Jeremy
kung sino ba talaga ang marunong mag mahal siya yung iiwan at lolokohin? Bakit pa nila sinabing masarap ang mag mahal kung puro naman problema at sakit sa puso at ulo ang na ibibigay nito?
katangahan ang mag mahal at ang mga babae? PAREPAREHO SILA!
"Babe I love you" sweet na sweet na sabi ko kay Mika.
"okay" matamlay na sagot nya.
Girlfriend ko si Mika first love ko yan matagal ko din lihim na minahal yan kaya nung nag ka lakas ako ng loob diko na pinalagpas
"babe happy aniversary mahal na mahal kita"
sabi ko sabay yakap sa kanya pero pinigilan nya ito.
"Jeremy ano ba? busy ako oh nag te-text ako oo na alam kong mahal mo ko" pag mamataray nya
"sorry na Babe wala ka man lang I love you too? jan?"
di ko alam kung bakit ganito palagi ang eksena sa tuwing mag kasama kami mahal na mahal ko si Mika at gagawin ko ang lahat para lang maging masaya sya.
"Yun lang ba pag sinabi ko yon titigilan mo na ako oh I love you too masaya ka na?"
Sinabi nga nya na mahal nya ako pero hindi ako sigurado hindi ko nararamdaman na mahal nya ako para bang malapit nga kami sa isat isat pero yung utak at puso nya wala malayo.
"sungit!" sabi ko sa kanya sabay ngiti
aniversary namin to pang dalawang taon na namin to bilang mag ka relasyon masaya nung umpisa alam kong mahal nya ako pero nung tumatagal parang nag iba ang lahat.
"Jeremy i hatid mo na ako ayoko na pagod at nahihilo na ako"
paki usap nya nasa isang park kasi kami ngayon katatapos lang namin sumakay sa bangka kaya siguro sya nahilo.
"sige ba babe basta may surprise ako sayo later"
sabi ko habang naka ngiti
"bahala ka sa buhay mo"
inihatid ko na si Mika sa bahay nila at dumeretso naman ako sa bahay ng barkada ko na si francis nandun kasi yung mga kabarkada namin. pag ka dating ko nandun sila sa may sala nag lalaro ng Pokemon.
"hoyy!!para kayong mga bata sa linalaro nyo" sabi ko sabay tawa pero sa totoo lang libangan namin ang pag lalaro ng pokemon.
"oh jeremy! di mo ba talaga alam mag doorbell? at pumapasok ka nalang? mamaya pag kamalan kang mag nanakaw!"
sabi ni Francis sabay batok!
"Aray naman! mga Pre masyado akong gwapo para maging mag nanakaw!" sabi ko sabay bungis ngis
sabay sabay naman akong binatukan ng apat.
"Pre aniversary namin ni Mika ngayon ano ireregalo ko?"
tanong ko sa apat na naka lapat ang mga mata sa screen ng Tv
"wala brad! di ka naman atta mahal nun eh!tsk!tsk!"
sabi ni Julius
"Gago ka Julius! mahal ako nun no sira two year na kami mehehe"
tapos binatukan ko si Julius
"singsing nalang !!!"
sigaw naman ni jerome na di ko napansin na nasa likod ko na pala na kanina ay nag lalaro lang.
"yun! buti pa si Jerome may na tulong kayo talaga basta mahal ako ni Mika! ge bibili lang ako ng singsing!"
dalidali na akong tumayo at nag ready umalis
"pag niloko ka nun saksak mo sa baga nya yung singsing!"
sigaw nung apat sabay tawa ng napakalakas
"mga gago mahal ako nun!"
sabi ko sabay alis na.
gago talaga yung mga kaibigan ko pinag tripan na naman ako pero bat ganito bigla atta akong kinakabahan na hindi naman dapat
ah! basta !
nag madali na akong pumunta sa mall at dumeretso sa bilihan ng mga alahas ubos atta pera ko nito ang mamahal pero okay lang kaya kong isakripisyo lahat para sa mahal ko binili ko yung sing sing na may infinity symbol.
"abba mukhang pang habang buhay na atta yung pag mamahal nyo sa girlfriend syo sir ah!"
sabi nung sales lady
"oo naman mahal na mahal ko yun"
sagot ko sa sales lady na binabalot yung regalo na binili ko
"ingat kayo sir masakit masaktan!"
payo ni ateng sales lady
"ayos lang miss mahal ako nun"
muli nanaman akong kinabahan sa sinabi ng sales lady para bang may magyayari sa araw na to na hindi ko magugustuhan.
Papunta na ako sa bahay nila Mika para yayain sya mag date malapit na ako sa kanila ng makita ko sya sa isang kanto mag isa.
"MIK......"
tatawagin ko sana sya kaso may biglang lalaking lumapit sakanya at yinakap si Mika at bigla nalang kumirot yung dib dib ko para bang may mga karayom na dahan dahang tinutusok ang puso ko bigla nalang may tumulong mainit na tubig na nag mumula sa aking mga mata ang dumampi sa aking pisngi ng makita kong hinalikan ni Mika ang lalaki hindi ko alam ang gagawin ko! kaya pala ako kinakabahan kanina pa.
Ang tanga tanga ko tumakbo ako ng mabilis patungo sa kinalulugaran nila at pinalasap ang pinaka malakas kong suntok sa lalaking nakayakap kay Mika tumumba naman sya ng walang kalaban laban.
"Tangna Mika ano to!? si no yan! bat mo sya hi-hinahalika punyeta Mika ako boyfriend mo!"
pasigaw na tanong ko kay MIKA
"Jeremy! ano ba bat mo ginawa yun!"
sagot ni Mika
"Gago ako Mika Pero di ako tanga!" binigay ko na lahat lahat sayo bat mo nagawa sakin to!? mahal mo ba ako!?"
sumisigaw na ako sa pinaka malakas kong boses para matauhan sya pero di sya sumasagot sa mga tanong ko
"Mamili ka Mika ako o yang lalaking yan! ako na minahal ka pero ginago mo!"
di ko na napigilan ang sarili ko sa pag tanong kung sino saamin dahil auokong marinig ang sagot
"Jeremy ayoko na okay sawang sawa na ako ayoko na sayo hindi kita mahal kahit kaylan hindi kita minahal!"
eto na nga ang kinatatakutan ko ang marinig ang katotohanan na hindi nya ako minahal kahit kaylan galit sobrang galit ang naramdaran ko ang kirot at ang sakit ng nararamdaman ko hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal si Mika pero hindi ko nagawa sa sobrang mahal ko si mika yumuko nalang ako
"Wala kang kuwentang babae hindi ka marunong mag mahal wala kang kuwenta wala kang kuwenta tangna ka!!!!"
ayoko man sanang sabihin ang mga salitang yon pero di ko naiwasan
"kalimutan mong mahal kita"
tumalikod ako at nag lakad paalis bigla nanamang tumulo ang aking mga luha at hindi ko na napigilan