Kaumagahan habang palakad si Beauty kasama si Alex patungong Canteen ay nagkasalubungan sila ni Paul at mga barkada nito.
Paul: Beauty, ang ganda mo ngayon ah!
(Hindi pinansin) (Hinabol ni Paul)
Paul: Beauty, sorry na.
(Hindi pa rin pinansin) (Hinawakan ni Paul si Beauty)
Paul: Beauty, bakit ba ayaw mo akong pansinin at kausapin?
Beauty: Ano ba! Bitawan mo nga ako, nakakainis ka na. At...at nakakadiri ka!
Paul: Ah, so nakakadiri na pala ako ngayon?
Beauty: Oo. At hindo ka lang nakakadiri, nakakasuka ka pa. Kaya pwede ba, umalis ka sa harapan ko, at baka masuka pa ako sa mukha mo. Tara na Alex.
(Binanggaan si Paul at umalis)
Nabigla si Paul. At nabalutan siya ng hiya sa mga barkada nito.
Mark: Paul, okay ka lang?
Paul: Oo naman noh! Bakit naman ako hindi magiging okay. Iyong DUGONG na iyon. Ang kapal din niya noh! Hoy! Mas nakakasuka ka! Pandak, maitim, mabaho...HALIMAW!
Nang naglalakad si Paul patungo sa kanilang room, nakita niyang magkasama sina Beauty at Alex sa library at sweet na nag-uusap.
Tinawag ni Paul ang isa niyang kaklase at tinanong.
Paul: Pssst.Pssst, Dino!
Dino: Paul? Tinatawag mo ako?
Paul: Hindi-hindi. Dino nga diba.
Dino: Mang-aasar ka lang ba?
Paul: Hindi-hindi, binibiro lang kita. Magtatanong lang sana ako.
Dino: Ano iyon?
Paul: Sino ba iyang intsik na lalaking iyan at parati silang magkasama ni Beauty?
Dino: Ah, si Alex! Transferee iyan siya, galing China. Bakit mo natanong?
Paul: Sila na ba ni Beauty?
Dino: Aba! Ewan ko. Basta parati ko iyan silang nakikita sa School Garden nag-uusap.
Paul: Nag-uusap kamo? Silang dalawa lang?
Dino: Umiiyak pa nga si Beauty eh.
Paul: (Pabulong na sinabi sa sarili) Hindi ka lang pala HALIMAW, MALANDI ka rin pala!
Dino: May sinasabi ka?
Paul: ha? Wala! Sige salamat.
Nakita ni Paul na palabas na ng library sina Beauty at Alex. Dali-dali siyang nagtago. At nang nakakalayo na sina Beauty at Alex, mabilis niya rin itong sinundan.
Paul: Nasaan na ba sila? (Hinahanap) Ahhh! Baka nasa sa School Garden.
Pinuntahan niya ito at nakita ang dalwang nag uusap. Habang si Paul naman ay nagtatago sa Puno ng mangga. Hindi rin napansin ni Paul na sinusundan din siya ng mga barkada niya
Yumuyuko siya para hindi makita. At nang mawala sa paningin ay tumayo siya at natamaan ang ulo sa sanga ng puno. Patago ring tumatawa ang kanyang mga barkada habang pinagmamasdan siya.
Paul: Araaay! Leche flan! (Sinusuntok ang sanga ng kahoy)
Napansin nina Beauty at Alex ang ingay.
Alex: Si Paul ata iyon oh.
Beauty: Anong ginagawa niya ditto?
Tinawag niya si Paul
Beauty: Hoy! Anong ginagawa mo dito?
Paul: (Kinakabahan) Ha? Nagpapahangin. Bakit, may problema?
Beauty: (Bulong sa sarili) Sus, nagpapahangin raw.
Sa susunod, huwag kang magpapahangin diyan ha. Hindi ka kasi mahahanginan. Nagmumukha kang UNGGOY!
(Hindi na napilgilan pa ng kanyang mga barkada na tumawa nang malakas)
Paul: Mark? Miko? Justin? Kanina pa kayo diyan?
(Tawa pa rin nang tawa)
Mark: Tol, para kang si SWIPER kanina!
Miko: Stalker ka na pala ngayon Paul?
Justin: Nag-iba na ata ang ihip ng hangin ngayon?
Paul: Anong ibig niyong sabihin?
Mark: Tol, confirmed. Inlab na inlab ka na talaga kay Beauty.
Paul: Ako? Maiinlab sa HALIMAW na DUGONG na iyon? Crucify me.
Miko: Asus! Hoy! Pare, iba ang sinasabi ng mga mata mo! May patago-tago ka pang nalalaman ha. Nakakadri ka Paul! Iyong HEARTTHROB, STALKER na ngayon? How come!
Paul: Bahala kayo!
(Nag walk-out si Paul. Pumunta siya sa basketball court at ibinuhos ang sama ng loob. Mag isa lang si Paul sa Court)
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
HumorSadyang ang kagandahan lang ba ang pagbabasehan? ABANGAN =)