Ika-apat na Kabanata

0 0 0
                                    

Bumalik na ako sa klase ko ngunit sa pag lakad ko napansin ko ang isang dingding na may pinta, maganda ito ngunit may mga sulat na at mga kaklase ko ang may gawa tila ba wala silang pakialam at tuloy pa din sa pag lagay ng kung anu-ano.


Nako siguradong lagot ang section namin nito hinayaan ko na lang sila at bumalik sa room nami.

Walang tao duon kundi si Troy lang.


Paano ko siya makakalimutan kung lagi ko siyang nakikita hays.

"Venice.. " panimula niya. Dumeretso lang ako sa aking upuan at nakinig nalang sa aking mp3 pero joke lang nag salpak lang ako ng earphones sa aking tainga pero walang music.


Lumapit si Troy sa akin. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.


"Venice I'm so sorry. Alam kong hindi mo ito maririnig pero gusto ko lang sabihin sayo na pinag sisisihan ko alam kong narinig mo yung usapan namin ni Elle nuon pero sana kung nakinig mo lang lahat hindi ko intensyon na saktan ka lalo na't.. mahal na kita." umub-ub ako sa aking upuan dahil nag sisimula nanamang bumagsak ang taksil kong mga luha.


"Iniipit ni Elle kumpanya namin at gumawa siya ng kasunduan sa akin sinabi niya na ligawan kita at saktan pero hindi ko kaya lalo na nung nakilala kita. Tinapos ko na ang kasunduan nung gabing iyon kaso hindi mo ata narinig dahil umalis ka na noon. Nagalit siya saakin pero di niya tinuloy na pabagsakin kumpanya namin. Mahal na kita Venice! Alam kong dadating sa punto na ganon pero sana mapatawad mo ko. Let me love you, again."

Naramdaman kong umiiyak siya.

Tinanggal ko ang earphones ko at yinakap siya.


Hindi tayo makakaramdam ng saya kung hindi tayo naging malungkot nung una.

Pinatawad ko si Troy naging maayos kami. Binigyan ko siya ulit ng chance pero hindi agad-agad paghirapan niya aba.

The Weirdo's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon