10: Not very lady-like

58 5 0
                                    

*Verryl's POV*

Umuwi na yung iba at naiwan kami dito ni Dhan, pano ba naman kasi nakipag-sagutan nanaman sakin kaya nagalit yung iba at winalk-outan kami

"Tch. Sige uuwi nako."
Sabi sakin ni Dhan ng GALIT PA. WOW TALAGA BES.

"Ikaw pa galit ah? tsk."
-Ako

"Edi wag magalit! Ikaw ulang din naman ang maglilinis bukas eh"hindi naman ako galit.Bahala siya sa buhay niya.tss. Pero? ansabe niya?ako maglilinis?
Wait. wag mong sabihing ako lang maglilinis dahil boss ko siya?! NO WAY BISH. ANO SIYA?! BOSS?! Medyo pero kahit na! Human rights!

"Sige na! bahala ka na diyan!"
Sabi niya sabay labas na. Gaahhhhh! Nakakaasar! Mag-cocomshop muna ko ! NAKAKAINIT NG ULO!

********************

Papunta nako ng comshop ng nakita kong nagpark yung motor ni Dhan sa tapat ng Café sa tabi nung computer shop.

Peste talaga siya.

Napairap nalang ako at dumeretso na.

-Comshop-

"AYAN"

"SIGE"

"BASAG TORE!"

"KILL STEAL AMP"

"SS NA!"

Aaaaaaaaaand

"VICTORY!!"

Napasandal ako sa upuan ko at napatingin sa oras.

10:00 PM NA?! Nakalimutan ko! Nag-out nako at nagmamadali ng lumabas

"Ang dilim naaaaa..."

Nilagay ko yung mga kamay ko sa pockets ko at naglakad na.

Naglalakad ako ng bigla akong may matapakan na bato kaya yun.nadapa.

"Tch. Ahh!"

Ang sakiiiiiiiit ! Ang laki nung sugat ko sa tuhod dahil nakakaskas ito sa sahig.

"Fudge."

Masakit pero tumayo nako at nag lakad , malayo naman sa bituka to eh!
Tinali ko yung buhok ko ng pa-bun kasi humaharang sa mukha ko, Magulong magulo dahil hindi ako marunong magtali pero meh gabi naman walang makakakita HAHAHA.

Habang naglalakad ako, may nadaanan akong madilim na street

"Hey.."

May tatlong lalaking lumapit sakin at hinawakan ng isa ang baba ko

"At anong ginagawa ng isang magandang babae ng gantong oras dito?"

Inirapan ko tsaka tinanggal yung kamay niya sa baba ko, Halata namang pakboy na walang mapak eh -_- May itsura siya, Matangos yung ilong, Chinito , Gwapo at halatang pakboy.

"Tch. Diwow , excuse me."

Sabi ko at nilagpasan ko nalang sila , Nagulat ako ng hinila ng isa sa alagad niya yung damit ko mula sa likod

"At san ka pupunta....? Dito ka laaang, Samahan mo kami!"
Ayos to ah! Sinabi nang aalis na eh!

"Problema mong pakboy ka?! Kung wala kang mapak dun ka sa boss mo magpakpakan kayong tatlo diyan!"
Pagalit kong sinabi sa alagad ni Pakboy

"Boss, Palaban *Witwiw*"
Puñetang witwiw yan parang manyak.

Hinila ako ni Pakboy ,Hawak niya yung dalawang balikat ko at tinulak ako sa ding-ding , onti-onti niyang nilapit yung bibig niya at may binulong.

"Wag ka nang pumalag... Tatlo kami, Isa ka lang."
Sus. Sipain kita sa ano diyan eh tignan natin kung dika mamilipit.

*******************
Sobrang lapit na ng bibig niya nun ng biglang may sumuntok sakaniya mula sa gilid.

Lumaban si Pakboy pero sinuntok siya sa tiyan at napabagsak, Yung dalawang alagad naman ni Pak boy madaling napatumba , Hirap na tumayo si Pakboy

"Tch."
Patayo palang siya ng sinuntok ulit siya at tuluyan ng napabagsak , Sinipa siya ni Dhan na kitang kita mo sa mata ang galit

*Dhan's POV*

TCH! GAGO YUN AH! KUNG HINDI AKO DUMATING NAHALIKAN NIYA NA SI VERRYL ! ANG LAKAS NG LOOB NIYA ! TONG BABAENG TO NAMAN ANONG ORAS NA BAT NASA LABAS PA?! GAAHH! IMAGINE KUNG DI AKO DUMATING DIBA?!

"ANO BA KASING GINAGAWA MO SA LABAS NG GANTONG ORAS?!"

Napakamot siya ng ulo

"Nawala sa isip ko yung oras eh hehe"

HEHE?! NAKAKA- "HEHE" PA SIYA SA LAGAY NA YAN?! SUGAT SUGAT PA TUHOD NIYA TAS MUKHA PANG BRUHA?! HEHE?!

"HEHE?! ANO BA-- ARGHH! NAKAKASTRESS KA! SUMAKAY KA NA NGA LANG!"
Pinasakay ko siya sa likod ng motor ko

"Chill"
Sabi niya at angkas sa likod ko , GAHHHH NASESTRESS AKO SA BABAENG TOOO!

Nakaangkas na siya sa motor ko, nararamdaman ko yung init niya dahil nakaakap siya sakin mula sa likod , parang natigilan ako bigla

"Hoy wala kang balak umandar?"
Nagising ako bigla sa katotohan dahil sa sinabi niya..

"Eto na!"

Nag-drive nako papunta sa bahay niya tinuturo niya kang yung daan.Nanginginig yung kamay ko ang wierd kasi yung kamay niya nakaakap sakin.

***************

"Eto na"
Sabi niya at pintigil ako sa tapat ng malaking bahay, mayaman din pala 'to no? Pero kung umasta akala mo..
sinalubong agad kami ng sigaw ni Queen at Jen , wait... live-ins sila?

"JEN ANDITO NA SIYA!"
Bumaba silang dalawa at pumunta agad kay Verryl

"Bakit ngayon kalang?"

"Anong nangyari sayo?!"

Halatang nag-alala yung dalawang kaibigan niya, nagulat ako ng magtinginan sina Queen at Jen at biglang tumingin sakin

"Bakit magkasama kayo aber...?"
-Queen

"Anong ginawa niyo hmmm?"
-Jen

"Mahal mo ba?"
-Queen

"Handa ka bang panagutan yung kaibigan namin?"
-Jen

What the heck?! NaSpeechless ako, Feeling ko uminit yung mukha ko--

"HAHAHA NAGBABLUSH~ I KNEW YOU LIKED HER!"
-Queen

"HALA TOTOO NGA DHA--"
-Jen

So ayun. Pinag-Babatukan sila ni Verryl. Cavewoman talaga yun. "tara na nga sa loob."

Nag-bye na sila sakin habang ngumingisi-ngisi yung dalawa, nagthank you at pumasok na.

Pagtalikod ko napabuntong hininga ako at napaisip.

Si Verryl? Yung tomboy na yun? Ugh, Disgusting. Pag sinabi mong gusto ko si Verryl, para mong sinabing nabakla ako kay Third-- Ugh seriously ,parang tibo.

Pero yung lalaki kanina? Hmp. Maling tao yung naisipan niyang asarin, subukan niyang ipakita ulit yung mukha niya sakin.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now