Part 4

9.6K 325 49
                                    

Cassandra's POV

Nagising ako na tila binibiyak ang aking ulo. Ni hindi ko magawang makabangon dahil sa saglit na pagkilos ay umiikot ang paningin ko.

"Ouch!" daing ko ng maramdaman ko iyong pagkirot ng ulo ko.

"Oh, God! Awwww!" I hissed.

Napilitan lang akong tumayo ng maramdaman ko ang tila paghalukay sa aking sikmura. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, dumukwang sa bathroom sink at doon ko inilabas lahat ng kinain ko ng nagdaang gabi. Wala akong paki alam ngayon kung wala akong ni isang saplot sa katawan. Ang mahalaga sa akin ay ang nararamdaman kong matinding sakit ng sikmura at pagkahilo.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng may hang over o ng lasing pero parang ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Sa bathroom sink lang ako kumukuha ng suporta dahil baka kapag bumitiw ako dito ay tumumba nalang ako.

A moment later, I felt a gentle rub on my back then I heard my husband voice. Pinatungan din ako nito ng bathrobe sa balikat ko at hinawakan nito iyong buhok ko para hindi ko masukahan.

"Babe, are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Elvin.

Umiling ako dahil hindi pa rin matigil ang pagsusuka ko. Feeling ko lalabas na iyong lahat ng intestine ko sa katawan dahil wala na akong maisuka. Pati iyong atay at balunbalunan ko.

"I'll bring you to the hospital, Babe." may pag aalala sa boses niya.

Hindi ako Kumibo. Nagmumog at naghilamos ako ng makayari ako sa pagsusuka. Inabutan naman ako agad nito ng isang face towel at inakay paupo sa kama.

"I-I'm okay now, Babe. Don't worry, I-I'm fine." sabi ko pero may pumitik na naman sa sentido ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Elvin.

"No! You are not okay." matigas na sabi nito.

Nakita ko na may pinindot ito sa ilalim ng bedside table namin at pag katapos ay binihisan niya ako. Marami pang sinasabi ang asawa ko pero hindi ko na maintindihan. Nanlalabo na iyong paningin ko. Parang wala na nga akong pakiramdam.

"Casey, Babe? Cassandra! Cassandra!"

That is the only thing I heard and everything went blank.
_____________

Emperor's POV

Nagising ako ng makapa ko na wala si Cassandra sa tabi ko. Taranta akong tumayo at nagsuot lang ng boxer at pajama. Natagpuan ko ito sa bathroom at Nagsusuka. Hinablot ko lang ang bathrobe nito at ipinatong ko sa balikat nito. I gently rub her back. Hinawakan ko rin ang buhok niya.

"Babe, are you okay?" nag aalalang tanong ko sa asawa ko. Umiling ito at patuloy sa pagsusuka. "I'll bring you to the hospital, Babe."

Hindi ito Kumibo. Nagmumog at naghilamos lang siya ng makatapos sa pagsusuka. Inabutan ko agad ito ng isang face towel at inakay paupo sa kama.

"I-I'm okay now, Babe. Don't worry, I-I'm fine." sabi nito. Pero naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"No! You are not okay." I hissed.

Pinindot ko muna ang emergency button na nakalagay sa ilalim ng bedside table namin na nakakunekta sa kwarto ng mga bodyguards ko.

Pagkatapos ay Agad kong hinagilap ang mga damit nito na nagkalat sa sahig at agad ko itong dinamitan. Parang manika na desusi lang itong sumusunod sa utos ko.

"Babe, Look at me." masuyong utos ko dito.

I gentle touch her cheeks. My wife looked so pale. Maputlang maputla ito.

The Emperor's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon