"Dy, anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?" Tanong nung lalaki sa harap ko, paktay! Dapat sikreto lang to eh!
"A-ah, e-eh, s-sa, sa a-ano lang, magpapahangin lang ako tsaka, mag-exercise na rin, oo yun nga tama!" Pagsisinungaling ko kay Seb, tama kayo ng basa, si Seb yun
*** ***
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dy, alam mo namang pwede ka naming tulungan! Bibigyan ka naman namin eh,sabihin mo lang" sabi ni KaiNagtataka ba kayo kung bakit ako sinesermonan nito? Ewan ko rin eh, ang ginawa ko lang naman ay isinekreto ko sa kanila na nag pa part time job ako, eto kasi si Sebazstian, sinundan pala ako at nakita niya ako dun sa pinag tatrabahuan ko, ayun! Sinumbong niya ako sa kanila =3= ambad niya!
"Wala naman akong ginagawang masama ah! Atsaka ayokong humingi sa inyo kasi gusto ko pinaghihirapan ko atsaka...nakakahiya eh" binulong ko na yung panghuli, syempre nakakahiya
"Paano kung nadisgrasya ka habang papunta doon? Alas kwatro palang nun, Dy! Madilim dilim pa baka masagasaan ka, o kaya madulas ka doon at magkaroon ka ng amnesia,or worst marape ka dun ng mga bakla, gwapo ka pa naman nako, Dy! Nakakastress ka" pinapanood KO lang siya habang sinasabi niya yan, haha nakakatuwa ang mukha niya habang nagpapanic
"Ang O.A mo, Kai!" sabi ni Bry
"Ano kamo? Gwapo ako, Kai? gwapo daw ako?" Tanong ko kela Suho na nasa gilid lang at pinapanood kung paano ako sermonan nito, at ang mga langya, kinibit balikat lang ang tanong ko! Tse! Ambad nila sakin =3=
"Dy, wag mong ibahin ang usapan! At hindi ako O.A nag aalala lang talaga ako sa kanya, kayo hindi ba kayo nag aalala?" Sagot ni Kai
"Syempre nag aalala rin kami pero hindi katulad ng sayo na sobrang O.A na halos matalbugan mo na si Czarlei!" Sagot naman ni Bry
"Oy! Bat nasali naman ang gwapo kong pangalan na kasing gwapo ko jan?" Sabat ni Czarlei
"Kung wala kang matinong sasabihin, pwede bang shut up ka nalang?" Iritang sabi ni Bry kay Czarlei, kawawang Czarlei
"Sabi ko nga shut up na ako" nakapout na bulong ni Czarlei, pero rinig ko yun
"Magkano ba bayaran niyo? At ako na ang magbabayad" sabi ni Kai sa akin, hmm. Magkano ba ulit yun?
"Mga nasa... P30,650 ata yun" hindi kong siguradong sagot
Mukhang nagulat siya sa sinagot ko, well sinong hindi magugulat sa laki ng babayaran diba?
"B-bakit n-naman m-masyadong m-malaki ang b-babayaran niyo?" Nauutal na tanong niya
"Eh kasi kami yung gagawa nung booth namin, at naisipan namin is Manganime Cafe, ang kaso wala ni isa sa kagrupo ko ang may coffee maker chu chu! Kaya ako nalang ang nagvolunteer na bibili kasi ayoko naman magdress up like an anime character" paliwanag ko
"A-ah, e-eh, pag aambagan namin yan, Diba? basta wag kang magpapagod, binilin ka sa akin ng Lola mo bago siya pumanaw" sabi niya
BINABASA MO ANG
Chained Friendship
Short StoryAnim na kalalakihang magkakapatid ang turingan Lahat ay masaya na parang walang dinadamdam Silang lahat ay laging nagdadamayan Ngunit isang araw, may dumating na problema Na siyang magpapabago sa kanila Nasira na nga ba nang tuluyan ang kanilang pag...