Chapter 1

7 0 0
                                    

"Now, newly-elected student councils, please step right in front of the stage."

Tumayo ang labindalawang mga student councils sa harap ng mga estudyante sa baba. Isa-isang silang pinakilala ng emcee.

"And for Auditor, Miss Trixilyn Granada..."

Humakbang ako ng isang beses paharap. At yumuko sa harap nila.

"Granada? 'Yung Granada na 'yun?"

"Oo, siya nga. Pero bakit Auditor? Akala ko sa Sargeant at Arms siya ilalagay, e."

"Ah, magaling rin kasi siya sa math e. Baka 'yun 'yung reason?"

"Baka ayaw ng council na magiging martial law 'tong school natin? Hahahaha!"

"Baliw, 'yung presidente lang makagawa nun. Hahahahaha!"

Tahimik akong humakbang pabalik sa pwesto ko. Kung nagpaparinig ba sila o sadyang malakas lang talaga 'yung boses nila... either way, wala akong pake. Pwede naman silang magreklamo sa principal kung may problema sila sa'kin.

Wala namang ibang nangyari nun. Nanunumpa lang kami sa tungkulin namin, at bumaba na kami pagkatapos. May mga estudyante na lumapit sa mga ito para mag-congratulate.

Hindi ako sanay sa maraming tao. Aalis na lang ako. Malapit na rin naman mag-ring 'yung first period e.

"Ah, Miss Granada."

Lumingon ako. Ah, 'yung bagong presidente 'yung tumawag. Nakangiti ito habang kumaway sa'kin.

"Kakain kami sa cafeteria sa lunch time. Konting celebration lang sa positions natin. Sama ka?"

Umiling ako.

"Thanks for the offer, pero may review pa ako mamaya."

"Ah, ganun ba? Sige, next time na lang."

Tumango ako bago umalis. Okay na rin 'yun, tutal hindi lang naman 'yung mga alipores niya ang
nakahinga nang maluwag sa pagtanggi ko.

Madali lang sa'kin na alamin kung sincere 'yung tao o hindi. Isang tingin lang sa mukha niya at makikita ko agad 'yung katotohanan sa likod ng mga sinasabi niya. For example, ayaw naman talaga ng presidente na yayain akong kumain kasama nila, pero nag-invite pa rin siya sa'kin. Baka dahil gusto niyang ipakita sa iba na mabait siya, o di kaya napipilitan lang siya dahil sa tradition na pagsabay sa pagkain ng mga student councils sa first day nila. Kaso nga lang, dahil sa abilidad na 'to, loner ako sa school na 'to.

Mabuti na rin 'yung ganito. After all, ayoko nang makihalubilo sa mga tao kahit na kailan.

Nakaramdam ako ng pangingitngit, pero sa isang pikit ng mata, nawala agad ito. Di ko alam kung kailan, pero at least kaya kong kontrolin 'yung madilim na emosyon na 'yun. Mahirap na, baka ano pa magawa ko dito.

Lumiko ako patungo sa inner park. Nasa kabilang dulo kasi 'yung faculty office. Dumaan ako sa may intersection, pero nagpreno ako bigla nang may nahagip 'yung mata ko.

"..."

May ganito ba katamlay na balat sa school namin? Parang patay siyang tingnan habang nakapikit. Pero may kagandahan naman 'yung mukha niya kahit paano.

Meh, lampake. May gagawin pa 'ko.

Lalakad na sana ako palayo nang nag-ring 'yung first period. Lumingon ako dito, pero parang hindi niya narinig 'yung bell. Tsaka ko na-realize na nakatulog ito.

Gigisingin ko pa ba siya? Problema naman niya kung male-late siya sa ginagawa niya, so hindi ko na responsibilidad 'yun, di ba?

"..."

The Wall of a Certain Black BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon