"Joey Albert Dela Peña will you be mine forever?" Tanong nya habang nakaluhod sa harapan ko, nakatitig siyang diretso sa mga mata ko. Habang ang kanang kamay nya ay hawak-hawak ang kaliwang kamay ko at nasa kaliwang kamay nya ang singsing na may nakapalibot na maliliit na bato sa gilid at may malaking diyamante sa gitna nito...
Naluluha ako habang nakatitig sa mga mata niya na anumang oras ay luluha na. Hindi ako makahinga, sobra-sobra ang emosyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niyang punong-puno ng pagmamahal, at kasiguraduhan sa gusto niyang mangyari ngayong gabi.
"SAY YES!!!" Sigawan ng mga nanunuod na nagpabalik saking ulirat. I want to shout "yes" pro parang naubos ang boses ko sa mga nasaksihan ko kaya tumango ako ng tumango habang naluluha pa ring nakatitig sa kanya. Dahan-dahan niyang sinuot ang singsing sa palasinsingan ng aking kaliwang kamay at ang pakiramdam ko ay ginawa ang singsing na ito para lamang sakin...
"You've just made me the happiest man in the world babe" Buong puso niyang turan sabay halik sa noo ko..
I'm speechless! Damn speechless! I didn't utter single word I just hugged him. Niyakap ko siya ng buong pagmamahal. Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganito, na nuon ay pinapangarap ko lang, pangarap na buong akala ko ay hindi na mabibigyan ng katuparan.
Bahagya akong lumayo sa kanya at muli siyang tinitigan. Pinagmasdan ko ang mga mata niyang kulay tsokolate, ang mahahaba nya pilik-mata na akala mo'y babae lang ang pwedeng magkaroon ng ganong kagandang pilik-mata, ang matangos niyang ilong, ang manipis at mapupula niyang labi, he's fine jaw line. I'm very blessed because this gorgeous man in front of me is mine all mine!
"Are you checking me out? Now I'm concious" Nakanguso niyang sabi alam kong nang-aasar lang siya...
"What if I'm checking you out? You're mine anyway" Mataray kong tugon sabay kindat...
"Nagustuhan mo ba ang surprise ko?" Pagpapacute nyang tanong.
"Hindi" Seryoso kong sagot Sa kanya...
" What? Why? Akala ko magugus.." I cut him off.
"Because I love it" sinsero kong sabi sa kanya.
"I thought hindi mo talaga nagustuhan" Naiiling niyang pahayag.
"Lahat ng ginawa mo nagustuhan ko, lalo na yung lumuhod ka and asked me if I can be yours forever" Nginisian ko siya ng malaki matapos kong sabihin yun...
I really can't explain kung gaano ako masaya right at this moment, parang sasabog ang dibdib ko sa kasiyahang idinulot ng surpresa niyang yun.
May parte kasi ng utak ko na nagsasabing hindi kami hahantong sa ganitong tagpo, na hanggang magjowa na lang talaga kami! Kaya kulang na lang magpagulong-gulong ako sa tuwa ng mag propose siya.Matapos ang kaunting supresa ni Jhared ay nagpasya na kaming umuwi. Inabot na rin halos ng hating-gabi ang surprise proposal niya inihatid nya muna ko bago siya tuluyang umuwi...
Pagkadating sa unit na tinutuluyan ko, dumiretso na ako saking kwarto at dun ko lang naramdaman ang pagod.. Bagaman pagod ako hindi nito matatanggal ang nag-uumapaw na kasiyahang nararamdaman ko kaya bago pa ko takasan ng bait ay nagtuloy na ko sa banyo at mabilis na naligo at pagkatapos at mabilis ding nagbihis.
BINABASA MO ANG
THE ARTS OF LETTING GO
RomanceHow can we unloved someone that was once mean the world to us? How can we say it's okay if it's tearing our hearts away? How can we smile just to hide the pain? How can we face tomorrow if we are still living in the past and ignoring the future? Do...