Jerome
Sana kaya kong ibalik ang oras, sana di ko nalang sya minahal sana hindi ko sya nakilala binigay ko ang lahat lahat maraming bagay ang sinakripisyo ko para lang sakanya pero ano to? masyadonko bang minadali ang lahat
Hindi ako laruan May damdamin ako
HINDI AKO LARUAN
"pare kamusta long time no see ah?"
pambungad na bati ni francis nandito kami ngayon sa bahay nila matagal din akong di nakasama sa kanila dahi nag karoon kami ng problema ni Liana yung girlfriend ko hindi ko sya kayang iwan kahit na ilang sunod sunod na malalaking problema ang hinahaharap namin.
"Sorry mga brad as usual nag away nanaman kami ni Liana alam nyo namang di ko yun kayang iwan"
sabi ko habang naka yuko papasok sa bahay nila francis.
"lika na bro!naayos mo naman diba? kalimutan mo muna walang proble-problema pag kasa ma ang barkada!"
buti nalang nanjan ang barkada para dumamay sakin
"Pare gusto kong maayos talaga yung Problema namin so can you help me?"
tanong ko sa barkada na alam ko namang di ako matatanggihan
"tamo tong lokong to ginawa pa tayong event planner! oh ano bang klase date mag pro-propose ka ba? haha"
pang inis naman ni Julius
"Oo!"
nagulat ang lahat sa sinabi ko maski ako masyado lang atta ako nag madali pero ayos na rin yun ayokong mawala pa si Liana sakin
"whooo!!!!teka teka sigurado ka ba jan ha Jerome? baka pinag tritripan mo lang kami"
kasalan na nga ba talaga ang magaganap?
"Oo bro at mag pro-propose ako mamayang gabi kaya bilis mag isip na tayo kung pano?"
yan! kinakabahan na ako ano bayan ang corny ko na
"bumilika na ba ng singsing? huwag yung may infinity symbol lastbtime na bumili ako ng ganun nalaman kong linoloko ako ni Mika"
suhestiyon ni Jeremy na halatang nasasaktan parin
"Sige bro bibili muna ako ng singsing pag balik ko ah yung plano ah!"
dali dali na nga akong umalis at nag punta sa mall
yun nga bumili ako ng singsing sinunod ko naman si Jeremy na walang infinity symbol kaya yung may hugis puso nalang kinuha ko
"salamat po sir sana po maging masaya kayo"
ang bait lang nung sales lady no dumeretso agad ako sa bahay ng kabarkada ko para tanungin kung anong plano nila sa Pagpro-propose ko kay Liana
"So pare pano? anong plano nyo para sa pag propropose ko??"
tanong ko sa kanila
"gago ka talaga Jerome kami pa kami ang pinag proproblema mo kaninong kasal ba to sayo kaya"
sabi frank sabay batok sakin inakbayan ko naman sya sabay sabing
"kaya nga kayo nanjan para tulungan ako what are friends are five? diba?"
sabi ko sabay gulo sa buhok nya
"bahala ka nag set na kami ng reservation sa isang mamahaling hotel kami na bahala sa bayad pasalamat ka mabait kami ikaw na bahala sa diskarte mo!"