Sa paaralan ng San Columbano, may isang mag-aaral na nag-ngangalang Beauty. Siya ay
palaging tinutukso dahil sa kanyang panlabas na anyo. Matagal na panahon na rin niya
itong pinapasan, hanggang siya'y nasanay. Ngunit hindi pa rin maiaalis sa kanya ang sakit
na kanyang nadadarama sa tuwing siya'y tinutukso.
Sa campus nila, may isang basketball player na talaga namang pinag-aagawan ng mga girls.
Matangkad ito, matangos ang ilong, maputi at tisoy (Gwapo). Siya rin ang pinakamagaling sa
team nila. Kaya naman , malakas ang tama ni Beauty sa kanya.
(Dumaan siya bigla kasama ang mga barkada niya habang nakatunganga naman si Beauty sa kakaisip sa kanya)
Paul: Beauty!
Beauty: (Kinakabahan) Paul?- - - -(Oh my God! Anong gagawin ko?)
Paul: Beauty, galing ako sa praktis bilhan mo naman ako ng tubig sa canteen please?
Beauty: Ganun ba?..o sige-sige!
Hindi mapakali si Beauty, ganyan siya pag si Paul na, kinakabahan at kinikilig.
Beauty: Teka, ang layo pala from basketball court to canteen. Di bale, para sa'yo Paul,
gagawin ko ang lahat.(Tumatakbo) Hooooooh,kaya ko to!
- - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Mark: Wow! Ang lakas mo kay Beauty pare ah.
Miko: Hanep pare, lakas ata ng tama sa'yo.
Paul: Wala ba kayong bilib sa akin? Sa gwapo kong to? Wala iyang mga mukha niyo sa
gwapo kong to.
4 Boys: (Tinpunan ng bola) Ang yabang mo tol!
Dumating si Beauty,dala-dala ang tubig.
Beauty: Paul o, heto na ang tubig mo (pagod na pagod)
Paul: Okay ka lang ba?(pinunasan ang pawis)
Beauty: (kinikilig) o- - -oo naman.
Paul: Naku Beauty, naisip ko na mas masarap palang uminom ng softdrinks kaysa sa
tubig. Pwede mo bang balikan,please?
Beauty: Ha?...(paano ba to, eh tingin ko isang lakad pa hihimatayin na ata ako.Pero di
bale para kay Paul) O ba, walang problema.
Paul: Ang bait mo talaga Beauty,at ang ganda-ganda pa.
Beauty: (kinilig) Salamat.- - - - umalis
Malakas na nagtatawanan ang kanyang mga barkada sa narinig nilang usapan.
Mark: Ibang klase ka talaga Paul!
Miko: (Ginagaya) Ha? O ba,walang problema.
Mark: Ang bait mo talaga Beauty, at ang ganda-ganda pa!
Miko: Salamat!
Nagtatawanan!- - - - - - - -
Dumating na si Beauty ngunit bago siya nagpakita narinig niya ang usapan ng mag babarkada.
Mateo: Naku Paul, baka naman ma-inlove ka na diyan kay Beauty.
Paul: Nakakasuka ka pare! Ako ma-iinlove sa DUGONG na iyon. Isang pandak, maitim na leeg, maitim na kili-kili,mataba, malaking mata at...at...at mukhang mabaho . PWE! Mamatay na muna ako bago pa mangyari iyan!
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
HumorSadyang ang kagandahan lang ba ang pagbabasehan? ABANGAN =)