12: Harsh

35 1 0
                                    

Verryl's POV

"Uy , Tara canteen muna us." Yaya ni Queen sakin , Well. Sino ba'ko para tumanggi. Pagkain 'yan no.

"Tara" Naglalakad kami sa hallway nang may narinig akong nagbubulungan sa may tabitabi. Alam mo naman ang mga chismosa , buy 1 take 10. Kahit nga di ka bumili , libre na sampu. -_- Dedma lang ako.

Pag dating namin sa canteen ay umorder na si Queen ng veggie salad at flavored yougurt at unorder naman ako ng footlong , siomai , Gulaman at rice na may egg. Wala eh. Diet si ate.

"San mo nilalagay 'yang tabang 'yan , teh? Omg." Tanong ni Queen. Aish! Ako pa ba? Basic.

"Sa utak" Walang emosyong sagot ko habang sumusubo ng siomai

"Mas believable ata na every 5 minutes ka lang tumatae" Pagbabara niya. Aba bastos 'to ah. Fyi 5 times a day lang ako tumae no.

"Uy may bugbugan daw sa labas ah" Says chismosa 1. Gumalaw naman ang tenga ko. Sayang. Gusto ko tumaya.

"Onga eh. Eto pa girl! You won't believe this!" Dagdag naman ni chismosa 2 , with matching pagdidilat ng mata at hand gestures.

"Si Dhan pa daw ata yung kaaway! Tapos taga SPE pa nakaaway.." Nabigla naman ako ng onti at nabulunan. Kinuha ko naman agad ang gulaman at uminom , kakainom ko naman ng torrid ay nabulunan naman ako sa gulaman na nasa gulaman. Bakit kaya gulaman din yung tawag sa sahog sa gulaman? Ay ewan namamatay na'ko jusko. Inagaw ko ang inumin ni Queen at salamat sa Diyos buhay ako.

"Hey!! Are you okay?" Maarteng tanong ni Queen , buhusan ko ng gulaman 'to eh mukha ba'kong okay

"Oo okay lang ako." Himala. Sinagot ko siya ng maayos. Ewan. Pre-occupied kasi ako. Wala na'kong oras mamilosopo.

Hindi kaya..

Nope.

No way.

"Tara na nga" Yaya ni Queen , sumunod naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hila hila niya ako habang naglalakad sa hallway , ambagal ko daw kasi maglakad.

Habang naglalakad kami ay bigla akong tumigil , napatingin naman sakin si Queen at nagtilt ng ulo

"Ah mauna ka na muna , Natatae na 'ko eh. Haha!" Sabi ko sakaniya

"Sabi na every 5 minutes ka tumatae eh! Yun pala ang secret ah.." Napabuntong hininga nalang ako tsaka siya binigyan ng 'Balakajan' look. Matapos ay tumalikod na'ko at tumakbo palabas ng school

Pag labas ko ng gate ay tumingin ako kaliwa't kanan. Ewan ko ba pero hinihingal ako. Tumakbo ako papunta sa kabilang street , bago ako lumabas ay may narinig ako..

"Ano?! G*go! Ayan! Wag kang mayabang g*go!" Narinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Yep. Nasa tamang pwesto ako.

Naexcite ako pero ewan kinabahan din ako. Sumilip ako at nakita ang Apat na lalaki. Wala masyadong tao dito. Actually sila lang nandito plus ako.

Nakita ko yung dalawang lalaki na may hawak na isang lalaki , tig-isang braso sila. Talagang di makakagalaw yung nasa gitna. Tapos yung isang nagmumura , paulit-ulit siyang sinasapak. Yung isa naman nanonood lang habang may hawak na tubo.

"Shet.. 4 against 1.. Lugi!" Bulong ko , manonood lang sana ako nang nagsalita yung isang lugi

"H-hah. 'Yan na ba l-lahat? Fucking weak." Pag mamayabang niya at dumura pa dun sa nanununtok. Damn--Yabang!

Wait..

What the fuck..

DHAN?!

Napagasp ako at natuliro. Shit! Si Dhan pala 'yan! Anong gagawin ko shit walang kahit sino dito! Pakshet.. Anong gagawin ko? Teka.. Kaaway ko naman si Dhan eh. -,- Pero shit talagaaaa kinokomsensya akoooo.

Aish!

Salamat ka maala anghel ako.

Binuksan ko ang bag ko at nagkalikot. Ayun! Ballpen! Sasaksakin ko yung lalaki sa leeg! kaso baka makulong ako.. tsaka apat pala sila -,-. Libro? Para facebook talaga? Extra napkin? Para pag pinadugo ko mukha nila? Hehe

Aish! bala na nga. Binalik ko na yung ballpen , libro at napkin sa backpack ko at sinara ito. Lord God wooh protect me! Jusko Dhan wag kasing tanga jusko.

Onti onti akong naglakad papunta dun sa likod nung lalaking may tubo , shiz.. Kinakabahan ako.. Then..

TAKBO! Tinakbo ko siya at..

PLAK! Hinampas ko ng bag sa ulo , panis. Tigas kaya ng bag ko , may bato sa loob. Nagtinginan naman sakin yung iba , including Dhan. At habang hilo hilo pa yung isa ay inagaw ko na yung tubo niya.

"Eh--!" Hawak ko na yung tubo pero sinabunutan ako nung nanununtok kay Dhan , Shit! Mapupunit na anit ko! Bwiset ka Dhan damay damay?! Aish

"Ohhh. You're that chick." Sabi nung sumasabunot sakin. Wait.. CHINITONG CHEKLA?! SIYA 'TO!!! Pakshet sadista 'to nilakasan pa yung sabunot!

"Ara--"

"Shit!" Pagmumura ni Dhan , nagulat ako nang. Literal na sinipa niya sa Dongdong yung nasa tabi niya , dahilan na mabitawan ang braso niya, gamit ang kabilang kamay ay sinuntok niya sa mukha ang isa pa.

Yan kasi. Pag hahawak , pati paa. Tamo. Nawalan pa ng future children. -_-

Teka.. BAT DI NIYA GINAWA KANINA YUN?! AISH!

"*Tug!* GAGO!" Sigaw nung nanabunot sakin matapos siyang suntukin ni Dhan sa mukha. Hindi pa nakakaganti yung isa ay hinablot na ako ni Dhan sa braso at tumakbo.

Syempre tatakbo na din ako no. Choosy pa?

Nang makalayo kami ay tumigil na siya at tumapat sakin.

"What the hell?! Bakit ka nakisali?!" Sigaw niya sakin nang nakasimangot.

W O W!

"Oh wow! YOU'RE WELCOME AH!" Sagot ko. Galit rin. qiqil niya ako.

"aish! Kaya ko naman eh! And with a bag?! Are you serious?! Damn it , Verryl! Use your damn brain!" Sinigawan niya ako. Napaatras ako ng onti sa gulat. Ewan pero natahimik ako. Andami kong gustong idada sakaniya sa galit ko pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Damn it! Ano bang tingin mo sa sarili mo , ha?! Lalaki?! Malaki?! Malakas?! Alam mo ba anong mangyayari kung ibang tao yun ha?!" Tumingin lang ako sa sahig , walang lumalabas sa bibig ko and I hate it. I hate this. I hate him. Gusto ko nang umalis pero nakapako na'ko sa pwestong 'to.

Habang nakatingin sa sahig , hindi ko namalayang may tumulo nang luha sa mata ko. Argh! Damn you eyes. Tinakpan ko yung mata ko para di niya makita.

"Okay. Bahala ka dyan. Hinihintay ako ni Queen." Pormal na sagot ko na parang walang nangyari habang nakatingin sa sahig para hindi niya makita yung mata ko. Tumalikod ako at tumakbo na. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Damn him. I hate him so much. Naisip ko at ewan , ang tanga tanga ko. Naluluha nanaman ako.

******

LOL alam ko ang corny HAHA Idk napressure akong gumawa bigla kasi antagal na pala walang update hehe. Kaya ayun. Yan lang ang dinura ng brain ko. Sorry hehe.

-RMaria ☆w☆

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now