9: Special Project

72 5 0
                                    

*Third's POV*

Tss! Hanggang ngayon nanggagalaiti pa din ako sa babaeng yun! Ang galing niya umarte ! pwede na siya mag artista kaso di papasa yung mukha niya.

Nakakainis pa dahil nag pauto din ako, eh anong magagawa ko ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak , ewan! Basta weakness ko na yun dati pa! Hays! Kasalanan to nung batang nawala nun eh!

Natigil ako sa pag iisip nang makita ko yung babae Jen ata yung name? Tsk. Naiinis pa din ako sa kanya ,nakita ko siyang lumabas sa office ,ano kayang ginawa niya dun? Siguro dahil sa special project yun. Tsk.

*Jenmaine's POV*

Kakalabas ko lang ng office kakatapos lang ako kausapin ni principal para dun sa special project.

Nasan na ba kasi sila Verryl? Kanina ko pa sila hinahanap dahil kailangan naming pag usapan yung special project at ngayon kailangan kasama na yung mga lalake.

Hayssss nakadating na ako kung San San pero di ko pa din sila nakikita .

Nasa cafeteria ako para bumili ng Iced Tea nakakapagod kaya mag hanap sa dalawang yun. Habang pumipila ako may lalakeng nauna sakin kaya pagtalikod niya natapon sakin yung ice tea na hawak niya.

At talagang nabasa ang uniform ko.Puno kaya yung baso.Sisigiwan ko na sana siya kaso.....

"Wait yung panyo... " Si Third nanaman? Role ba niya talagang banggain ako?! Nakakagigil naman to. Nakakinis panyo panaman ni "T" yung nadala ko.tsaka problema neto sa panyo ko? Don't tell me gusto niya to!

"O bakit anong meron sa panyo ko? " binangga na nga ako kukunin pa panyo ko.

"That's mine" anudaw?! nang agaw pa ng panyo. Makapal naman talaga.

"What?"Nakakainis na ah nangbangga na nga tas mang aagaw pa ng panyo?

"Look" inagaw niya sakin yung panyo sabay pakita ng "T" na nakatatak dun.Tsss.

"thats my name." ha? pano niya naging name yun?.

"Porket T sayo na? Bakit ikaw lang ba may T sa pangalan?" Wait,Oo nga no "Third" T nag start yung name niya tapos medyo hawig niya nga yun nung una kaming nagkita....

Don't tell me..

"Ikaw/you?!" Sabay pa kami nagsabi.

Noooooo! Hindi pwede!

"Ikaw yun?" Sabay ulit kami

"Yeah" sabay na naman kami! Nakakainis na ah! Di ko padin matanggap na siya yun.

"ho-"

"Ahh.Pumunta ka sa Empty room mamaya."

Yun nalang yung sinabi ko. Di ko na siya pinatapos.May sasabihin pa ata siya pero iniwan ko na siya.
Tsk! Bahala siya! Naguguluhan parin ako.
Di ko matangap! Siya yun?! Ang tagal-tagal kong hinanap tapos siya lang yun? !

-------------------------------------------------
Andito ako sa locker para magpalit ng damit,hanggang ngayon naiinis padin ako at hanggang ngayon di ko matanggap na siya yun.

"o anyare sayo?ano bayan wala na bang tubig dito at ice tea na pinapaligo mo? ah! alam ko na! Ginagaya ni Jen yung Iced tea shirto Queen oh!" natawa at naasar nalang ako kay Verryl. Jusmiyo kang bata kaaa! Kahit kailan talaga si verryl.

"Tsk. what happened?" buti pa si Queen nakakausapan pa ng maayos.

haysss ewan ko kung anong sasabihin ko. tsaka ko nalang sasabihin.Ang mahalaga ay yung special project.

"Wala. mamaya dalhin niyo si King pati Dhan sa room after ng klase. kailangan na natin pag usapan yung special project"

"Dhan Dhan Dhan Dhan Dhan puro nalang Dhan kahit saan ako pumunta! NAKAKASUYA BES" natatawa nalang ako sa reaksyon ni Verryl

"yeah same" sabay alis nilang dalawa.
tsk.di manlang ako hinintay .

*After Class*

Andito kaming lahat sa room nila Queen,Verryl,King,Dhan,Third at ako.Ewan ko kung paano nila napapapunta yung mga lalaki at wala na akong pake doon.
Di ko rin alam na pupunta talaga si Third.

"So ano ba yung special project na yun? " tanong ni King Kay Queen.

"Do I look like the Principal to you?"natameme naman si king dahil sa sagot niya. Pero ngaumiti din at nag pacute kay queen.Hays cassanova talaga kahit kailan.

"Tsk. Ano ba kase yon? " halata mo naman Kay Dhan na naiinip na eh siya nga yung late eh dahil ang hirap niyang papuntahin dito!

"Maghintay ka kaya! kapanggalaiti." Sigaw ni Verryl sa kanya

"Sino nagsabi sayo na sigawan mo ako?!" Sigaw rin sa kanya ni dhan "sino ba ang boss dito ha?! " dagdag niya pa at nag smirk pa!

Natahimik nalang si Verryl dahil boss naman talaga niya si dhan
Kaya ang laki utang na loob ko Kay Verryl eh ! tiniis niya yun!

"So eto na , Our So called 'Special Project' isn't really that special. Turns out it was kinda trashy, Literally. Meron kasing bagong building yung school at elementary ang idadagdag nila dun, our job is to clean it. We have approximately 1 month to finish."
Paninimula ko halata namang nagulat sila sa sinabi ko, may bago kasi kaming building dito at elementary ang mag aaral dun ,tapos na yun pero Hindi pa nalilinis at nalalagyan ng mga upuan. At kami ang gagawa nun.Natahimik naman sila pero hindi ko aasahan na...

"WHAT?"
Nakakagulat na sigaw nila.partida Sabay sabay pa silang apat. Habang si Third naman ay walang ekspresyon ang mukha. As usual.

"Yeah, I know  right? at gagawin ko to para sa grade ko kaya tumulong kayo dahil nangyari to dahil sa inyo"
Sabi ko  sakanila.

"Eh ano pang silbi ng maintenance?" tanobg ni dhan.Tss.Ang slow talaga neto. makapagsalita patong si Dhan eh kasalanan niya naman.

"May silbi parin , Eh kahit wala naman silang gawin sa buhay nila hamak na mas may silbi parin sila kesa sayo eh." Prangka nanaman neto ni Verryl sa kanya kinatawa naman nila king.

"Woah! sayo pa nanggaling yan ah! sa gwapo Kong to? " ganti naman sa kanya ni Dhan.

"May sinabi ba kong hindi ka gwapo? Ang sinabi ko WALA KANG SILBI"

"Si inamin mo na nga na gwapo ako"
At eto nanaman sila.

"Stop.You know what? Mag uumpisa tayo bukas.
Lahat dapat andun  magkita kita tayo after class pag Hindi kayo pumunta isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo!"
Banta ko sa kanila, tumayo na ako at umalis ,malamang di matatapos yung usapan namin dun kapag sila ang kasama.
Kahit ako ayoko maglinis pero kaylangan. Para sa grade at scholarship ko.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now