After that class with Prof. Pogi (shocks! Galing niyang magturo!) ay lunch break na at kasabay ko maglunch sina Carla. Ang dami nilang kwento at kilig na kilig kaming lahat habang kumakain, pinagkekwentuhan kasi namin si Prof. Seven, yung poging prof. Actually Severino ang name niya, ang baho daw kaya Seven nalang daw tawag namin sa kanya.
"Have you noticed the guys during our class? Haha. Parang wala silang kagana-ganang mag-aral kanina. Hahaha." sabi ni Belle at natawa naman kaming lahat.
"Ang daya nga eh! Ang dami kaya nating prof na babae. Ang dalang lang may mapadpad na fafable na prof satin eh!" said Kyla.
"Oo nga. Puro babae nga, at puro matanda naman." pabulong kong hirit. Tawanan naman kami. Pabulong kasi baka may makarinig na prof at ibagsak pa ako. Hahaha.
"Anyway, maiba ako ng topic. Pansin ko kanina pa tingin ng tingin sa direction natin ang four kings!" kinikilig na sabi ni Carla
"Baka naman hindi satin. Baka sa likod natin. Haha. Hirap ng maging assuming ngayon, girls." habilin ni Belle.
Ang four kings ay apat. Oo tama naman yun. At sila yung mga babaero sa school, well except kay Kevin. Yup Kabilang si Kevin sa four kings dahil ito ay samahan ng mga gwapo. Puro sila gwapo, at matatalino. Ang sabi sa mga tsismis ay matagal na silang magkakaibigan, nagkahiwalay lang daw nung high school then they reunited ngayong college. Well, okay, sila ang pwede nating i-consider na hearthrobs sa school at lahat ng babae at beki from all the levels ay nahuhumaling sa kanila but, as always, except sa akin.
Sabi ni Jona sa akin dati hanggang ngayon ay abnormal daw ako. Wala kasi akong crush. Nagagwapuhan naman ako sa mga lalaki pero wala akong romantic feelings for anyone of them. Ewan ko ba. Siguro dahil ang focus ng isip ko ay pag-aaral kaya wala akong time sa mga ganyan.
"Shocks! Kinindatan ako ni Erwin!" mahinang sigaw ni Carla. Siya na ang kinikilig.
"Carla, he just winked at you. But from the way you react, daig mo pa ang inaatake sa puso." sabi ni Belle
"I dont get why you fancy those four kings eh alam naman natin na never silang nagseryoso sa mga babae?" tanong ko. Diba? Alam na nga nilang players ang mga yan but they still fancy them. I seriously dont get their logic.
"Kasi malay mo ako pala ang babaeng makapagpapatino sa kanya!" parang nagde-daydream na sagot ni Carla
"Ang gwapo talaga nilang apat. Hayyy. Si Erwin kay Carla, Si Lucky kay Belle, sa akin si Mikko and kay Jess si Kevin! Perfect diba?" sabi ni Kyla with matching pag-up and down ng eyebrows niya.
Ako? With Kevin? No freakin' way!
"Nako, ibigay niyo nalang sa iba. I'm not interested." mariin kong sabi.
"Why? Hindi ka ba naboboringan sa life mo, Jess? Boys are fun to be with, you know. They bring color to our black and white life." said Carla
"Well, I can live a fun life without boys, you know." sabi ko with matching panggagaya kay Carla
"Well, I could make your life a lot more fun." someone said behind my back. Napatingin tuloy ako sa nasa likod ko and to my surprise, it's Lucky of the four kings.
"Hi girls." sabi ni Lucky. Lumapit din si Erwin sa table namin at nag-hi. Ang mga mukha nila Carla at Belle ay mas mapula pa sa kamatis. Never even felt that way. Okay ako na ang clueless sa so-called thing nilang "kilig".
Kumuha ng chairs yung dalawang guy and they sat with us. They started talking with us at si Kyla lang ang nakakapagsalita. Naputol ata ang dila nung dalawa. Ako naman, I'm just not interested.
"What about you, pretty lady?" sabi ni Erwin while looking at me. Huh? Ano ba pinag-uusapan nila? My mind has been floating again.
"I'm asking if you'll join the party with us later?" said Erwin. Party? I'm not fond of parties and I need to study our report pa.