1

182 3 0
                                    

Masungit.

Yan ang adjective na bagay na bagay kay Kevin.

Madalang ngumiti tulad ng kadalangan niyang magsalita, sa bahay man o sa school.

Oo sa bahay. At school.

Totoo talaga na yung ayaw mong makasama, siya pa talaga ang nalalapit sayo, ano.

Si Kevin Reyes ay anak ng mga magulang niya. Oo tama yun. At ang mga magulang naman niya ang pinagsisilbihan ng daddy ko. Ang daddy ko ang 30 years ng butler ng family nila. Mayaman talaga sila. Sobrang sipag nina Mr. and Mrs. Reyes kaya madalas wala sila sa bahay.

Anyway, hindi ako tunay na anak ni daddy, more like inampon niya lang ako. Iniwan daw ako sa doorstep ng bahay ng mga Reyes, kaso dahil wala naman ang mag-asawa, siya na ang kumupkop sa akin.

Hindi naman ako dati nakatira dito, ngayon lang nag-college na ako dahil mas malapit ito sa pinapasukan ko ngayon, kung saan nag-aaral din si Kevin.

Hindi naman kami nagpapansinan niyang si Kevin. At wala ding nakakaalam kahit na sino na sa iisang bahay lang kami nakatira. Bakit? Dahil baka mabalatan ako ng buhay ng mga fans niya. Fans ha, as in. Katakot-takot na bilang ng mga babae at feeling babae ang miyembro ng fan club nitong si Kevin.

Maliban sa gwapo siya at gwapo siya, kahit na first year palang ay nakapasok na siya sa varsity ng Basketball, miyembro na din siya ng Student Council at President's Lister din siya noong first semester.

Siya na siguro ang desirable no. 1 ng mga kababaihan at kabekihan sa school namin. At hindi tulad ng mga barkada niya, hindi siya babaero. Wala nga ata siyang girlfriend eh. Kaya mas lalo na siyang naging desirable, but not to me. Kung marunong lang siguro siyang ngumiti at maging friendly eh, okay pa. Kaso, hindi, so hindi din.

"Daddy, alis na po ako." pag-papaalam ko. Pupunta na akong school.

"Wait, Jessie. Sabay ka na kay Sir Kevin

papuntang school." sabi ni Daddy. Wait, what?

"What? Daddy, hindi pwede yun, baka may makakita samin sa school. Nakakatakot mga fans ni Kevin, baka ano pa isipin ni--"

"Si Sir Kevin mismo ang nagsabi na sumabay ka na sa kanya."

"--la.." Ano daw?! Bumaligtad na ba ang mundo? Anong nangyari? Eh dati nga ayaw pa niyang makita akong malapit sa kanya.

Flashback

"Don't you dare tell anyone that we live-- I mean, you live in my house. Or else.." nakakatakot na banta ni Kevin

"No need to tell me. Wala akong balak." straightforward kong sabi dahil yun naman ang totoo eh.

"Good." then pumasok na siya sa kotse niya at ako naman naglakad palabas ng subdivision nila para sumakay ng jeep papuntang school.

End

Pumunta na ako sa garage at nakita kong nasa loob na si Kevin with earphones in his ears. He removed the other one when he saw me.

"Pasok na. Ayokong ma-late dahil sayo."

malamig niyang sabi. Sumakay na ako kahit labag sa loob ko. Yung tingin niya kasi akala mo papatay ng tao. Bakit kaya patay na patay mga fans niya, eh nakakatakot kaya itsura netong si Kevin. Tss.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan, nakakabingi. Gusto ko sanang itanong bakit niya ako sinabay papuntang school. This is the first time and it is strange. Pero ayoko magtanong, kapag nagsalita kasi ito akala mo may bisita araw-araw.

"Sinabay kita cause my parents said so. Wala lang ako nagawa. I tried to say no, but they won't buy my reason. So don't assume anything." mind-reader ba tong si Kevin?

My Butler's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon