Chapter 2

44.7K 1K 89
                                    

Lunes ng umaga ay nag-aabang na sila ni Cedric sa terminal ng bus kung saan bababa si George. Hindi raw nagdalawang salita ang kanyang kaibigan at pumayag agad ang pinsan nito na magpanggap na nobya o asawa basta raw tumupad sa napag-usapang halaga. Hah, may pagkamukang pera din pala 'tong George na 'to. Pero kailangan nya talagang tumupad. Mahirap na, pulis yon. Isang paputok lang ng baril non sa kaligayahan nya eh goodbye future kids na ang kalalabasan nya. Kinumpirpa naman ni Cedric na babae si George. Yun nga lang ay may pagka-boyish daw ito. Walang boyish-boyish sa kanya. Baka kapag nakita non ang mga itinatago nyang muscle at ang nagmamalaki nyang alaga eh baka ito pa ang maunang sumunggab sa kanya.

Hindi pa rin mawala sa isip nya ang huling sinabi ng kaibigan nung nag-iinuman sila. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero masasabi nyang gwapo sya at hindi lang basta may itsura. Kaya papaanong paiiyakin nya si George gayong hindi ang tulad nito ang tipo nya. Maiksing buhok na maitim. Big NO!

"Adam, tara na, andyan na si George. Di mo pa nga nakakaharap pinagpapantasyahan mo na. Wag ganon pre," sabay bato sa kanya ni Cedric ng dyaryo sa mukha.

Pinagpapantasyahan? Pffft!

"Gago! Nauudo ako kaya ako natahimik. Nasan na ba? Sino ba dyan?" inilinga-linga nya ang ulo sa paligid.

Natanaw nya ang isang babae na naka-barber's cut ant buhok. Agad syang napangiwi dahil sa porma nitong maong na jacket at kupas na pantalon. What the pek! Eh kuko lang ata ni Paloma 'to eh.

"Bro. Bro. ADAM!" bulyaw ni Cedric sabay kutos sa kanya.

"Aray! Bakit ka ba nangungutos ha?!" himas-himas nya ang ulo na hinampas ni Cedric. Kanina pa pala sya nito kinakalabit.

"Eto na kasi si George, kaya tara na nang makaalis na."

"Ayan na nga papalapit na oh! Di mo naman sinabing lalaking-lalaki pala hitsura ng pinsan mo."

"Gago! Hindi yan ang pinsan ko! Eto nasa likod mo. Kung saan saan ka kasi nakatingin eh!"

Kung anong bilis ng paglingon nya ay syang pagbagal naman ng oras nang makita ang ipinagmamalaking pinsan ng kaibigan. Kinailangan pa nyang ipikit-pikit nang maraming beses ang kanyang mga mata para lamang maniwala na tao nga ang kanyang kaharap at hindi isang diwata.

Pota! Yung totoo, pulis ba talaga trabaho nito o beauty queen? Baka naman dati 'tong Miss Universe? Hustisya naman! Akala ko ba maiksi ang buhok na maiitim! Naghuhumiyaw na sambit nya sa isip.

"May damit pa naman siguro ako dyan sa utak mo noh?" nakaismid na sabi ni diwata... este George.

"Meron pa naman... este meron! Syempre meron! Meron akong kotse. Tara na. Gusto nyo kain muna tayo?" hindi pa rin nya mapigilang alisin ang mga mata kay George. Kung anong ikina-lalaki ng pangalan, sya namang ikinababaeng-babae ng hitsura. Hindi nya akalaing natanggap sa pagka-pulis ang ganito kaamong mukha.

Hindi maputi si George kundi pino ang pagka-morena nito. Katamtaman ang pangangatawan. Kumbaga eh payat na malaman. At ang dibdib, malapit nang bumitaw ang isang butones ng suot na blusa dahil sa may kalakihan nitong hinaharap.

Okay. Enough of this. Gutom lang 'to, gutom! pagkumbinsi nya sa sarili.

Sabay-sabay na silang sumakay ng kanyang sasakyan. Si Cedric na ang nagpresintang magmaneho. Sya naman ay sa tabi ni George naupo. Didiskarte sana syang dumikit ng tabi sa babae nang biglang ilabas nito ang baril at punasan ng panyo sa harap pa nya mismo, dahilan upang mapasiksik sya sa bintana at sunud-sunod na mapalunok. Ang gutom na nararamdaman kanina ay napalitan na ng nerbyos. Parang gusto na lamang nyang kumaripas ng takbo at tyagain na si Paloma. Lakas loob syang nagbukas ng usapin, dahil kung hindi nya gagawin yon ay baka mauna pa syang sumabog sa kaba kesa sa hawak nitong baril.

