindi man lang sya naawa sa pagkain. Biyaya ito galing sa Panginoon, ang sama nya ayaw ko sa kanya, ang sama ng ugali nya. Walang respeto ang taong ito, pwes ako ang magtuturo sa kanya ng mga katagang iyon.
"ALAM MO BA NA IYON AY GRASYA GALING SA MAYKAPAL?" aking sigaw.
Tinignan nya ako ng masama, nakikipaglaban ang aking mga titig sa kanya. Mas nakakatakot ito, mas nararamdaman ko ang galit nito. Ano ba itong aking ginagawa? Ako na ang talo dahil sa siya ang amo ko, ako'y nagt'trabaho sa kanya. Ako'y pumirma sa kasulatan na hindi nag iisip, kaya ngayon ay dapat panindigan ko ito.
Siya ay humahakbang palapit, nangatog ako sa aking kinatatayuan iyong epekto niya saakin ay hindi ko maipaliwanag.
"God?" utas nito.
Lumakas ang pintig ng aking puso sa kanyang sinabi, ano naman ang meron sa Panginoon?
"Ah...Oo si Lord" kinakabahan kong sagot.
Humahakbang ito saakin habang ako ay paatras. Dahan-dahan pero puno ng kaba at takot. Papalapit na ito saakin at naicorner ako. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ng aking nararamdaman. Parang sasabog ito, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Nilapit niya ang mukha saakin, na aking ikinagulat. Napapikit na lamang ako sa tensyon na aking nararamdaman. Para akong hinahabol ng kung ano at pagnahabol ako ay paparusahan ako ng masama. Kinilabutan ako ng tumama ang hininga nya sa gilid ng aking mukha at sinabing.
"I have nothing to do with your God, I dont care about your God" matigas nitong sabi.
Napamulat ako sa pagkakapikit. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi, hindi ako makapaniwala sa kanyang mungkahi. Possible bang may taong ayaw sa Panginoon, possible bang may magkamuhi sa kanya?
"Pero...." hindi ko na matapos ang sinasabi dahil tumalikod na ito ay padabog na umalis ng bahay.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi makapaniwala sa narinig at sa mga nangyayari saakin. Agad kong nilinis ang kalat, ang pagkaing nasayang napapaiyak nalang ako. Dahil ang bawat butil ang bawat ani nito ay pinaghirapan di ko alam na ganito pala dito sa kanila pag hindi nagustuhan ay itatapon nalang basta basta. Ang sama nya, porket mayaman, porket ako ay isang alipin lamang.