Hi guys sorry kung late, ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko, saka galing akong school, Ito na po ang Special Chapter 5! Maraming salamat po!!! Happy 1 year and 1 month sa You're A Devil!! Salamat sa mga tumangkilik at patuloy na tumatangkilik para po sa inyo ang Special Chapter na ito muli MARAMING MARAMING SALAMAT!
Third Person's POV
(Timeline - After the Wedding)
Lumapit sa bintana si Shella at tinanaw ang mga bituin isang araw at dalawang gabi na ang lumipas ng sila ay ikasal
"What are you thinking right now baby?" Lumapit si Damon sa kanya at niyakap siya patalikod habang sabay silang nakatitig sa kaulapan
"Ang saya ko Damon, hindi ko alam, ngayon lang ako naging ganito kasaya"
"Oh baby me too, masaya ako, sobrang saya, napakasaya ko." Sumiksik si Damon sa leeg niya kaya nakaramdam siya ng kiliti hinawakan ni Shella ang kamay ng asawa at hinarap ito
Naaninag niya ang mga kislap sa mata ng Damon niya, hinding hindi siya nagsisisi na pinakasalan niya ito
Kanyang hinawakan ang pisngi nito at naaninag agad ni Shella ang unti unting pamumula nun, sa isip isip ni Damon ay "Hinding hindi pa rin talaga magbabago ang epekto niya sakin, ikasal man kami, magkaanak at magkaapo, hanggang sa huli naming hininga, at hanggang sa susunod pa naming buhay"
"Nagblublush nanaman ang Damon ko" parang musika ang pagsagot na pagtawa ni Damon kaya namula si Shella
"Come baby, let's play" lumabas ang malaking ngise mula kay Damon kaya agad na pinalo ni Shella ang kanyang asawa
"Anong play pinagsasabi mo diyan! matanda na tayo para maglaro"
Muling lumawak ang ngise ni Damon at bumulong sa kanyang tenga na naghatid ng kiliti sa kanyang buong sistema
"No baby, ang lalaruin natin ay hindi pang bata, dahil sa larong ito..." Lumayo ng kaunti si Damon kay Shella kaya maaninag sa mukha nito ang pagtataka
"Ano?!" Lalapit sana muli si Shella ngunit itinaas ni Damon ang hintuturo niya at idinikit sa labi ni Shella
"Shhh" Kinagat nito ang labi at pabulong na sinabing "Sasabihin ko ang gagawin nating laro, but first stay where you are" Naglakad si Damon at dahan dahang naglakad papalapit sa kanilang kama at umupo ito ng nakaharap sa asawa at saka kumindat
"Sa larong ito, mapapatunayan ko sayong hinding hindi ito pwedeng laruin ng bata" Ngumise ito at kinagat ang labi
"Dahil sa larong ito..." Hinubad ni Damon ang kanyang pang itaas kaya agad na tinakpan ni Shella ang kanyang mata
"Gagawa tayo ng bat---"
Agad na pinigil ni Shella ang sasabihin ng asawa at sumisik pa ito sa bintana upang makalayo sa manyak niyang asawa
"HEP HEP LOKO KA!!! Alam kong kasal na tayo pero utang na loob hindi pa ako handa!!!"
Agad na isinuot ni Damon ang kanyang pang itaas at maaaninag sa mukha nito ang pamumula
Hanggang sa hindi na nito napigilan malakas itong humalakhak habang ang kanyang asawa ay napanganga
"So nagbibiro lang siya?! hayop talagang Damon to!!!" sa isip isip ni Shella
Nahalata na ni Damon ang sama ng tingin ng asawa niya sa kanya kaya tumigil siya sa pagtawa at napalunok
"Hehe baby, im just kidding you know, I know that you are not yet ready on this kind of stuffs and i respect that. Im just joking please don't take it too seriously, i mean you can, you know its fine with me if you are seduced by what i just did, because that is amazing and i love that, but i respect you and i will wait when your ready-- sabihin mo lang, i mean, pwede mo nga akong kalabitin lang habang natutulog tayo, o kaya anytime, anywhere ready ak--"
"ANONG SABI MO?!" Namutla si Damon at halos pautal utal itong nagtanong sa asawa
"S-Sa l-labas ba ako matutulog ngayon?" Ngumiwi ito kaya napangise si Shella
"Oh my god Damon nahulaan mo?" Nakayukong tumango si Damon at may pasinghot singhot pa na akala mo'y naiiyak
"Kung yan ang gusto mo-- huhu" Napairap si Shella at ng akma ng bubuksan ang pinto ni Damon ng lumingon itong muli sa kanya
"Sure kana talaga baby?" Agad na nakakuha si Shella ng unan at binato sa asawa
"Labas!!!" Agad na sumimangot si Damon
"Bahala ka ikaw rin, di bale you can call me sa baba baby kung gusto mo--"
Babatuhin na dapat muli ni Shella ng unan ang asawa ng nagmadali na itong lumabas
Alam kasi ni Damon na hindi na magandang galitin ng husto ang asawa dahil hinding hindi niya kakayanin pang mawala ito sa kanya.
SORRY KUNG HINDI PO SPG HINDI KO KERI YUN GUYS SENSYA NA DI KO KERI MAGSULAT NG MGA GANON AT SORRY KUNG MAY WRONG GRAMMAR AT SPELLING-- so ayun na guys, hahahaha salamat po sa pagbasa sana ay nagustuhan niyo, Salamat!!! ❤️😘
BINABASA MO ANG
You're A Devil
Любовные романыI will do eveything to make her Mine. When I said Everything, I mean it. A story about Love, Possession and Obssession ~~ (Completed: May 21, 2015) P L A G I A R I S M Is a Crime © RedJacket ALL RIGHTS RESERVED (Filipino Fictional Story) IM NOT A P...
