CHAPTER 13 [My Life and My Future]
[AGA]
Naging maayos naman yung lunch namin kasama ang family ni Liam. Si Tita Aly sobrang daldal, hindi sya nauubusan ng kwento, para tuloy naka one on one ko si Ms. Kris Aquino.
Tawa ako nang tawa nung nilabas at ipinakita sa akin ni Tita Aly yung mga childhood pictures ni Liam. Pati nga si Tito Leo nakigulo din sa amin. Nakikipag-agawan sya ng atensyon sa akin kay Tita Aly kaya ayun nag-aasaran silang mag-asawa.
Si Liam? Ayun sa sofa nakaupo at hiyang hiya sa ginagawa ng parents nya. Sya kasi yung taga awat. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inggit sa family nya. Sana ganyan din yung family ko.
At ito pa, kahit malayo si Ate Sophia at family nya sa kanila nagawan pa din nila ng paraan para makasama sa bonding moments namin at para makilala din ako. Buti na lang talaga at naimbento ang internet at skype!
Si ate Sophia din ang daldal parang si Tita Aly at kasing ganda din ni Tita Aly. Ang cute din nung baby nya si Nicole. Si Henry naman gwapo pero kabaliktaran ni Sophia. Kasi like Liam tahimik lang sya, napapailing na nga lang si Henry kapag kinukwento ni Ate Sophia yung ginawang pamamanhikan ni Henry sa kanya.
*Liam's Car*
Papunta na kami sa bahay namin. Nandoon na rin kasi si Daddy at nag-pre-pre-pare ng dinner.
"Sorry ha, ang kulit nina Mommy at Daddy… pati si Sophia pagpasensyahan mo na din yung kadaldalan. Hays…pati yung pictures ko pinakita pa sa'yo" sabi ni Liam habang nagdridirve
"Hahaha. Ok lang yun no...ang saya nga ng family mo e. Bakit ikaw hindi ka katulad nila?” nakangiting tanong ko sa kanya
"What do you mean?" tanong nya
"I mean…sila madaldal, makwento, masayahin…ikaw may sariling mundo, tahimik at boring…siguro ampon ka no?" pang-aasar ko sa kanya
"Sira ka talaga, masyado lang kasi akong nakafocus sa pagmamanage ng hotel kaya ganun" sabi nya
Nagpatuloy na sya sa pagdadrive at ako hindi pa din makaget-over sa warm welcome na pinakita sa akin ng family nya. Masaya ako at magiging part ako ng family nila pero syempre may malungkot na part din dahil alam kong 6 months ko lang sila magiging pamilya.
*Fernandez residence*
[LIAM]
Dumating na kami sa bahay ni Lira at agad syang bumaba ng kotse ko. Natutuwa ako dahil gusto sya nina Mommy at Daddy pati si Sophia gusto din sya. Medyo na-O.P nga ako kanina sa kanila dahil parang si Lira yung anak nila. Halos hindi na nila ako pinansin kanina, pero everytime na nakikita ko si Lira na nakangiti kanina, nawawala yung inis ko. Ewan ko ba.
"Tara pasok na tayo…gutom na ko." sabi ni Lira nung makababa ako ng kotse ko.
"Gutom ka na naman? Wala ka na ngang ginawa kanina kundi ang kumain nang kumain." asar ko sa kanya
"Shut up." sabi nya ng nakangiti at naglakad na sya papasok.
"Sandali lang." sabi ko
Kinakabahan ako. Ganito ba ang feeling ng ipapakilala sa parents ng isang babaeng papakasalan mo? Ganito rin ba yung feeling nya kanina nung pumunta kami sa bahay? Hay!
Tinignan ako ni Lira at nag-smirk sya.
"Don’t tell me kinakabahan ka?" tanong nya at nagpipigil ng tawa
"Medyo." nahihiyang sabi ko sa kanya
"Hahaha! Come on…hold my hand and relax." sabi nya at inilahad nya yung kamay nya sa akin at ginawa ko naman ang sinabi nya. Kinuha ko ang kamay nya.
"Gaya-gaya." sabi ko ng nakangiti sa kanya.
[AGA]
Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at inoffer ko yung kamay ko sa kanya. Magmula nung pinakilala nya ako sa family nya kanina naging komportable na ako sa kanya. Masaya ako, hindi ko alam kung dahil ba sa family nya o dahil sa kanya.
Pumunta na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kitchen kasi alam kong andun si Daddy at nagluluto. Hindi nga ako nagkamali at nakita ko si Daddy sa kitchen na nagluluto. Si Yaya Rosie naman ay nasa may dining room at nag-seset-up ng table. Napansin naman kaagad nya kami.
"Oh, andyan na pala kayo, malapit ng maluto yung dinner." sabi ni Yaya Rosie
"Hi Yaya." lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.
"Good evening po." bati sa kanya ni Liam
Lumapit ako kay Daddy at binati sya.
"Hi there Superman." sabi ko at hinalikan ko sya sa pisngi
"Hello there, young lady. So, how was your lunch with your future family?" nakangiting tanong sa akin ni Daddy
"Good! Grabe Daddy ang saya nung family nila. Nakakatuwa si Tita Aly ang kulit nya para ko ngang naka one on one si Ms. Kris Aquino. Si Tito Leo din ang saya kausap. And I met his Ate Sophia too, via skype coz she is in New York with his family ang cute nung baby nya si Nicole. Nako Daddy maaaliw ka dun kay Nicole sobrang cu--"
"Ehem"
Sabay kaming napatingin ni Daddy kay Liam. Aww, nakalimutan ko na kasama ko pa pala sya. Hahaha! Sobrang excited kasi akong magkwento kay Daddy about his family.
"Oh, sorry, sorry! Dad this is Liam Kurt Villas my fiance." sabi ko.
"Good evening po, Chef Gee." sabi naman ni Liam
"Call me Dad. Nice to meet you Liam and I hope you take good care of my daughter. I trust you" sabi ni Dad at nakipagshake hands sya kay Liam.
"I will, thank you Sir" sabi ni Liam sa kanya
"Ang ganda namang tignan. Natutuwa ako at sa wakas magpapakasal na yung alaga ko, kahit ikasal ka na Agatha sana ako pa din yung Yaya mo ha." sabi ni Yaya Rosie na nagpunas pa ng luha sa gilid ng mata nya.
"Syempre naman Yaya" nilapitan ko sya at niyakap.
"Come on, let's eat…dinner is ready." sabi ni Daddy
Dinner went well. Liam and Dad talk about business and cooking. Ang dalawang topic na hindi ako makarelate, kaya ang nangyari sila lang dalawa yung nag-uusap at ako kumakain lang. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong nila ang opinyon ko. Feeling ko tuloy ako ang bisita at si Liam yung anak, pero syempre masaya ako…kasi gusto ni Daddy si Liam at masaya ako na nakikitang masaya si Daddy. Hindi ko rin syempre maiwansang malungkot dahil alam kong panandalian lang naman to.
Pinag-usapan na rin namin yung mga gagawin sa kasal namin. Bukas pupunta dito yung family ni Liam para mamanhikan at madiscuss yung kasal namin. Yung mga wedding preparation, etc. Tinext ko na din sina Cams na magkikita kami bukas para matulungan nila ako sa pagplaplano ng kasal ko. Si Liam naman sa pamamanhikan ko lang makakasama kasi madami pa rin syang aasikasuhin sa hotel nya. So it means…ako lang ang sobrang busy bukas.
Hayyyy! Nakakapagod palang mag-pakasal ang daming gagawin. Akala ko kasi tama na yung may groom ako tapos pupunta kami sa simbahan tapos yun na yun. Hindi dapat ako ma-excite sa kasal namin pero hindi ko maiwasan maramdaman yung excitement.
**********
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)
Romancesi Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang maiwanan. kaya sya ang unang nang-iiwan. UNTIL her father wants her to find a man and get married...