SCARLET'S P.O.V
Ang lamig.. bakit ang lakas ng hangin?
"tulong! tulong! kung may makakarinig man sakin please tulungan niyo kong umalis dito!"
kahit ilang beses pa akon sumigaw.. wala talaga. patuloy parin ako sa paglalakad kahit alam kong wala akong mapupuntahan.
nananaginip parin ba ako? kung oo, sana magising na ako. para sakin, isa itong bangungot.
huh? yumuko ako para pulutin yung naapakan ko.
isang kulay orange na bead. parang eto yung.. nasa kwintas ko?
hindi kaya..
"anak.."
..ma?
"anak ko.."
"mama? nandito ka ba? please magpakita ka!"
"nandito ako, anak"
pagtingin ko sa likod ko, nakita ko ang taong gustong gusto kong makasama ulit. ang nanay ko..
"mama!" tumakbo ako papalapit sa kanya para yakapin siya. pero anong nangyari..?
bakit.. tumagos lang ako sa kanya?
"kahit gusto din kitang yakapin,.. hindi pwede. kailangan mong gumising agad bago dumaan ang sampung araw. hindi ka pa pwedeng sumama sa akin. marami ka pang gagawin sa mundo."
kahit miss na miss ko ba siya at gusto kong sumama sa kanya.. pano yung mga iiwan ko?
"ma.. paano?"
ngumiti muna ng mapait sakin si mama tsaka sinabi kung ano ang dapat kong gawin.
GENEVIC'S P.O.V
*the number you dial is not in service. please try again later*
"aish! san ka ba nagtatago victoria?!"
tinignan ko si Niko na nagkakalkal ng gamit para kung sakali mang may makita pa siyang parte ng dream catcher.
"may nakita ka na?"
"wala pa.."
SCARLET'S P.O.V
"paalam na muna anak"
"san ka po--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang siyang naglaho.
parang bigla naman akong nahilo at napuwing yung mata ko. pagkadilat ko.. para akong nasa.. ilalim ng dagat?
HUH? naging isa akong sirena..?
BINABASA MO ANG
Dream Catcher
AdventureIn a world full of mystery, will you survive? | FANTASY | ADVENTURE | ROMANCE |