It's all started with a DREAM

10 0 0
                                    


CHAPTER 7:

DON'T GO BREAKING MY HEART

Lumipas ang mga araw na na napakasaya ko lagi, ikaw ba naman may sumundo sayo na isang gwapong lalaki di magiging masaya araw mo.

Hahahaha, Alam nyo ba nanligaw nga talaga si Hanbin, ang loko ginawa nga talaga yung sinabi ko nag search nga talaga sa Google, wahahaha.

At di lang yun nagtanong din sya kay Ivy at tita kung

ano daw ang 'Manligaw' nakakatuwa kasi nag-eeffort talaga sya, Nung una di na niniwala si Tita at Ivy na liligawan ako ni Hanbin kasi nga diba puro kami away bati nun, pero naniniwala rin naman sila kalaunan tuwang-tuwa pa nga eh.

Yung Ikon naman alam na nililigawan na ako ni Hanbin tuwang-tuwa nga sila eh.

Pero yung manager nila hindi pa alam. Saka na lang daw nila sasabihin.

Araw-araw lagi ako sinusundo ni Hanbin, kahit minsan kakatapos lang ng practice nila o kaya kakauwi lang nya galing sa isang Music Show, naawa nga ako minsan eh.

Kasi siyempre pagod siya,pero nagagawa niya pa din akong sunduin.

Pero ngayong gabi tatapusin ko na yung paghihirap nya, dahil ipapasalvage ko na sya wahahahahhaha! Joke lang.

but seriously, ngayon sasagutin ko na siya

hihihi, ano be yen kiniikilig ako.

Wahahaha!

wag kayo ma ingay ah! *^O^*

Papalapit na ako sa kanya, ang gwapo nya talaga kahit kailan, hihihi...

Pero bakit ganun,

parang may kakaiba sa kanya ngayon,

Di naman sya pagod ngayon, yung ngiti niya kasi eh, parang pilit yung pag ngiti nya....

Parang may mali sa kanya,

Yah! Ano ka ba Xianiel think positive Okay!

Wala lang yan okay!

Lumapit na ako sa kanya..

"Ang aga mo ah !"

"Ah, eh oo, nasa dorm lang naman kasi ako eh, lika na"

Hinawakan na nya yung kamay ko at naglakad na kami.

"Hanbin saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Ang tahimik naman niya, kanina pa sya di nagsasalita di naman sya ganyan dati eh,

parang may mali talaga..

Aish!

Di ko talaga maiwasan mag-isip ng negative...

"Huh?"

Sabi ko na nga ba may iniisip to eh, di nya narinig yung sinabi ko eh, *sigh*

"Okay ka lang ba, di ka ata masyado nagsasalita may problema ba?" Tanong ko ulit sa kanya..

"ah wala naman, wag mo na ko masyadong intindihin, okay lang ako huh"

Habang sinasabi nya yun nalulungkot ako,

di naman sya ganyan eh, nagsisinungaling sya eh..

Halata ..

Napansin niya atang nalungkot ako,

Kaya bigla siyang humarap sa akin at kiniss ako sa noo.

"wag ka ng malungkot okay, Pupunta tayo sa namsan tower di ba di ka pa nakakapunta dun,lika na para maabutan natin yung fireworks show"

It's all started with a DREAMWhere stories live. Discover now