Mga Patakaran

185 8 0
                                    

1: Bagong gawa. Di pwede ang luma. Dapat ang 'one shot' ay ginawa sa time span ng pagbibigay ng kategorya. Bakit? Para masanay kayo sa mabilis na pag-iisip ng konsepto.

2. Gagawa ang mga kalahok ng 'new story' at papangalanang "TNB Writng Contest". Ang mga laman nito ay ang mga entries para sa contest. Idedicate ang 'one shot' na ginawa sa official account na ito (StellarPanic) at lagyan ng 'initials' na "TNB WC" ang titulo ng isusumiteng istorya. Kailangang i-follow ang account na ito para mai-track namin ang mga kalahok. Maaari ring i-unfollow ang account na ito kapag sumuko na (sana naman hindi) o kapag natapos na ang patimpalak.

3. Akma dapat sa kategoryang ibinigay ang isusumiteng gawa. Tatanggapin ang isinumite ngunit madi-disqualify ang gawa kahit gaano man ito kaganda kung mali ang genre nito.

4. Walang limitasyon sa isusumiteng mga 'one shots'. Bakit? Dahil gusto naming magsulat lang kayo ng magsulat as long as inspired kayo. We appreciate your imagination and acknowledge you for having vast ideas.

5.1. Walang limitasyon sa isusumiteng mga gawa ngunit may max. no. of words ang ipapass na short story. Hanggang 5000 words lang po. Walang minimum dahil naniniwala kami na ang kagandahan ng storya ay di nababase kung gaano kahaba, kalalim ang mga ginamit na salita, kaikli ito. Bakit may maximum no. of words kung ganun? Dahil po mahirap magbasa ng marami. Salamat sa pang-unawa.

5.2. [Edited] Wala dapat emoticons sa istorya. Sanayin natin ang pormal na pagsusulat. Pakiayos po ng spacing at ang tamang pagkakacapitalize, indent, at tamang paggamit ng mga punctuations.

6. Orihinal na gawa ang dapat na isusumite. Bawal ang 'collaboration' sa 'one-shots' ngunit maaari iyon sa susunod na patimpalak 'pag-gawa ng short story' (Susunod na patimpalak).

7. Walang ma-eeliminate so kung hindi nagawa ang isang challenge sa isang week, okay lang na sumali sa susunod.

8. Wag sanang maiisulto sa opinion ng judges o ibang tao. Ang pagbibigay ng opinion ukol sa inyong sulatin ay isang objective ng patimpalak na ito.

Criterias:

Uniqueness - 10%

Catchy Title - 5%

Effects/Imprint sa mambabasa - 30%

Grammar/Spelling - 15%

Imagery - 20%

Audience impact - 5%

Character's justification/ trait independence - 25%

*Sunday-Friday paggawa at pagpasa ng one-shot. Saturday ang araw ng pagbabasa ng mga judges. Sunday ang araw ng pagbibigay ng critique at marka at pag-anunsyo ng mga nanalo pati na rin ang susunod na gawain.

Tinta Ng Bolpen Kapag Naubusan Ng Boypren Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon