CHAPTER ONE

61 3 0
                                    

Sally's POV

Matagal na akong nakatira sa bahay ng tita ko i mean hindi ko talaga siya kaano ano kasi pinakiusapan lang ako ng magulang ko kasi daw wala silang pampaaral sakin nagmagandang loob naman si,tita at inalagaan niya ako simula nung bata palang ako.Nangako naman sila na pagmay pera na kukunin nalang nila ako,pero hanggang ngayon wala parin sila.

Eto naman si titatitahan,pinapahirapan ako kasi wala naman daw naitutulong mga magulang ko.it means plastic lang siya..naalala ko pa nun nung nangako siya kela mama na magiging malusog daw ako.

Kaya eto d malusog kahit mataba,pano minsan  tira tira lang yung binibigay sakin,ako yung maglilinis ng bahay para yun na yung bayad ko sa pagpapalaki at pag aaral niya sakin.Kahit ganun,kahit masungit siya at ang mga anak niya lang ang binibigyan ng masasarap na pagkain ay nagpapasalamat naman ako sa kanya.Yun lang ang nasa isip ko,ang pagpasalamatan siya.

Kahit ganito ang pamumuhay ko,kahit pinapahirapan nila ako.

Hoy lily!Itigil mo na ang pagkain mo dyan at pumasok ka na!Ay hinde..linisin mo muna yung kwarto ng anak ko pupunta ang mga kaklase niya dito.Ayokong mapahiya!!Sigaw niya sakin habang nanonood ng tv..hay burara naman kasi si Rowena ang anak ni tita Esmie,kambal ang anak niya at yun si Rowena at Rosalinda.Magkasing age lang kami pero hindi pantay ang pagtingin nila sakin,anong magagawa ko?Hayaan ko nalang ilusot sa kabilang tainga ang naririnig kong paninira nila.

Hay.Ganun ang buhay.Magtiyaga magtiyaga magtiyaga upang gumanda ang buhay.(pakanta)

Inuubos ko muna ang kinakain ko tsaka umakyat sabi naman ni tita na parating na daw sila kaya bilisan ko daw at wag akong magpakita dahil nakakahiya,nalungkot ako sa sinabi niya pero totoo naman nakakahiya ako.

Habang naglilinis ako sa kwarto ni Rowena sa second floor narinig ko na may ingay sa baba kaya naisip kong nanduon na nga sila kaya nagmadali ko natapos nako at balak kong bumaba ng patago kaso nga lang merong padyak ng paa papunta sa kwarto kaya nagtago ako sa kabinet na may butas butas.

Biglang bumukas ang pinto kaya nagtakip ako ng bibig.

Ilang minuto silang nagkekwentuhan at ako nangangalay na dahil medyo maliit lang toh,lalagyanan pa naman toh ng mga dress niya.

Muntikan na akong mapaubo kasi may ubo't sipon ako,Hindi ko narin namamalayan ang oras kaya nagaalala na ako.First day of school pa naman kaya hindi ako pwedeng malate.

Hindi ko na napigilan kaya umubo ako.Sumilip ako sa may butas at nakita kong may hinahanap sila..siguro narinig nila ang pag ubo ko.

Nagulat nalang ako nang biglang binuksan ang kabinet na pinagtataguan ng kaibigan ni rowena.

Nakita nila ako.

Yung iba nagulat,yung iba din nagtatawanan ...si rowena,halatang galit na galit siya.

Her Sweet RevengeWhere stories live. Discover now