Unang Bahagi- Ang babala

5.8K 210 21
                                    

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

UNANG BAHAGI

Ang babala 

"BILISAN NIYO ang kilos!" Malakas na sigaw ng lalaking namamahala sa mga tauhang naghahakot ng mga panambak. Nakahanay ang mga kalalakihan at nag-aabutan ng mga sakong lupa at mga bato ang laman.

Sa ilalim naman ng punong bayabas... 'di kalayuan sa mga ito ay matamang nakamasid ang foreman nila. Katabi nito at kausap ang ginang na nakabili sa walong daan metro kwadradong loteng pagtatayuan ng bagong bahay.

"Kung bakit naman kasi ayaw pumayag ng mga tagaritong maipasok ang dump truck. Hindi naman masisira ang kalsada kung dadaanan ng truck. Masyado lang silang OA kung makapag-raect. Kung ano-ano ang idinadahilan. Kesyo masasagi ang mga tindahan sa kalye, maraming mga batang naglalaro ang puwedeng madisgrasya etsetera, etsetera. Kungbakit naman kasi sa gilid ng daan nakalagay ang mga paninda nila? At ang mga bata... hindi naman buong araw dadaan ang truck. Sila nga itong istorbo sa daan. Pati mga sasakyan nila, nakaparada lang sa gilid. Paano kung magkasunog dito? Tupok na ang lahat ng bahay e, hindi pa nasasabuyan ng tubig dahil hindi makakapasok agad ang mga truck ng bumbero. Dapat ang mga 'yan ang pinagbabawalan ng Kapitan dito. Sila ang sagabal sa kalsadang maluwag sana kung wala sila. Basta personal na interes talaga, maraming nagiging satsatan. Ayaw maperwisyo ang mga perwisyo! Mas mapapadali ang trabaho kung dito lang sa malapit maibababa ang panambak at hindi ganyang isinasako pa at binubuhat patungo rito. Sayang ang mga araw na lilipas at ang ibabayad sa mga naghahakot!" Reklamo ng ginang habang pinanonood ang mga manggagawang abala sa kani-kanilang gawain.

Nakalarawan sa maganda nitong mukha ang nararamdamang inis at pagkainip. Mamula-mula ang makinis na balat ng babae. Nangingislap ang mga alahas na suot sa tama ng liwanag mula sa papatirik na sikat ng araw. Maganda ang  tindig nitong nagpapahiwatig ng otoridad at maalwang pamumuhay. 

"Isipin mo na lang na ang pagbibigay na ginagawa mo ngayon ay paraan ng pakikisama sa mga magiging kapitbahay ninyo. Ang mga ekstrang laborer, mason, karpintero, kantero at ang mga naghahakot na 'yan ang magiging kapitbahay mo rito. Ayaw mo ba niyan, may kakilala ka na agad? Isa pa, napakamura ng pagkakabili mo sa loteng ito. Tumagal man ng isang buwan ang paghahakot ng panambak ay nakatipid ka pa rin, kaya relax lang. Pagkatapos niyan ay tuloy-tuloy na ang trabaho. Pagdating ng asawa mong seaman ay magpapa-blessing na lang kayo, at dito na magse-celebrate ng pasko at bagong taon," kalmadong tugon ng foreman. Nangingiti itong nagpaalam sa amo at saka nilapitan ang mga tauhan.

Napabuntong-hininga naman ang ginang habang sinusundan ng tingin ang namamahala sa ipinagagawang bahay.

"Kunsabagay... tama siya. Napakamura nga ng pagkakabili ko sa loteng ito. Mainit nga lang kapag ganitong patanghali dahil napalilibutan ng bukid, at medyo malayo sa mga kapitbahay pero... puwede na rin. Tahimik at sariwa ang hangin sa bahaging ito. Palalagyan ko na lang ng barbed wire ang mataas na bakod para safe kami ng mga bata sa loob. Kapag hindi ako kinapos, kakausapin ko naman ang may-ari ng mga bukid dito para ipagbili na sa akin. Magandang investment ang lupa. Taon-taon ay tumataas ang presyo. Sooner or later... made-develop ang lugar na 'to. Lupang tagalog 'to at kumpleto ang mga dokumento, may titulo na. Mainam na ito kaysa kumuha ng hulugan sa mga substandard subdivision na napakamahal ng lote per square meter. Magpapatayo  ako ng mga kuwartong paupahan kapag nabili ko ang bukid dito. Tagos sa simbahan at palengke ang lugar na ito kaya kapag nagawan ng kalsada ay tiyak na tataas ang market value. Twelve studio type lang muna. Two thousand five hundred times twelve, aba... malaki-laki na iyon after a couple of years. Puwede nang makapagpatayo uli ng additional rooms. I'm sure, mas darami ang resident sa baranggay na 'to," aniya habang pinapahid ang pawis sa leeg gamit ang bulaklaking panyo.

PASKO ng LAGIM #1- NANA LUCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon