CHAPTER 5 [Bachelor’s List]
[LIAM]
It’s already past 1 in the morning and here I am alone in my house WORKING. But the thing is hindi ako matapos tapos sa ginagawa kong presentation dahil lumilipad yung utak ko at parang nag-o-auto-replay yung ngiti nung late comer na model na yun sa utak ko.
Parang hinahanap ng sarili kong utak kung saan ko yun nakita.
FLASHBACK
“Hey, wait up.” Hinawakan ko yung braso nya para mapigilan sya sa paglabas ng hotel.
“Now what Mr. Villas?” Humarap sya saken na nakataas ang isang kilay.
“Hmm.. c-can we talk?” mahinang tanong ko sa kanya nang may pag-a-alinlangan
“We are TALKING like duh? Tsk” She said and rolls her eyes.
Pilosopo talaga.
“What I mean is, I want to talk to you in private.” I said trying to calm myself.
“Ask me here. Kasi kung hindi mo napapansin, nagmamadali ako.” Naiinis na sabi nya.
Hays. Nakaka wala talaga ng pasensya ‘tong babaeng ‘to.
“Ok fine. Have we met before?” I finally ask.
Tinignan nya muna ako bago sumagot.
“NO! I’ve never met someone as boring as YOU before. It’s that all?” sabi nya, saka sya tumalikod saken.
Hahakbang na sana sya pero pinigilan ko sya, hinawakan ko yung braso nya at iniharap ko sya sa akin.
“Hindi pa ko tapos, kaya wag mo kong tatalikuran.” nauubos na yung pasensya ko sa kanya.
“Argh. Ano pa bang kaylangan mo? Sinagot ko na yung tanong mo diba?” Inis na tanong nya at inalis nya yung pagkakahawak ko sa braso nya.
“Ok. Sorry… I’m serious, because your smile is so familiar. I think I saw it before.” sabi ko sa kanya.
Hindi ko din alam kung bakit napakaimportante para sa akin na maalala kung saan ko nakita yung ngiti nya.
“Hahahahahaha. Wow. Hindi ko alam na joker ka pala.” She said and I gave her a confused look.
“Duh? Of course nakita mo na ko noon. In billboards, T.V commercials and magazines maybe. I’ve been smiling in front of the camera for almost five years” sabi nya na may pagka inis.
“Tsk. Ok fine. Forget it. Sorry to disturb you.” Sabi ko. Pumasok na ko sa loob ng hotel.
END
Hays! Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis at inihilamos ko yung dalawang palad ko sa muka ko. Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko kung bakit masyado akong apektado sa late comer na yun.
Tinignan ko ang kanang bahagi ng office table ko. Kusang hinanap ng mga mata ko ang isang larawan, kinuha ko ito at tinitigan.
“*sigh* I miss you” I said and smiled.
[AGA]
“So, how was your search? Any progress?” Dad asked me while eating our dinner.
Yeah right. It’s been 2 weeks since our deal and until now, wala pa ring progress. Although tinutulungan naman ako ng mga ‘kaibigan’ ko. To think na gumawa pa talaga sila ng ‘bachelors list’.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)
Romancesi Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang maiwanan. kaya sya ang unang nang-iiwan. UNTIL her father wants her to find a man and get married...