Entry 2

37 3 0
                                    

ELLA's POV.

July 18. (Thursday)

As I said earlier, Girlscout ako. KAMI pala. So we're CADETS na. Kami ni Ches. Kase 4th year na kami. Si Lexi? 1st year, kaya junior scout pa lang siya. Acquaintance Party na nga pala bukas.

Maganda naman ang araw ko :) NakaJeans and Plain White T-Shirt ako tapos may Necker tas Rubber Shoes. Type C Uniform to. Dahil wala pa kong Cadet Uniform.

English Time na namin ngayon, 9:30AM. Kailangan kong tapusin lahat ng writing tasks namin para mapayagan kami ni Miss na umattend sa Acquaintance Party for tomorrow.

**Bell

"GoodBye Class" Miss Ness.

"Goodbye and Thank You Miss Ness" The Whole Class Responded.

Natapos ko naman siya kaya confident akong makakaattend ako, at wala na kong problema tungkol dito. Kaso may bigla akong naalala! :/

"Shocks Ches!!!" Sabay hila ko kay Ches, Nasa pathway kami, papuntang PL1, kung san ang building ng 1st year hs. Usually, palusot ko, magcCR ako, pero heler? Sa building kaya namin may CR din. Kaya nagisip ako ng bagong palusot. 'PUPUNTAHAN KO SI JASMINE' Pero kaya ko lang naman gustong pumunta dun is because of LEXI. Gusto ko siyang makita. Ewan ko, pero special kase yung bata na yun. Idunno kung ano. Mahirap maPoint Out e.

'Jasmine Mae Manalo' Obviously, Kapatid ko siya. 1st Year din. Ayaw niya talaga dito sa school namin pero wala siyang magagawa, Andito ako e, Kaya dito na din siya. 12 years old, I Call her Jazz. Sa school? Jasmine ang tawag sa kanya.

"Ano nanaman?" Sabi ni Ches.

"Wala pa pala tayong susuotin para bukas!!! Pano na yan?" Nagpapanic nako.

"Kahit ano na lang. Pantalon tapos tshirt tas Dollshoes! Oh diba? Iwas gastos!" Nakangiting sabi niya.

Argh. Malapit na kami sa Room nila. TimeOut muna. Faculty Room, Saint Rose~ Saint Martha~ Saint Jertrude~ SAINT CECILIA ~ HANAP. HANAP. Ayun! Nakita ko siya. Nakaupo at nakikipagdaldalan sa katabi. :) Active siya e. Nakalaklak ng Energy Drink! XD

Nakita niya ko. Pagkatingin nia Ngumiti tas may sinabi siyang hindi ko naintindihan kaya Nagbelat [:P] na lang ako. Nakalampas na kami.

Nagpunta kaming CR. Malapit lang kasi yung Classroom nila sa CR. Yun nga. Ayos ayos. Polbo, tingin sa salamin, pabango.

"Tara na dre. Baka malate pa tayo, saraduhan tayo ng pinto ni Sir. Red" Yaya ni Ches.

"Osge. 9:40 na. 5 minutes pa." Sabi ko.

Dadaan nanaman kami sa Room nila. At inaabangan pala kong dumaan ni Lexi. Pero nasa loob siya ng Room. May sinabi nanaman siya. Hindi ko talaga maintindihan~ Sabay hila ni Ches sakin kase nakita niya si Sir Red, paakyat na ng building.

"ATENG! Si SIR! Dalian natin. TAKBO!" Parang baliw siya. Haha. Well, bestfriend ko nga yan.

Nakaabot pa naman kami. May pinakopya then Learning Activity, then Discuss.

****BELLLLLLL!!! :)

Uwian na. Yesssss!

"Ches. Wala pa tayong susuotin. :(" Malungkot na sabi ko. Nagdadalawang isip na nga ako kung aattend pa ko kase wala pa talaga kong susuotin. Tapos 500 Pesos lang ang laman ng Wallet ko.

BPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon