Pagdaan ng maraming araw ay nabigla si Paul nang may tumawag sa kanya...-mama ni Beauty.
Paul: Hello, tita?
Mom Indie: Hello, Paul magkasama ba kayo ni Beauty?
Paul: No tita. Matagal ko na rin pong di nakikita si Beauty. Bakit po, matagal na po ba siyang hindi nakakauwi sa inyo?
Mom Indie: Oo Paul eh. Tulungan niyo naman kaming hanapin si Beauty. Mga 3 araw na rin kasing hindi umuuwi.
Paul: Sige po tita.
Hinanap ni Paul si Beauty. KInontak niya lahat ng mga kaklase nito, pati na rin ang mga kakilala at kaibigan.
Paul: (Kausap ang sarili) Beauty, nasaan ka na ba?.....
Nabigla si Paul nang may tumawag sa kanya na hindi naka-save ang number sa kanyang contacts.
Paul: Sino to?
Unknown: Your long lost brother bro.!...
Paul: Anong kailangan mo sa akin?
Unknown: Buhay mo!
Paul: Who the hell are you?
Unknown: Ako lang naman ang kapatid mong si losiper! (Tawa)
Paul: Stop kidding me!
Unknown: Mukha ba akong nagbibiro?
Paul: Ano ba ang gusto mo?
Unknown: Pumunta ka agad dito sa Puting Bato sa barangay ng San Miguel! Isama mo na
ang walang hiya mong ama! At huwag kang magkakamaling magsama ng mga pulis,
kundi pugot na ulo ang aabutin mo sa girlfriend mong si DUGONG!
Paul: Hayop ka loko ka! Sino ka ba?
Unknown: Mas hayop ka! Pumunta ka na dito kung ayaw mong pugutin ko ang girlfriend mo!
Paul: Please......Huwag mong saktan si Beauty...
Unknown: Masunurin naman ako eh.. di gaya ng ama mong HAYOP at GAGO!!!
Paul: Ano ba ang kinalaman ng ama ko dito?
Unknown: (Tumawa) Malalaman mo rin iyon 'pag pumunta ka dito.
(Binaba ang telepono)
Paul: Hello? Hello?
(Pinuntahan agad ni Paul ang nasabing lugar)
Sa Puting Bato ng San Miguel
Gabi na nang dumating si Paul doon. Sa paglalakad niya, nakita niya ang isang lumang bahay.
Paul: (Kausap ang sarili) Ito na siguro ang sinasabi niya.
Pinasok ni Paul ang naturang bahay...
Paul: Ang dilim naman...
Habang naghahanap si Paul, pinapahirapan naman si Beauty...
Beauty: Hayup ka! Ano ba nag kasalanan ko sa'yo ALEX?! Akala ko ba kaibigan ka?
Alex: Wala ka namang kasalanan sa akin eh, malas mo lang at naging girlfriend ka ni Paul!
Beauty: Ano bang nagawa ni Paul sa'yo at galit na galit ka sa kanya?
Alex: Marami! Inagaw niya ang lahat sa akin!
(Nilapitan niya si Beauty)
Alex: Kaya, aagawin rin kita sa kanya! (Pinilit na hinalikan si Beauty)
Beauty: Alex, tama na! (Sinipa si Alex) Baliw ka na talaga!
Alex: (Pasigaw na sinabi) Oo! Baliw na talaga ako! Walang nagmamahal sa akin Beauty. Iniwan na ako ng lahat!
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
HumorSadyang ang kagandahan lang ba ang pagbabasehan? ABANGAN =)