Dating tayo

12 0 0
                                    


Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong gulo
Lagi nalang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso

Ilang liham na ang sinulat sayo
Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit,
walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik
ng hindi sa panaginip?
Kailaaan? kailaaaan?
kailaaaan ang dating tayo?

Kung anuman ang totoo
Isip man ay litong lito
Handang handa ako sumalo
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso

Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit,
walang lungkot na sumisilip
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik
ng hindi sa panaginip?
Kailaaan? kailaaaan? kailaaaan? (kailan) kailan
Kailaaan ang dating...

Kailan kaya muling matatamasa?
Ikaw ay makasama't
sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan?
Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala.


Dami kong gustong itanong sa sarili ko, sa puso ko...
nawala ka na minsan sa buhay ko, bakit kailangan magtagpo pa muli mga buhay natin ngayon... ngayon hindi na tayo maaaring maging tulad ng dati.
Hindi ko maintindihan sarili ko bakit kailangan maramdaman ko muli yung akala kong matagal ko ng nakalimutang pagmamahal sa yo. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan malaman ko pa lahat ng nandyan sa puso mo, hindi ko akalain mas mahirap pala malaman ang katotohanan sa nakaraan nating hindi natuldukan.
Gusto ko maging tayo muli, gusto ko maramdaman mo kung paano ako nagsisisi kung bakit hindi ako nagintay sa yo. Gusto ko maipadama sayo na kahit pinaglaruan ko tadhana natin, yung pagmamahal ko sa yo noon, noong una tayong naging tayo, yung mundo ko na inalay sa yo noon, nagising muli at bumalik lahat ng nadarama ko sa yo higit pa noong dating tayo.
Mas mahirap pala malaman ang totoo dahil iba na buhay natin dalawa, may iba kna at hinding hindi na ako pwedeng maging happy ending mo.

Tanging hiling ko lang na sana...
... hindi man ngayon, sa susunod na buhay natin, na sana hanapin mo ako ulit at huwag mo na ako hayaan mawala tulad ng dati. Kasi mag-iintay lang ako sa yo pangako.

Just like a pillWhere stories live. Discover now