"Ah, ma-may ba-balak ka pa bang bu-bumalik sa pagkapulis?" kandautal nyang tanong dahil umaakto ang babae na may sinesentrong binabaril. Sa gulat nya ay tumingin ito sa kanya at humagalpak ng tawa. Bigla na namang bumagal ang oras at may kung anong sensasyon syang naramdaman. Kakaiba ang paghalakhak ni George. Bukang buka ang bibig nito at halos kita na ang ngala-ngala. Pero may kung anong meron sa dalaga na di nya maipaliwanag na nagtunog at nagmukhang sexy sa kanya ang halakhak nito.

"Chilax, honey. Saan ka ba nauutal, sa presensya ko o sa baril ko?" hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa mga labi. Again, parang gusto na nyang isama sa listahan ng mga pangarap nya ang mahalikan sa labi ang babaeng ito.

"Sa kagandahan mo." Isa iyong kasinungalingan dahil sa baril talaga sya nauutal.

"Hmmm. Kung mas maganda ang sasahurin ko sayo, baka di na ko bumalik sa pagiging pulis ko. Malaki na rin kasi ang tampo sakin ni mama, eh. Ayaw nya talagang magpulis ako."

"Bakit naman kasi naisipan mo ang ganyang trabaho? Maganda ka naman. Bakit di ka na lang mag-modelo?" Pasulyap-sulyap pa rin sya kay George. Laking pasalamat nya nang itago na nito ang baril. "May bala ba yan?"

"Wag kang mag-alala bro, walang bala yan," sabat ni Cedric. "Dahil lighter lang naman yan." sabay tawa ng magpinsan. Sya man ay pinakawalan na ang kanina pa pinipigil na paghinga.

"Whoo. Naisahan nyo ko ron ah! Haha," isang nerbyosong tawa ang pinakawalan nya. "Sya nga pala, gumawa ako ng mga listahan ng mga dapat at di dapat mong gawin kapag nasa paligid si Paloma. Eto oh." Iniabot nya kay George ang piraso ng papel. "Okay lang ba kung basahin mo na lang kapag tayong dalawa na lang o kaya ikaw lang mag-isa? Tas sabihin mo sakin yong mga gusto mong baguhin." Kinuha ni George ang papel at saglit na nagtama ang kanilang mga daliri. Tila ba may kuryenteng dumaloy sa kanyang kabuuan. Naramdaman din kaya ni George yon? Agad kasi itong umiwas ng tingin.

Gustong kastiguhin ni Adam ang sarili. Para syang tanga. Ilang babae na ba ang naikama nya at kailangan pa nyang makaramdam ng ganoon sa isang babae? For bed's sake! Katorse anyos pa lamang yata sya ay hindi na bababa sa lima ang naikama nya. Palibhasa ay malaking bulas sya kaya marami syang babaeng naloloko sa edad nya, plus pa na liberated ang mga babae sa ibang bansa at sa school na pinasukan nya.

"Bakit ang hina ng aircon ng kotse mo. Mukhang sosyal at bago sa labas, mahina naman ang aircon," basag ni George sa katahimikan.

"Pasensya naman. Nasira kasi. Di ko pa napaayos," mabilis na depensa nya.

"Insan, pabukas nga ng bintana ko rito," baling ng dalaga sa pinsan/driver.

"Wala, insan, sira din ang power window nito. I-manual roll down mo na lang. Eto kasing si Adam, dadalhin lang sa service ang kotse nya tinatamad pa."

Sumunod naman ang babae at pilit na iniikot ang tila bumarang roll knob ng bintana.

"Wag mong sabihing pati ito sira rin?" Si George na humarap kay Adam.

"Hindi ah. Amina, ako na mag-iikot." Sya naman ay humarap din sa dalaga at akmang bubuksan ang kaliwang bintana nang biglang kinabig ni Cedric ang manibela pakanan sabay preno, dahilan upang masubsob sya. Pasalamat na lang sya at ngumudngod ang mukha nya sa malambot na bagay, kung hindi ay siguradong putok ang noo at bali ang ilong nya sa lakas ng impact at sa ospital ang tuloy nila.

Teka, parang hindi foam 'to ah, sambit nya sa isip.

Boom! Ang malambot na bagay, dibdib pala ni George. Sa ikatlong pagkakataon, bumagal muli ang oras at napakanta sya sa isip... "Heaven... nasa heaven ako..."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ARRESTED LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon