Chapter 9

10 0 0
                                    

Habang nag aaral si Beauty sa School Garden...Dumating si Paul...

Paul: (Ginulat si Beauty) (Tumawa)

Beauty: (Nagulat at pinalo si Paul ng aklat) Sira ka talaga Paul kahit kailan!

Paul: Busy?

Beauty: Oo, malapit na kasi ang exam. Ikaw, di ka ba mag aaral?

Paul: Sus! Sisiw lang iyan! Tutulugan ko lang iyang exam!

Beauty: Ang yabang mo Paul! (Ngumiti)

Paul: (Ngumiti) Hindi, joke lang. Sige, mag aaral ako kapag ikaw ang tuitor ko?

Beauty: Magkano ang bayad?

Paul: Hmmm, kapos sa budget eh...(Nilapitan si Beauty sa mukha....So close).

.Pwedeng kiss nalang?

(Kinurot ni Beauty si Paul)

Beauty: Kiskisin mo mukha mo!!!

Paul: Araaaaaaaaaaaaaaaay!!!!! Ang sungit mo naman! Hindi naman mabiro...

(Ngumiti si Beauty)

Paul: Tama ba 'tong nakikita ko? Ngumingiti si Beauty? Uuuuuy....Nacu-cutan ka sa akin noh?

Beauty: Ang kapal mo rin noh...(Bumalik sa pagkasimangot)

Paul: (Kiniliti si Beauty) Uuuuuuuuuy, ngingiti na iyan...ngingiti na iyan....

Beauty: Paul, tama na...(Nakikiliti) Ano ba...(Tumawa)

Paul: Nauuhaw ka ba?

Beauty: Medyo.

Paul: Teka ha, bibili muna ako sa canteen ng snack natin. Pagbalik ko, mag aaral tayong dalawa. Huwag kang umalis ha? Lagot ka sa akin! (Umalis)

Ngumiti si Beauty...Ang hindi niya alam, pinagmamasdan pala sila ni Cristine. Lumapit bigla si Cristine.

Cristine: So you are the girl!

Beauty: Cristine? Anong ginagawa mo dito?

Cristine: Nanonod ng movie, between the Beauty and the Beast!

(Natahimik si Beauty)

Cristine: Pwede ba, huwag mo ng landiin si Paul! Alam mo, sa tuwing magkasama kayo,

nagmumukhang kawawa si Paul eh, kasi naman ang pabngit pangit mo! Hindi ka ba

nandidiri sa sarili mo? At please naman, maawa ka naman kay Paul. Huwag mo na siyang

idamay sa pantasya mo kasi di kayo bagay!!!!!At saka nga pala, ina-arrange na ng

parents namin ang amin future. Kaya kung ako sa'yo, lalayuan ko na siya. Kasi sa huli,

ikaw rin ang masasaktan. (Umalis)

(Napaluha si Beauty at umalis na rin)

Kahapunan after sa class, habang naglalakad si Beauty pababa ng building...

Paul: (Tinawag niya si Beauty) Beauty!

(Hindi pinansin ni Beauty) (Hinabol ni Paul si Beauty)

Paul: Beauty...(Hinawakan si Beauty sa balikat at ibinaba agad ang kamay) 

Nasaan ka ba kanina? Ikaw ha, ang daya mo! Iniwan mo ako... Alam mo ba, nagmumukha akong tanga kanina...

Beauty: Sorry,...(Nagmamadaling umalis)

Paul: (Nabigla si Paul) Uy, Beauty!!!!!!!

(Hindi na siya pinansin ni Beauty)

Paul: (Sa sarili) Anong nangyari dun?

Kaumagahn ay di na talaga nagpaparamdam si Beauty sa kanya. Kahit sa text, hindi narin siya tinitext nito. Hanggang sa mga sumusunod na araw. Nagtataka na si Paul.

(Pinuntahan niya si Cristine)

(Habang kumakain si Cristine)

Paul: Cristine! Ano bang sinabi mo kay Beauty?

Cristine: Bakit ba?

Paul: Magsabi ka ng totoo!

Cristine: Oo, kasi naman hindi talaga kayo bagay. Bulag ka ba Paul? O nagbubulag-bulagan lang? Tingnan mo nga ang mukha ng babaeng iyon! Eh, daig pa ata ang shokoy!

Paul: (Galit na hinawakan ang braso ni Cristine)

Cristine: Paul, ano ba! Nasasaktan na ako!

Paul: Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang babaeng mahal ko! Daig mo pa ang malansang isda!

(Umalis na galit si Paul)

Naka ilang beses na ring sinubukang kausapin ni Paul si Beauty, pero dinidedma pa rin siya nito.

Kaya naman, naka desisyon na si Paul na gawin ang kanyang SUPER PLAN para maibalik si Beauty.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon