Chapter 3

40 1 0
                                    

SCARLET'S P.O.V

"nandito ka.." Nakangiting sabi ko sa prinsipe

"Lagi akong nandito, hinihintay ang pagdating mo.." Nakakaakit na sabi nito sakin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa loob ng isang palasyo at inilibot ako doon

"Dito ako nakatira, at simula ngayon, dito ka narin titira. Sigurado ako." sabi niya sakin habang may nakakalokong ngiti sa labi niyang mapupula. hindi ko alam kikligin ba ako o kikilabutan ako. Naging nakakatakot kasi yung tono ng pananalita niya na parang may masamang balak..

Pero hayaan na, panaginip lang naman toh eh..

Habang iniikot niya ako sa loob ng palasyo, mayroon siyang binuksang kwarto at pumasok kami sa loob.

"Wow.."

Napakaganda ng kwarto. Para akong nasa ulap.

Lumapit ako sa isang malaking upuan na parang upuan ng reyna at umupo doon. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid.

May mga paro-parong umiikot sa akin, tapos yung pintura ng ceiling ay parag totong ulap. Yung pintura naman ng pader ay parang totoong garden. Hindi mo aakalaing kwarto toh kung wala lang talagang furnitures.

Parang ayoko na tuloy magising.. :)

Lumapit ang prinsipe sa akin at nilapit ang mukha niya sa akin habang nakangisi.

hinawakan niya yung pisngi ko at inilaput yung mukha niya sakin.

eto na ba iyon..?

"Hanggang sa muli, binibini!" Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako nang tumawa siya ng napakalakas na parang demonyo.

..A-anong ibig sabihin?

Bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko pati narin ang mga pader ng palasyo. Napunta ako sa isang lugar na.. Wala kang makikitang kahit ano, puti lang talaga. Walang gamit. Walang pader. Walang mga halaman. Walang mga tubig, walang ulap, walang langit na makikita. Puti lang talaga..

para siyang lugar na kahit saan ka pumunta ay.. wala. walang hangganan ang lalakarin..

Anong nangyayari?

Bangungot ba toh?

GENEVIC'S P.O.V

"Scarlet! Huy! Scarlet! Gumising ka!" Kanina pa namin tintapik at sinsigawan si scarlet para lang magising siya. Buhat siya ngayon ni Nikolai pagkatapos niyang himatayin kanina.

Buti nalang at hindi ako natamaan kanina sa binato niyang vase pero nadaplisan si nikolai sa braso niya.

"Scarlet!" Niyuyugyug ko na siya at kulang nalang sampalin ka na siya nang sobrang lakas eh! Pati si Nikolai tarantang taranta narin.

Ano bang nangyayari? Binabangungot ata siya..

Bigla nalng siyang biglang nanginig na hindi ko maintindihan.. Bigla siyang sumigaw pero nakapikit parin siya.

Kaya lang may napansin ako..

"Y-yung kwintas.."

"Anong kwintas?!"

"Yung kwintas! Sandali!" Sabi ko kay nikolai tapos kinalkal ko yung mga gamit ni Scarlet. Nagkagulo na yung kwarto niya sa pagkalkal ko pero hindi ko parin talaga mahanap kahit ilang minuto na ako naghahanap

Lumabas muna ako baka nasa kusina lang nila yun..

Pero habang naglalakad ako, may naapakan ako.

Pagtingin ko, isang bead na kulay orange.

Hindi pwede toh.. Hindi pwedeng masira yung kwintas.

Sigirado kasi akong, parte to nung kwintas na binigay ko sakanya..

Hindi pwede toh.. Hindi talaga..

Kasalanan ko na ibinigay ko sa kanya iyon!

At sigurado akong si Victoria ang sumira nito!

nasaan ka victoria?!

Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon