68

683 29 0
                                    

Vince

"Malungkot si Vince. Kawawa naman hahahaha" sabi ni Travis na natatawa pa sakin kasama si Star.

"Sasapakin na kita Travis ha"

"Joke lang. Ito naman. Ikaw kasi eh, pinush mo eh pwede mo namang pigilan" sabi niya.

"Oo nga. Pero hindi tayo sure kung tatanggapin nya yun. At kung hindi nya tanggapin, may ibang dahilan bukod sayo Vince" walang hintong sabi ni Mark kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Grabe kayo sakin ha."

"Ang drama mo." Sabi ni Fionna sa tabi kaya napatingin ako sa cellphone kong nagvibrate at nagtext si Unice.

From: Unice

Samahan mo naman ako.

To: Unice

Nasaan ka?

From: Unice

Sa studio.

Lumabas ako kahit hindi nagpaalam para puntahan si Unice. Mukhang problemado eh. Kailangan nya ko sa tabi niya. Syempre bilang nagmamahal sa kanya, kailangan nya ko dun.

Pagdating ko ay nandun sya sa loob ng studio na nakaupo at nakapwesto kaharap ng mic.

Pinindot ko yung button para marinig sya kung kakanta man sya at para na rin makapagsalita ako.

"Nasaan si Renz? Bakit iniwan ka nya?" Tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin nya ako, yumuko lang sya.

"Ganun ba talaga kahirap tuparin yung pangarap ko?" Napakunot ako ng noo at tinanong sya kung bakit. Kung anong problema.

"Pangarap ko talaga sa CSW, Vince. Pero parang madaming pumipigil. Madaming may ayaw. Madaming may humaharang. Nung una, hindi ako natanggap. Ngayon, kasi pagpumunta ako dun at tinanggap yung offer, may mawawalan. Hindi ko na alam. Ang daming chances pero parang lahat ng yun ay di para sakin"


Hindi ako sumagot at papasok sana pero sinenyasan nya ako na wag kaya umupo nalang ulit ako at pinakinggan sya.

"Feeling ko hindi ko naman talaga deserve na maabot pangarap ko. Parang hindi naman para sakin ang maging performer sa entablado. Parang hindi ako karapat dapat dito kung saan ako nakaupo"

"Kung hindi ka karapatdapat, edi sana hindi ka kinukuha ni TY. Karapat dapat ka naman talaga kaso, laging may choices. San ba talaga gusto mo? At ang choices dun, ay kung susundin mo ba ang nagiisang pangarap mo at hindi mo papansinin yung iba, o magpaparaya ka para sa kasiyahan nila? Sayo naman nanggaling, na paghindi mo tinanggap yun, part ka pa din ng PMC. Kaya nasa yo ang choice. Pagtinanggap mo yun, maraming consequences. May mawawalan, may maiiwan ka, pero atleast, masaya ka. Teka mali, sasaya ka nga ba? At pag hindi mo tinanggap yun, nothing will change. Ganun pa din pero sa pagkakataong yun, nakatulong ka. Don't think na pinipigilan kita sa pangarap mo. Susuportahan pa rin naman kita"

"Di ko na alam. Nakakapanghina ng loob. Nakakapanghina ng katawan at ng utak. Lalo na ng puso."

Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob ay yakapin sya ng mahigpit saka ko naramdaman na basa na yung damit ko dahil sa pagiyak niya.

"Sa buhay, pagmay dapat kang pagpilian, laging may dumarating na sign kung ano nga bang makakabuti para sayo. Just wait at wag mong madaliin. Gusto mo kantahan kita?"


Naramdaman ko ang pagtango niya kahit nakatango sya.

"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahala~
Walang papantay sayo, maging sino man sila"

Nilayo ko sya saglit dahil bumibigat ang pagsandal nya sakin. Nakita ko syang nakapikit na at natutulog. Kita padin ang pamumula ng ilong nya hahaha at pamamaga ng mata nya.

Binuhat ko sya at dinala nalang muna sa dorm namin. Wala kasi akong susi ng dorm nila at susi lang ng dorm namin ang meron kaya dun ko sya pinagpahinga.

Starfield University (Campus Queens 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon