Chapter 1

503 14 0
                                    

Minah's POV

"WAAAHH!! MALAPIT NAKO MALATE!!" sigaw ko matapos kong tignan kung anong oras na.

Kaya naman dali-dali akong umalis sa kama at dumeretso sa banyo para maligo.

Aiisshh!! Buhay nga naman ohh! Nakakaloka! >.<

Okay! Habang naliligo ako dito, magpapakilala muna ako sa inyo!

Annyeong! Ako nga pala si Minah Fei Sanchez. 19 years old at mag-aaral na ako sa Bloody High. Weird ng pangalan noh? Pero yaan na natin yun atleast mawawalan na ako ng problema kung paano ko itutuloy pa ang pag-aaral ko. Libre kasi lahat dun. Hindi nga ako makapaniwala nung mabasa ko ung letter na nanggaling sa school na yun.

*Flashback (Yesterday)*

*Tok Tok*

"Andyan na po!" sigaw ko at dumeretso na sa pintuan para silipin kung sino. Malay mo baka magnanakaw pala yun. Mahirap na at baka mawala pa sakin yung natitira kong pera. Wala na nga akong masyadong pera, nanakawin pa. Masaklap yun mga pre.

Okay! Back to story.

Binuksan ko ng konti ang pintuan at sumilip dun.

"Sino po sila?" tanong ko. Para kasi siyang delivery boy.

"Ahmm.. Kayo po ba si Ms. Minah Fei Sanchez?" tanong naman nung parang delivery boy.

"Ako nga po. Bakit po?" tanong ko naman. May dinukot naman siya sa bag na dala niya at nakita ko na parang isang sobre ang kinuha niya doon.

"Para sa inyo po. Paki-sign na lang po dito." sabi niya at binigay ang sobre at parang maliit na notebook. Kahit nagtataka ako ay kinuha ko ang sobre at nag-sign.

"Thank you po." sabi niya.

"Thank you din po kuya." sabi ko at nginitian siya. Sinara ko na ang pintuan at dumeretso sa isang upuan para umupo. Tinignan ko ang sobre at binuksan. Isang papel ang tumambad sakin. Binuklat ko yun at binasa ito.

Ms. Minah Fei Sanchez,

Good Day!

We're offering you a BH scholarship. Just go to Bloody High tommorow morning at 8 am sharp to sign an application. There'll be a map and address of the school provided in the envelope.

Please be guided. :)

Respectly yours,
Bloody High

Tinignan ko naman ang laman ng sobre at tama nga ang nakasulat sa sulat. There's another paper in this envelope. Kinuha ko naman toh at tinignan. Guide map siya papunta sa Bloody High kuno. Sa likod naman nun ay may instruction kung paano pumunta dun.

Pero...

Seryoso sila dun?!

May ino-offer silang scholarship...

Saakin?

Baka naman ata inuuto ako nito ah.

Tinignan ko ulit ang map. Hmmm... The names of the streets are not oh-so-familiar to me pero may guide naman paano pumunta dun.

Subukan ko kaya pumunta? Wala naman sigurong mawawala sakin maliban na lang sa pera. Ehh pero isang sakayan lang naman ang nakalagay dito. Ang nakalagay dun is:

Take a bus that will go to Clarkton V.

Isang bus lang ang sasakyan ko and the rest, lalakarin ko na lang gaya ng nakalagay sa guide map.

Bloody HighWhere stories live. Discover now