Meeting the Characters

25 5 0
                                    

THIRD'S PERSON POV

Sa isang abandonadong room sa loob ng Villa Roselle Academy, laging tumatambay ang magba barkada, marami silang tambayan, pati ang bahay este mansyon ng leader nila ginagawa nilang tambayan.

Kilala sila sa Academy dahil sa kanilang angking talento at syempre, kagwapuhan.

Maliban sa pagkakaibigan ang turingan nila, tinuturing din nila ang isa't isa na parang magkakapatid. Lagi silang nagdadamayan kapag may problema, walang lihim sa isa't isa, wala nga ba?

Masaya silang nagtatawanan sa sala ng mansyon ng kanilang leader, maliban sa isa na parang pinagsukluban ng langit at lupa ang mukha.

"Oh? Seb, why are you sad?" tanong ni Dylan sa kaibigan

-->Dylan Karlle Santos, kinulang siya sa height pero mala anghel ang boses, matalino pa, magaling siyang magtago ng sikreto. Siya ang tumatayong nanay ng grupo, dahil sa galing niya sa gawaing bahay, mahilig rin siyang magluto.

"Kasi naman Dy, bagsak ako sa Mathematics and Chemistry! Lagot ako nito kay Mommy, may deal pa naman kami" malungkot na saad ni Seb Kay Dylan

-->Sebazstian Choi, half Korean and half Filipino siya, pinaka bata sa grupo at pumapangalawa sa matatangkad, magaling siyang mag rap at sumayaw. Lagi silang magkasundo ni Kai pagdating sa kalokohan. Kilala siya sa ngalang Seb.

"Ano ba deal niyo?" curious na tanong ni Dylan

"It's a secret, Dy" sagot naman ni Seb

"Yan kasi! Puro lovelife niya inaatupag, sino ba yang nililigawan mo huh? Maganda? Sexy ba? Ano?" Sunod sunod naman na tanong ni Kai

-->Kaile John Rivera, cassanova ng grupo, tanned-skin, maniwala kayo sa hindi, wala pang First Kiss yan. Magaling siyang sumayaw at mag rap. Childhood bestfriend niya si Dylan. Kilala siya sa pangalan na Kai.

"Ay ganon? Basta chicks ang bilis, go lang ng go. Kaya ka tinatawag na cassanova eh, wala pa namang first kiss hahaha" sabat ni Bry with hand gestures pa

-->Bry Hanje Sandoval, mataas boses niya daig pa babae sa taas kung bumirit. Mahilig siyang maglagay ng eyeliner, lagi mo siyang makikitang nakikipagharutan sa best-bestfriend kuno niya, kaya napagkakamalan ng mga taong nakakakita sa kanila na magjowa ang dalawa.

"Bakit Bry? Ikaw ba may first kiss na? Ikaw ha, may nililihim ka ata sa amin eh" panunukso ni Kai kay Bry

"Syempre nama--" Hindi pa natatapos ni Bry ang sasabihin niya nang may sumingit

"Totoo ba yun Bry? Is that true? You do have a first kiss? Why didn't you told me? I thought you were my best bestfriend!" Pag iinarte ni Czarlei

-->Czarlei Park, like Seb, half-half din siya. Magaling mag rap at tumugtog ng piano, drums, guitar, magaling din siyang magbeat box. Siya yung OA na best-bestfriend ni Bry. Pinaka matangkad sa grupo. Creepy ang smile niya pramis, pero cute naman siya.

" OA mo naman Lei, alam mo nam--HOY CZARLEI! ABA'T MAY NALALAMAN KA PANG PA WALK OUT WALK OUT HA! KAI! LESHE KA TALAGA!" Sigaw ni Bry, dahil winalk outan siya ni Czarlei

"Aba't ako pa sinisi mo jan, ako ba dahilan ng pag walk out ng BOYFRIEND mo?!" May halong pang aasar na sabi ni Kai

At nagpatuloy sa asaran ang dalawa ni hindi nga nila namalayan na nilayasan sila nina Seb at Dy, pumunta sa guest room, di ko alam kung anong ginagawa nung dalawa

"Oy, oy, ANONG KAGULUHAN ITO?!" Sigaw ng kararating lang na si Suho, may binili kasi siya, at di ko nanaman alam kung ano

-->Sunn Horriz Stanford, PINAKA maputi at PINAKA mayaman sa grupo, san ka pa? Sa iba nalang kasi bukod jan, siya rin ang PINAKA matanda, PINAKA maliit, at PINAKA corny mag joke, kung si Dylan ang nanay ng grupo, siya naman ang tatay. Leader ng grupo, kilala sa pangalang Suho, tinatawag rin siyang gramps ng grupo, dahil nga daw siya ang PINAKA matanda sa kanila

"Eh pano ba naman kasi itong si Kai, nang a ano hindi ko naman inaano" pagsusumbong ni Bry kay Suho

"Oi! Anong ako? Eh ikaw nga yung nanguna jan! Sinabihan mo pa nga ako nang--" naputol ang sasabihin ni Kai ng sinaway na sila leader nila

"Tumigil na nga kayo para kayong mga bata!" Pagsusuway ni Suho sa dalawa

"Eh bata pa naman talaga kami eh..." sabi ni Bry

"Ikaw lang talaga ang matanda" na ginatungan naman ni Kai, nag apir pa ang dalawa =_=

At ayun, naka tanggap sila ng tig isang batok mula sa leader

"Asan na nga pala yung tatlo? Tawagin niyo na malelate na tayo" utos ng Leader sa kanila

"Aba'y Malay ko sa dalawa, si Czarlei ayun! Nag iinarte" sagot ni Bry

"Nagseselos yun si Czarl, ikaw kasi eh paasa ka" asar nanaman ni Kai

"Nag salita ang hindi, psh! tsaka duh! hindi kami talo" pag paparinig ni Bry

"Tama na nga sabi yan eh, ang kulit niyo malelate na nga tayo!" Mahahalata mo sa boses na naiirita na siya sa kaingayan ng dalawa pero kalmado pa rin siya, gets niyo? kung hindi, edi intindihin niyo XD

Pero di siya pinansin nung dalawa dahil patuloy lang sila sa pagbabangayan, no choice siya kaya siya na ang tumawag sa tatlo dahil alam niyang hindi sila titigil sa bangayan

"DYLAN, SEB AT CZARL! NAGSIAYOS NA BA KAYO? MALELATE NA KASI TAYO EH " sigaw ni Suho

"YES LEADER!" Sabay sabay na sabi nung tatlo

"HALIKA NA! IWAN NATIN YUNG DALAWA DITO, SAYANG ILILIBRE KO PA NAMAN, NAHANAP KO NA KASI YUNG BLACK CARD KO" pagpaparinig ni Suho

Bigla namang nagpantig ang tenga nung dalawa kaya...

"DY!! SEB!! CZARLEI!! ANO BA DALIAN NIYO NGA AMBABAGAL NIYO TALAGA KAHIT KAILAN! KITANG MALE LATE NA TAYO O!" Sabay na sabi nung dalawa, oo as in sabay talaga, =.= haayy nako!

At ayun na nga nauna pa po yung dalawa na pumasok ng sasakyan kesa sa may ari, nakalimutan pa nga nila isuot yung polo shirt nila, tsaka naiwan yung bag sa sobrang pagmamadali...

~~~
Corny eh?

VOTE naman po kayo, thankeu!

PRONUNCIATIONS:
DYLAN KARLLE as in DILAN KARL
KAILE JOHN as in KAYL JAN
CZARLEI as in CHARLI
BRY HANJE as in BRAY ANJI
SUNN HORRIZ as in SAN HORIS

Chained FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon