It's all started with a DREAM

10 0 0
                                    


CHAPTER 33:

THE ACCIDENT

JUNGKOOK P.O.V.

Bakit ganun kung kailan masaya na kami bigla pang dumating tong Hanbin na to , sa totoo lang gusto ko siyang sapakin kanina ng lumapit siya sa amin.

Moment namin to eh tapos bigla niyang sinira!

Shiiit!!

Binalak kong habulin si Xianiel pero di ko na siya inabutan. Naka-sakay na siya agad sa Taxi! sht!

Bumalik ako sa loob ng reataurant, hinarap ko si Hanbin at ----

*Boooogsssh!!!*

Di ko na napigilan ang sarili ko.

Sinuntok ko siya!

Wala na akong pakialam kung ma-issue yun, Naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya ngayon!

At lalong-lalo na sa ginawa niya kay Xianiel dati!

*boooogsssshh!!!*

*Booooogssssh!!*

Gumanti siya kaya pareho na kaming nagsusuntukan,pinigilan kami ng mga kaibigan niya.

"Tama na yan! Tumigil nga kayong dalawa! " sigaw sa amin ni Bobby hyung.

Hawak-hawak ako ngayon nung Junhoe at Yunyhueng.

"Wala kang kwentang lalaki! Bakit ba bumalik ka pa??! Nakalimutan kana ni Xianiel tapos babalik-balik ka pa ngayon??! Ngayon kung kailan masaya na kami!!!" Sigaw ko sa kanya di ko mapigilan ang galit ko sa kanya.

"Wala kang alam! Alam ko mahal pa din ako ni Xianiel mas una niya akong nakilala tandaan mo yan! Ako ang una niyang minahal! At ikaw rebound ka lang !!" Sigaw niya sa akin.

Ouch! Bakit parang nasaktan ako doon,

Rebound nga lang ba ako?

Sana hindi..

Sana talaga hindi....

"Matagal ka ng nakalimutan ni Xianiel, at ako na ang mahal niya ngayon, ikaw! Isa kana lang na masamang alaala sa kanya na kinalimutan na niya, kaya wag mo na ipilit ang sarili mo sa kanya, dahil matagal ka ng walang puwang sa puso niya." Sagot ko sa kanya.

Iniwan ko siyang nakatulala.

Alam kong masakit ang sinabi ko sa kanya pero yun naman ang totoo eh.

Ako na ang mahal ni Xianiel at nararamdaman ko yun.

Pupuntahan ko si Xianiel, ngayon.

Alam ko, ako ang mahal niya.

*******

HANBIN P.O.V.

Kakauwi lang namin galing sa 2days concert namin sa Philippines at dumiretso agad ako sa restaurant kung saan pupunta si Xianiel mamaya.

Sa loob ng dalawang araw na yun hindi lang yung concert ang nasa isip ko kundi si Xianiel din at yung rumors na kumakalat na nagdidate sila ni Jungkook.

It Can't be!!

Ako lang ang dapat kay Xianiel wala ng iba!

Hindi ako papayag na basta na lang eeksena ang lalaking yun!

Hindi ko pa din bibitawan si Xianiel.

Alam ko na mahal niya pa din ako!

Maaga akong nakarating sa restaurant kaya sinet-up ko na ang lahat.

It's all started with a DREAMWhere stories live. Discover now