DYLAN KARLLE'S POV
Heart transplant? Parang ayoko gawin, ayoko dahil natatakot ako na baka maging komplikado ang operasyon at mas lalong mapadali ang buhay ko, hindi ko pa nga nakakausap si Kai, kahit sana nandito siya sa tabi ko, pero nasaan siya? Wala...
Wala rin naman kwenta ang buhay ko, magiging sagabal naman ako sa kanila dahil sila pa ang magbabayad ng mga hospital bill ko, wala rin naman akong mga magulang na mag aalala sa akin, magiging masaya naman ata sila pag wala ako...
Mag isa nalang ako dito, umuwi muna sila Bry, kukuha daw sila ng mga damit, nag abala pa sila eh, mawawala rin naman ako sa mundong ito
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagsimulang maglakad patungo sa rooftop
Ang gaganda ng mga bituin, ang lamig ng hangin pero makikita at mararamdaman ko pa kaya ito? Kung mawawala na rin naman ako sa mundo?
Hindi ko mapigilang lumuha sa tuwing bumabalik sa akin ang mga alaala, kung saan kami sama sama, isang masayang barkada
Tutal hanggang dito na lang ako, ilalabas ko lang kahit sandali ang aking kinikimkim
"KAI! NAKAKAINIS KA! NANG IIWAN KA, SABI MO WALANG IWANAN! SUNN HORRIZ ISA KA PA! LEADER PA NAMAN NAMIN IKAW, TAPOS IIWAN MO KAMI? ANONG NANGYARI SA WE ARE ONE? NAGLAHO NA LANG BA IYON NG PARANG BULA? SUHO! BAKIT PARANG ANG BILIS MO NAMANG HUMANAP NG KAPALIT NAMIN? BAKIT PARANG ANG BILIS MONG MAKALIMOT? Nakakainis kayo alam niyo yun?" pagkatapos ko ilabas lahat lahat tumulo nanaman ang mga pesteng luha ko
At hindi ko namalayan na naglalakad na ako papunta sa may dulo ng rooftop, para bang may sariling utak ang mga paa ko, pero iisa lang naman ang nasa isip ko...
'Gusto ko ng matapos ito...'
BRY HANJE'S POV
"Dalian mo naman Lei! Baka mainip dun si Dy, mag isa lang kaya siya doon, mamaya baka kung ano gawin nun" sabi ko kay Czarlei
"Teka malapit na! Oh ayan tapos na! Tara na" sabi niya pagkatapos izipper yung bag niya na may lamang damit namin
Naisipan kasi naming magbantay kay Dy, at syempre pipilitin namin siya hanggang sa pumayag siya na magpa Heart Transplant, aba kahit na lagi kaming nagbabarahan, nag aaway, mahal ko pa rin yung baklang yun, at hindi naman ako tulad ni Stanford, na MANG IIWAN... capslock na para damang dama =_=
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto, kahit naman konti may galang ako, malay mo kasi may bisita pala siya tapos bigla bigla ako pumasok diba? edi nakakahiya yun =3=
"Dy? Napagpasyahan nami-- DY?!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nadatnan ko
"CZARLEI! TULUNGAN MO AKONG HANAPIN SI DY, NAWAWALA SIYA" tama kayo, nawawala siya bakit? Malamang, wala siya sa loob eh, wala rin sa banyo, kahit sa ilalim ng kama
"ANO?! NAWAWALA SIYA? SAAN SIYA NAGPUNTA?" sigaw niya pabalik, aba ang tanga neto =_=
"ANG TANGA MO, MALAY KO, MAGKASAMA TAYO PUMASOK DITO KAYA MALAMANG HINDI KO ALAM KUNG SAAN SIYA NAGPUNTA" nakakatanga siya ha, argh!
BINABASA MO ANG
Chained Friendship
Short StoryAnim na kalalakihang magkakapatid ang turingan Lahat ay masaya na parang walang dinadamdam Silang lahat ay laging nagdadamayan Ngunit isang araw, may dumating na problema Na siyang magpapabago sa kanila Nasira na nga ba nang tuluyan ang kanilang pag...