Chapter 1

79 1 0
                                    

DREAM CATCHER- INTRO

NARRATION

"Merry christmas!"

"Merry Christmas din! Thankyou!"

"Woah.. Ang ganda naman neto! Ano toh?" Tanong ni Scarlet Ada Jocson sa kaibigan habang hawak ang kwintas na iniregalo sa kanya

"Dream catcher! Di mo alam yun? Ayy. Katampo ka ah!" Sagot naman ni Genevic Pearl Gomez, ang kanyang bestfriend

"Hehe.. Hindi eh? Ano ba yun?"

"Hay nako! Ganto kasi yan. Pag sinuot mo toh tapos natulog ka, puro positive dreams ang mapapaginipan mo. Pag negative, huhulihin niyang dream catcher yun at mabubura iyon kapag tumapat na sa sinag ng araw.

"Ang galing naman. Pero, naniniwala ka sa ganun?"

"Malamang! Kaya nga iyan yung niregalo ko sayo eh! Hmppp."

Sinuot na ni Scarlet ang kwintas at siya ay manghang mangha dito lalo na nang bigla itong kumsilap

"Oo nga pala, best! Ingatan mo yan ah? Kasi pag hindi, kabaliktaran ang mangyayari. BTW, Thank you nga pala sa bracelet. Ang ganda! " wika ni Genevic pero hindi na ito narinig ni Scarlet dahil sa pagkamangha niya sa kwintas.

✡❆◜◝◟◞ᎠᏒᎬᎪᎷ ᏟᎪᎢᏟᎻᎬᎡ◜◝◟◞❆✡

CHAPTER 1 -

SCARLET'S P.O.V

naglalakad ako ngayon sa isang paraiso. Napakaganda ng paligid. May mga ibong kumakanta, malinis na tubig ng bukal, mga berdeng damo, at sariwang hangin.

Umupo ako sa tabi ng bukal at uminom ng tubig. Hmm..

May mga paru-parong nagsisi-ikutan sa akin, tila ba gustong makipagkaro

Tumayo na ako at umikot ikot habang sumasayaw

Ninanamnam ko ang paligid, parang ayoko nang umalis dito

Sa pagaakala kong magisa lang ako dito, hindi pala.

Mayroong isang prinsepe ang lumapit sa akin at inabot ang palad sa akin

"May I take this dance, miss?" Sa tanong niya ay nagtaka ako, wala naman ako sa prom, hindi ba? Pero inabot ko parin ang palad niya at nagsimula na kaming sumayaw nang sumayaw

"Hoy Scarlet! Bumangon ka na! Aba! Maglinis ka na doon! Porket wala kang pasok ngayon sa trabaho mo! Nakuuu!" Sigaw ni Aling-- este, Madam! Victoria, ang Step Mother ko

Ay punyemas! Epal na toh! Makautos toh ah! Ano ako alila niya? Tss. Laki ng bunganga. Ganda ganda na ng panaginip ko eh!

BTW, welcome to reality =_=

Yung step-mother kong yun? tss. Ginagawa niya naman akong Cinderella, Feel na feel ang pagiging step-mother. Buti nalang at wala siyang anak. ~,~

Sabi ko nga sa kanya dati eh,

"I-push mo yan!"

Tsk.

Yung totoong mother ko?.. Matagal na siyang wala sa mundo.. Noong 6years old pa lang ako.. Pero tandang tanda ko pa yung mukha niya

Yung dakilang step-mother ko naman, kaya niya pinakasalan si Dad ay dahil lang sa pera. Oo, pera. Nasa ibang bansa si dad habang siya naman, gastador! Hmmp! Ang laking gold digger!

Hindi naman alam ni dad ang trato sakin nung dakilang step-mother dahil wala akong number niya at wala siyang Fb kasi nga puro trabaho yun. Pag tumatawag siya kay dakilang step-mom tapos kinausap niya ako gamit yung phone ni dakilang step-mom, akala mo may lazer na yung mata niya makatitig.

Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon