"Minsan nasabi sa akin ng pinakamamahal ko na pakinggan ko itong kantang ito dahil sa paborito nya ito. Inaamin kong noon ko lang ito nadinig. Ganun pala yun pakiramdam ng pag nanggaling sa mahal mo yung isang bagay, hindi mo maipaliwanag yung saya mo. Sa bawat linya at tono, tagos sa puso mo at kaluluwa. Hindi man sabihin syo derecho, nauunawaan mo gusto ipahiwatig ng damdamin."
Salamat sa pagmamahal mgdls.
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa
Ika'y apoy, ako ay tubig
Duda ko'y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba
Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika'y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay siya kong una
Madali mo'y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag
At pag tayo'y nag-uusap
Parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong
Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang
YOU ARE READING
Just like a pill
DiversosRemedy, Temporary relief, Superficial cure, Collection of songs my heart loves and soul sings. "Where words fail, music speaks."
