Napabalikwas ako sa higaan agad kong naalala na may pasok pala ko ngayon.
Late na ko, ito talaga epekto ng pagpupuyat nakatulugan ko na nga ang pag-uusap nmin ni Jhared. Nakakainis bakit ba kasi hindi ko isinet ang alarm clock ayan tuloy late na ko! Sana lang hindi taffic..Halos patakbo kong binaybay ang parking lot ng building na tinutuluyan ko. Dali-dali akong sumakay at inistart ang kotse ko. Salamat sa Diyos at malapit lang ang ospital na pinapasukan ko at kung talagang swerte nga naman wala masyadong traffic. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Matapos kong maipark ang sasakyan, inayos ko muna ang sarili ko, nang masilip ko na sa rear view mirror na maayos na ang itsura ko nagpasya na akong bumaba at pumasok sa pinagtatrabahuhan kong clinic
"Good Morning Joey" masayang bati ng guard ng pinapasukan kong clinic..
"Magandang Umaga Mang Rene" Masigla namang tugon ko sa kanya.
Isa akong nurse sa isang maliit na clinic, balak ko sana sa malaking ospital pero fresh graduate kasi ako, kaya medyo hindi pinapalad. Ayos na din naman tong clinic nasusuportahan ko naman ang mga pangangailangan ko. Isa pa experience to, magiging advantage din to if ever susubok ulit akong mag apply sa malalaking ospital.
Malayo pa lang dinig ko na ang matinis na boses ng kasamahan kong si Terry na isa ding Nurse.
"Hi Terry!" Masiglang bati ko sa kanya ng makalapit na ko. Nakahinga ko ng maluwang dahil hindi ako late.
"Hi Joey! Muntik ka ng malate ano ba kasing pinagkaabalahan mo kagabi at mukang puyat na puyat ka ang eyebag te nagmumura oh!" Pang-aasar ng baklang si Terry na may kasama pang irap at pagkumpas ng mga daliri.
"Oo puyat talaga ko inumaga na kami ni Jhared sa telepono baka daw kasi hindi siya makatawag sakin ngayon may event kasi siyang aasikasuhin" Pagpapaliwanag ko sa kanya...
"Nakakaloka kayo te! Hindi kayo nagsasawa? Halos everyday na kayo magkasama,magkausap tapos parang sanyo eh kulang pa rin un?" Mataray niyang usal.
"Pag mahal mo ang isang tao walang nakakasawa, walang nakakapagod, kahit anong gawin niya sayo ay parang bago pa rin sa paningin mo, kinikilig ka pa rin, natutuwa at naeexcite it will be the same feelings,pakiramdam noong unang beses na sinabi niyang mahal ka niya." Mahabang paliwanag ko sa baklang bitter na to!
"Edi wow." Pagtataray niya at inirapan pa ko.
Nawala ang atensyon ko kay Terry ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.Hindi na ako nag-abala lang tingnan kung sino ang tumatawag sa akin.
"Hello?" Nagtatakang usal ko.
"Hello babe!" Masiglang bati niya sa kabilang linya. Kagad naman akong napangiti ng makilala ko kung sino ang nasa kanilang linya.
"Babe? Akala ko busy ka? Saka kaninong phone ang gamit mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Kay PatPat tong phone" pagtutukoy niya sa kasama niya.
"Tumawag lang ako para sabihing Happy Anniversary Babe!" Masayang bati niya!
"You forgot it right? Right babe? You forgot it? Di mo naalala. Nakalimutan mo,pero dahil binati kita naalala mo na." Pagmamaktol niya sa kabilang linya, nangingiti ako at naiisip kong nakanguso siya habang kinokonsensya ako...
BINABASA MO ANG
THE ARTS OF LETTING GO
RomanceHow can we unloved someone that was once mean the world to us? How can we say it's okay if it's tearing our hearts away? How can we smile just to hide the pain? How can we face tomorrow if we are still living in the past and ignoring the future? Do...