CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]

189K 4.6K 496
                                    

CHAPTER 9 [The Proposal]

[AGA]

“Because you are not late.” he said and wears his winning smile.

“I hate you” inis na sabi ko.

Sa sobrang inis ko sa sinabi nya binato ko sya ng crumpled tissue paper. Tinamaan sya sa muka, buti nga sa kanya. Bwisit sya!

Alam ko namang palagi akong late. Bakit kailangan pa nyang ipamuka sakin?

“Woah! What’s that for? Nagtanong ka diba? Sinagot ko lang naman.” Natatawang sabi nya.

At talagang natutuwa pa sya na naiinis ako. Calm down Aga! Huminga ako ng malalim habang nakapikit at mahinang bumilang…

1…2…3…4…5…6…

“What are you doing?” kunot noo nyang tanong sakin.

“Calming myself.” I said.

“So? Are you ok now? Can we start our business meeting?” tanong nya.

Muntik ko ng makalimutan yung meeting namin. Tsk! Last chance ko na nga pala sya, kapag minamalas ka nga naman.

“Fine! *deep sigh* So Mr. Villas, what made you accept our proposal? To think na hotel ang business mo.” tanong ko sa kanya.

“Ms. Fernandez it doesn’t mean na porket hotel ang business ko ay hindi ko na i-co-consider yung proposal nyo. Unang una dahil magkakaroon ako ng benefits dito. And diba dapat ako ang nagtatanong sayo ngayon kung bakit gusto nyong mag-invest sa hotel ko? Samantalang your restaurant can stand on its own.” Sabi nya at tinitigan akong mabuti.

God! Grabe ang seryoso naman kausap nito, lalo tuloy akong hindi mapakali dito. Hindi ako sanay sa mga ganitong business meeting. Hindi ako komportable. Malay ko ba kasi sa business no. Model ako, sa pakikipag-socialize ako magaling at sa pag-po-pose.

Oo na, ako na ang walang alam sa business.

Napansin nya ang pagtahimik ko kaya nagsalita ulit sya

“Tell me Ms. Fernandez, is this your first time on a business meeting?” Medyo natatawang tanong nya.

Manghuhula ba sya? I’m trying to look professional naman ahh? Nahalata pa din nya? Grabe hindi ba ko magaling umarte?

“Shut up!” inis na sabi ko sa kanya.

“I’ll take that as a yes.” nakangiting sabi nya sakin.

And I gave up! There’s no use in pretending. Huli na naman e.

“Fine. I’m not a business minded person, it just that I have no interest when it comes to business because it doesn’t suit my personality and it is just for boring people like you.” Paliwanang ko sa kanya.

Tinawanan lang nya ko sa sinagot ko. Wow, so ano namang nakakatawa sa sinabi ko?

“Don’t laugh, you look stupid” inis na sabi ko sa kanya at uminom ako ng tubig para kalmahin ang sarili ko.

“I’m sorry I just can’t help it. You just remind me of someone. ” he said

“Who?” I asked

“My sister.” he said and smile

Oh, ok. So may kapatid pala syang babae.

“So, since you’re not that interested in business matter…we’ll not take this meeting seriously.” He said habang inaayos nya yung mga folder sa lamesa na parang nililigpit nya.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon